Chapter Forty-One: Mission

957 44 5
                                    

Faith's *POV*

Nang magkaroon ako ng pagkakataong makalayo sa mga kalaban ko, napansin ko na parang may sinenyas na kung ano 'yung isa na kalaban ni Regret at nagsipasukan sila sa loob. Lumapit na rin si Regret sa amin.

"Pumasok sila?" Tanong ni Eren.

"Susunod ba tayo sa loob?" Tanong naman ni Genrus.

"Syempre. Nasa loob niyan ang kailangan natin." Sagot naman ni L.

"Sinong mauuna? Ikaw na L." Sabi ni Genrus.

"Ayoko nga. Hindi natin alam kung ano ang nasa likod ng parang portal na 'yan. Ikaw Eren?" Sabi naman ni L. Umiling lang si Eren bilang sagot.

"Okay tama na. Ako na ng mauuna." Pag-awat ko sa kanila. Mga lalaki pa man din ang mga kasama ko pero ang duduwag! Kahit natatakot ako, ako na ang nagpresintang mauna, kasi wala rin namang mangyayari kung makikipag-talo pa ako.

Pumasok na ako sa loob at isa-isa na rin naman silang sumunod. Pagkapasok namin, agad namin silang nakita na nakahanda na sa pakikipag-laban at bigla na lang, isa-isang namamtay ang mga sulo sa gilid hanggang sa tuluyang nabalot ng kadiliman ang paligid. Wala kaming makita. Pati sila hindi na namin makita.

Nilabas ko ang dagger at naghanda sa puwedeng mangyari. Pahakbang na ako paabante nang may bigla na lang humiwa sa braso ko, dahilan para mabitawan ko ang dagger at gumawa ito ng tunog. Buti na lang at pahakbang ako kaya hindi gaanong malaki ang sugat. Malalim nga lang.

"Faith?" Boses ni L 'yon at mukhang nagtataka kung anong nangyari.

"Mag-ingat kayo! Mahirap silang maramdaman." Sabi ko sa mga kasama ko. Mukhang mas epektibo silang makipaglaban sa dilim. Inatake nila kami isa-isa habang nanghuhula naman kami kung nasaan sila. Kailangan kong gumawa ng ilaw. Pero paano, kung abala ako sa pagsalag ng mga atake nila?

"Guys! May naisip na ako. L, Genrus, gagawa ako ng ilaw, pero para magawa ko 'yon, kailangan ko kayo para walang makalapit sa 'kin habang iniilawan ko ang lugar. Si Regret at Eren naman ang lalaban para sa iba pa. Kuha niyo?" Sabi ko gamit ang telepathy. Tumango naman silang lahat.

Sinunod nila ang sinabi ko. Kailangan namin silang matalo dito dahil hindi namin alam ang nasa mismong loob. Kung ito nga ang lugar nila, ayokong gumawa ng eksena sa loob.

"Faith." Napatingin ako kay Eren nang tawagin niya ang pangalan ko. "Alam kong halos wala na akong makita, pero gusto ko pa ring lumaban. Pwede bang ikaw ang maging salamin ko sa ngayon? Sabihin mo lang kung saan ako aatake o kung tama pa ba 'yung inaatake ko." Okay lang ba talaga siya? 'Di ba nakakahilo 'pag walang salamin? 'Wag ko na lang kaya siyang plabanin? Pero parang nakiki-usap 'yung tingin niya eh!

"Maaasahan mo 'ko." Sagot ko at nginitian na niya ako. Hay nako. Sana hindi ako magsisi na pumayag ako.

Regret's *POV*

Ginawa na namin ang sinabi ni Angel, Kami ni Eren ang lumalaban at si L at Genrus ang sumsalag sa sinumang lalapit kay Angel. Teka nga lang, kung itim ang apoy na nagagawa ko, mahirap itong makita sa dilim. Pwede ko itong magamit laban sa kanila.

"Angel." Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya lang pabalik. "Eren, si L 'yan! Sa kaliwa!"

"Muntik na ako don ah!" Sabi ni L.

"Pasensya na!" Sabi ni Eren.

"Ano nga ulit 'yon, Regret?"

"Kaya mo bang limitahan 'yan ilaw, diyan lang sa puwesto niyo?" Tanong ko.

"Bakit naman?" tanong niya ulit.

"May plano 'yan." Si L na ang nagsabi ng dapat na sasabihin ko. Tumango si Angel at bahagyang hininaan ang ilaw.

Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon