Chapter Forty-Five: Stay Away From Her

938 29 2
                                    

Eren's *POV*

Isang araw na rin ang lumipas nang makabalik kami. Pagkarating na pagkarating namin sa Academy, agad na tinakbo ni L si Faith sa clinic sumama na rin sina Regret at Andrelina sa kanila. Si Kevin at si Kuya Raven ay mukhang nagmamadali na ewan. Natataranta silang pareho habang hawak si Hope at 'yung lalaking nakalaban namin na ayaw sabihin ang pangalan. Habang ako at si Genrus, heto, nakaratay sa kama. Ewan ko lang kay Air at Ghee.

Parang ngayon ko lang naramdaman na pagod pala ako. Sobrang sakit ng katawan ko. Ganun naman talaga kapag sobrang kaba sa pwedeng mangyari. Bibigyan daw kami ng two days na pahinga tapos pwede na kaming bumalik sa klase. Pero hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ako sa kama. kinuha ang salamin na napulot ko lang din at binuksan na ang pinto ng kwarto. Napahinto ako ng maalala ko si Genrus.

"Pupunta ako sa cafeteria, may ipapabili ka?" Tanong ko.

"Busog pa ako." Sabi niya habang nakatalukbong pa rin. Lumabas na lang ako sa kwarto at dumiretso sa cefeteria. Bumili ako ng paborito kong egg sandwich. Nakakapanibago kasi ang tahimik. Wala pang mga estudyanteng naghahabulan at nagkukulitan. Nasa klase pa silang lahat.

Isang linggo rin kaming nawala, ano na kayang ginagawa ng mga estudyante dito? Naiwan na kami ng mga lessons! Ang hirap mag-habol! Hindi pa man din madaling mag-aral sa eskwelahang 'to. Daming alam eh. Buti pa 'yung school ko dati.

Natapos na akong kumain at dahil tinatamad pa akong umakyat, tatambay na lang ako sa park. Pagkarating ko don, may nakita akong batang babae na naka-upo sa paborito naming pwesto at may binabasa. Mga nasa anim o pitong taon ang edad. Bakit may bata dito? Lumapit ako sa bata at tinabihan ito.

"Uhm... 'Diba bawal bata dito? Paano ka nakapasok?" Nakangiti kong tanong. Curious lang naman ako. Tinignan niya lang ako at binalik na rin ang mata sa binabasang story book.

"Eren!" Tumingin ako sa likod kung saan may tumawag sa pangalan ko. Si Andrelina lang pala. Mukhang masaya siya ngayon ah.

"Ikaw pala." Sabi ko. Napatingin siya sa batang katabi ko at mas lalong nagliwanag ang mata niya.

"Ang cute!" Lumapit siya do'n sa bata at lumuhod sa harapan nito. "Hi! Ang cute mo naman!" Masaya niyang sabi rito pero gaya ng nangyari sa 'kin, hindi rin siya pinansin.

Sunod-sunod ng dumating ang mga kaibigan namin. Si Faith, L at Regret na lang ang wala. Kahit si Genrus na kaninang tamad na tamad bumaba, nandito na. Dinadaldal nila 'yung bata na hindi pa kumikibo at sumasagot sa mga tanong nila. Minsan lang ako manahimik ah. 'Di ako maka-move on na ini-snob lang ako!

"Anong pinagkakaguluhan niyo?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Faith lang pala. Nabaling naman ang tingin namin sa bata nang bigla itong tumakbo sa likod ni Faith at niyakap ito. "Crystal? Bakit?" Tanong ni Faith habang tinatapik-tapik ang kamay nito na nakayakap sa kanya.

"Hoy! Anong ginawa niyo?" Napakunot ang noo namin sa tanong niya. Wala naman kaming ginawang masama ah.

"Wala kaming ginawa!" Sabi ni Ganrus sabay taas pa ng dalawang kamay.

"Crystal, sabihin mo sa 'kin kung anong ginawa nila sa 'yo." Mahinahong sabi ni Faith. Umiling lang ito bilang sagot.

"Baka natakot." Nilapitan ni Andrelina ang bata. "Hello! Pwede mo akong tawagin na Ate Andrelina. Pwede bang makipag-kaibigan?" Nakangiti niyang tanong. Tumango si Crystal bilang sagot.

"Crystal, sina Ghee, Air, Eren, at Genrus." Sabi ni Faith habang tinuturo kami isa-isa. "'Wag kang mahiya sa mga 'yan! Makakapal din mukha niyan eh." Napakagandang pagpapakilala ni Faith sa amin, grabe. Kitang kita kung gaano niya kami kamahal!

Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon