Chapter Fifty-Two: Where Are They?

1K 22 19
                                    

Love's POV

"Mahal na prinsesa, nandito na po sila!" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa sinabi sa akin ng isang katulong. Tinanguan ko siya na hudyat para siya'y lumabas.

Pumasok sa opisina ko ang dalawang taong inutusan kong maglibot sa Magic Academy para hanapin si Regret matapos kong mabalitaan ang nangyari doon. Gusto ko lang makasiguro kung ayos lang ba siya. Hindi na ako mapakali na marinig kung ano na ang balita.

Lumuhod silang dalawa sa harapan ko. Halata pa ang pagod nila dahil hinihingal pa sila at medyo marumi ang damit na tanda na agad silang dumiretso dito galing Magic Academy.

"Mahal na prinsesa, paumanhin po. Nilibot na po namin ang buong Magic A. pero hindi namin makita ang prinsipe, o kahit si Eren. Ito lang po ang nakita namin." May kinuha siyang isang maliit na bagay sa maliit na bag na dala niya at inilahad ito sa akin. Agad ko naman itong inabot. Ito ang pin ni Regret.

"Hinanap niyo ba talaga?!" Bahagyang napataas ang boses ko nang 'di ko sinasadya. Gusto kong humingi ng tawad dahil alam kong pagod na nga sila tapos sisigawan ko pa. Gustuhin ko man, walang lumabas sa bibig ko. Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.

"I-i-isang kwarto na lang po ang hindi namin nakita." Nauutal nitong sabi na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Anong kwarto 'yon?" Tanong ko sa mas kalmadong tono. Nagkatinginan pa silang dalawa bago muling yumuko at saka sumagot.

"A-ang kwarto po kung saan nila nilagay ang mga nasawi." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, napahigpit ang hawak ko sa pin niya.

"Baka naman nalagpasan niyo lang..." Pahina na nang pahina ang boses ko. Hindi pwede... hindi pwedeng siya rin.

"Ilang beses na po kaming nag-ikot, hindi po talaga namin sila mahagilap."

"Naroon din po ang hari ng light sa Magic A. kaya hindi kami makagalaw ng maayos." Pagpapaliwanag nilang dalawa. Napatukod na lang ako sa mesa.

"Lumabas muna kayo..." Sabi ko habang pinipilit pakalmahin ang sarili ko. Nagkatinginan pa sila na parang naghihintayan. "LABAS!" Sa pagsigaw kong 'yon, saka sila nag-unahang lumabas ng kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas nila, agad along napatukod sa mesa ko at napahawak sa ulo ko. Nanginginig ang mga tuhod ko, pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko, nahihirapan na akong huminga sa pagpipigil ng luha. Sa ganitong panahon, dapat hindi makita ng iba na bumabagsak ako. Ako na lang ang kinakapitan ng buong kaharian sa ngayon.

Pero hindi ako naniniwalang wala na si Regret. Baka naman nadakip siya at buhay pa rin o kaya naman ay nakatakas siya. Kilala ko 'yun, magaling tumakas 'yung lokong 'yon eh.

Hindi pwede... Buhay pa naman siya 'diba?  Hindi pwedeng siya rin. Ayoko mag-isa. Hindi ko kayang mag-isa...

L's POV

~Flashback~

"L. L! L gising!" Rinig ko ang boses ni Genrus na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko habang tinatapik-tapik ang balikat ko. Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay tumalikod ako sa kanya. Pakiramdam ko, pagod pa rin ang katawan ko sa mga nangyari kahapon. "Pre! Nawawala sina Regret!" Ang sinabi niyang 'yon ang nagpadilat at nagpabangon sa akin. Nakapikit pa ang isang mata ko nang humarap ako sa kanya.

 "Teka, baka naman lumabas lang." Sabi ko habang pinipilit gisingin ang sarili ko.

"Wala pati gamit nila!" Tarantang sabi ni Genrus.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, wala nga sila. Kinusot ko ang mga mata ko para mas luminaw ang paningin ko bago muling ilibot ang tingin sa kwarto. Baka sakaling nagkamali lang ako. Pero tama nga, wala sila.

"Kailan pa?" Tanong ko habang tumatayo.

"Basta pagkagising ko, wala na sila." Mahina niyang sabi. "Nasaan na ba ang dalawang 'yon?!" Inis niyang sabi. Siguro nag-aalala lang siya sa dalawang 'yon lalo pa ngayon na delikado ang pagkakataon.

"Hindi kaya dinakip sila ng mga kalaban?" Sabi ni Genrus habang nakatingin sa higaan kung saan huling nakita sina Regret at Eren. Umiling ako saka nagsalita.

"Bakit naman isasama pati gamit nila? Siguradong umalis ang dalawang 'yon."

Napatigil kami ni Genrus sa pag-iisip nang may kumato sa pinto. Bumukas ito at bumungad si Kevin. Umagang-umaga tapos pakiramdam ko ito ang pinakamasamang umaga ng buhay ko.

"Maghanda na kayo, lilipat tayo sa Miracle A. sa loob ng isang oras." Mabilis niyang sabi bago isinara ang pinto. Napa-iling na lang kami ni Genrus.

"Oo nga pala, L." May kinuha siya sa bulsa niya bago magtuloy sa pagsasalita. "Bakit nasa kama ni Regret 'tong kwintas mo?" Inilahad niya sa harapan ko ang kwintas na kinuha ko naman. Bigla kong kinapa ang kwintas ko sa dibdib ko para makasiguro pero nandon pa rin.

"Hindi sa 'kin 'yan." Tanging nasabi ko na lang habang gulat pa rin. Hinubad ko ang kwintas ko at pinagkumpara. Bawat sulok, hugis, ukit, disenyo, pati ang bato sa gitna. Hindi pwedeng may kapareho ang kwintas ko dahil Tatay ko mismo ang gumawa nito. "Paanong—"

Habang tinititigan ko ang dalawang kwintas, parang may pumasok na mga ala-ala sa utak ko at kasabay nito ay napahawak ako sa ulo ko dahil bigla 'yong sumakit. Dali-dali namang lumapit si Genrus sa 'kin.

"L? Anong nangyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Genrus. Akmang aalis na sana siya na sa tingin ko ay para humingi ng tulong pero sumenyas na ako na 'wag na.Huminga ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Makalipas ang halos dalawang minuto, unti-unti ring nawala ang sakit.

"Ayos ka na?" Nag-aalala niyang taong. Tumango ako bilang sagot.

Ano 'yon? May mga ala-ala ng kabataan ko ang biglang nagpakita. Mula sa pagbigay ni Papa sa akin ng dalawang kwintas na ito. Tapos may kalaro akong bata pero 'di ko maaninag ang mukha niya. Tapos ibinigay ko raw 'yung isang kwintas dun sa bata...

"Si Regret?"

"Anong meron kay Regret?" Nagulat ako sa tanong ni Genrus. Nagulat din ako nang mapagtanto kong nasabi ko pala 'yon out loud. 

"Wala. Maghanda na tayo." Wika ko. Bakas pa rin kay Genrus ang pag-aalala sa akin sa sa dalawa pa naming kaibigan na hindi malaman kung saan napunta.

Nang ipatawag ang lahat ng estudyanteng natira, wala akong nagawa kun'di ang pumunta sa quadrangle na siyang  lugar na nasabi. Nagbakasakali pa ako na makita ko silang dalawa pero wala pa rin sila roon.

Halata naman na kusa silang umalis pero bakit? Sa anong dahilan naman? May hindi ba kami alam? Kasabwat ba sila? Lalo lang sumasakit ang ulo ko!

~End of Flashback~

Ilang araw na ang lumipas mula nang mawala sina Eren at Regret. Marami na rin ang nangyari. Pinauwi sa mundo nila ang lahat ng mortal na hindi kayang lumaban at itinigil pansamantala ang pagtuturo sa lahat ng antas. Nagsabi ng plano para sa posibleng muling pag-atake ng mga kalaban at plano para sa posibleng digmaan.

Sinasanay na ang lahat sa kani-kanyang espesiyalidad. Hinahanda na ang armas na pwedeng gamitin. Hinigpitan na rin ang seguridad sa bawat sulok ng nasasakupan.

Takot man ako sa digmaan pero isa ako sa mga nangunguna na gustong pumuksa sa dark. Galit ako sa kanila. Galit na galit. Kaya kung sakaling matuloy ang digmaan, titiyakin kong isa ako sa mga uubos sa kanila.

***********To Be Continued***********

Thank you for reading :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon