"Wala 'yon." Sambit ko na lang sa kanya pero sinuklian niya lang ako ng isang matalim na titig.

Hindi ko siya pinansin nung una pero hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa'kin hangga't hindi ko sinasabi ang mga gusto niya malaman.

"Ugh! Fine! Sasabihin ko na!" Singhal ko sa kanya.

"I'm listening." Wika niyang muli.

"First of all, it's not about Min Yoongi."Panimula ko.

"Kung di pala siya edi sino?" Tanong naman ni Angel.

"Tsk! Shhh!" Pagpapatahimik muli sa kanya ni Steph.

"Okay.. Okay.." Usal muli ni Angel.

Napabuntong-hininga naman ako bago muling nagsalita.

"It's not about Yoongi. It's just.. noong araw na 'yon masama talaga ang pakiramdam ko. Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko at nanghihina din ang katawan ko." Simula ng paliwanag ko.

"And then habang iniinda ko yung sakit ng ulo at buong katawan ko biglang nag-vibrate ang phone ko. Binuksan ko 'yon at nakita kong may notif galling kay mama. Nabigla ako nang mabasa kong patay na si chewy." Dagdag ko.

"Si chewy? Yung aso mo?" Medyo nabigla ring tanong ni Angel at sinagot ko siya ng isang tango.

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Dahil naalala ko na namang wala na ang aso ko.

Yes he's just a dog pero parang baby na siya ng pamilya namin. At siya ang palaging kasama ko sa bahay dahil palaging wala sina mama at papa, laging busy sa kumpanya.

"S-Sorry." Malungkot na wika ni Angel sa akin kasabay ng pagtayo niya mula sa kanyang upuan para yakapin ako.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at nakita kong maluha-luha na rin ang mata ni Angel kaya muli na namang bumagsak ang luha ko.

Walang salitang lumabas sa bibig naming dalawa at nagyakapan na lang kami.

"S-Sorry bebs. Sorry talaga." Umiiyak na wika ni Angel.

Mas naiyak ako nang marinig ko ang word na bebs mula kay Angel. Terms of endearment kasi naming 'yon simula nung highschool pero ngayon hindi na naming masyadong nagagamit kasi nga medyo nakaka-cringe na rin. Pero mas malalim friendly love ang naramdaman ko nang marinig ko muli 'yon.

Inilabas lang naming ang mga luha naming ni Angel at nang medyo gumaan na ang loob naming dalawa ay kumalas na kami sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha sa aming mga mata.

"Steph? Umiiyak ka rin?" Sambit ko nang makitang medyo nagtutubig ang mga mata niya habang nakatingin sa aming dalawa.

"H-Huh? Ano? Hindi. Napuwing lang ako." Palusot niya sabay pahid sa mga mata.

Natawa na lang kami sa kanya ni Angel. Nag-ngitian na kaming dalawa at bumalik sa pagkain ng almusal.

Ewan ko pero ganito kami palagi ni Angel kapag nagbabati tuwing nag-aaway kami. Hindi kami masyadong masalita, basta iiyakan na lang naming ang isa't isa habang nagyayakapan hanggang sa maging okay kami.

Nakakacringe din kasi kapag masyadong maraming words, parang masyadong ma-drama. Haha!

"Girls, we should get ready na. Ilang oras na lang, magsisimula na klase na'tin." Sambit sa amin ni Steph.

Kaya naman pagkatapos nun ay nagsipaghanda na nga kami. Isa isa kaming naligo at hinanda ang lahat ng kakailanganin namin para sa mga classes mamaya.

Pagkatapos ng lahat ng preparasyon ay lumabas agad kami ng dorm at si Steph na ang naglock ng pintuan nito. Dumiretso agad kami sa first Class namin.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral Bodyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें