Chapter 11 - for real na

Start from the beginning
                                    

Noon napansin ni Jackie ang palitan ng makahulugang tingin sina Linus at Gary. Tumayo ang mga ito.

Namilog ang mga mata ni Jackie. Kahit walang sinasabi ang mga ito ay alam na niya ang binabalak ng mga ito. "Oh, no, you won't..." aniya. Sigurado siyang itatapon siya ng mga ito sa pool.

Ngumisi ang mga ito. Lumapit sa kanya.

Tumayo si Jackie. Tiningala siya ni Isaac. Pumunta siya sa likod ng upuan. "Mukha kayong rapist sa tabing-ilog!"

Tinawanan lang siya ng mga ito.

Dahil patuloy lang si Jackie sa pag-atras nang hindi tinitingnan ang likuran niya ay ganoon na lang ang gulat niya nang bumangga siya. Lumingon siya. It was Yael, of course.

Nakahinga si Jackie nang maluwag. Nagtago siya sa likod ni Yael. "Pigilan mo sila, Yael, please!" Bahagya niya itong itinulak pero hawak niya ang magkabilang tagiliran ng T-shirt nito.

Nilingon siya ni Yael. "Ang lalaki nila, Jac. 'Di ko sila kakayanin."

Pinandilatan niya ito. "Puwes kayanin mo," aniya. Sa pagkakaalam niya ay halos magkakasintangkad lang ang mga ito. Pero dalawa nga naman sina Linus at Gary.

Ngumisi si Gary. "Makisama ka, Yael. Brotherhood 'di ba?"

"Pa'no ba 'yan, brotherhood daw," wika ni Yael.

"Utang na loob, Rafael, brotherhood o ako?" Sa sandaling masabi niya Jackie iyon ay natigilan siya.

Napamaang si Yael sa kanya.

"Ah, mukhang may tatalikod sa brotherhood," wika ni Linus.

"At ano ang ginagawa sa mga tumatalikod?" wika ni Gary.

Ganoon na lang ang gulat niya nang humarap si Yael sa kanya. Napaigik siya nang haklitin nito ang baywang niya. "Bawal lumapit," banta nito sa dalawa.

Pero hindi nga kinaya ni Yael ang lakas ng dalawa.

Namalayan na lang ni Jackie na bumagsak na siya sa tubig. Kung nahulog din ba si Yael ay hindi siya sigurado.

Sa kabila ng panic na naramdaman ni Jackie nang lumubog siya ay pinilit niyang kumampay. Napasinghap siya nang maiahon niya ang mukha niya. Ipinunas niya ang palad niya sa mukha niya.

Ganoon na lang ang bilis ng pintig ng puso ni Jackie nang tumambad sa harapan niya ang mukha ni Yael. Naramdaman niya na mahigpit na hinawakan ni Yael ang baywang niya.

Awtomatikong napahawak siya sa balikat ni Yael.

Hindi sigurado si Jackie kung ang pag-alon lang ba 'yon nang tubig o kung talagang nagtataas-baba sa tagiliran niya ang kamay ni Yael. But just the same, the sensation was coaxing her to wrap her arms around his neck. At alam niyang hindi niya puwedeng gawin iyon.

Isinuklay ni Yael ang daliri sa basang buhok nito bago muling ikinakampay ang isang kamay. "Okay ka lang?" tanong nito.

Bago pa makatango si Jackie ay nagpatihulog na si Linus ilang talampakan ang layo mula sa kanila. Kasunod din nito si Gary. Itinago niya ang mukha niya sa leeg ni Yael dahil sa splash ng tubig na nilikha ng pag-dive ng mga ito.

Nakita niyang lumusong na rin si Lira, Krissy at Leklek. Ang magkapatid na Amerikano na lang ang nakatayo sa gilid ng pool.

Hinawi ni Yael ang ilang hibla ng buhok ni Jackie na dumikit sa mukha niya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jackie sa ginawa ni Yael.

"Sorry, I had to let you go," mahinang wika ni Yael. "Baka magkaumpugan tayo."

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now