Chapter Nine : A Day With Her

2.3K 92 22
                                    

Regret's *POV*

Nang makarating na kami sa tapat ng dormitory ng mga girls ay nagpaalam na ako. Syempre hinatid ko siya, ang galing kasi mamilit ng babaeng to eh.

"Sige bukas na lang" seryosong sabi ko. Aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Wait"

"Bakit?"-Ako

"Bukas, kwentuhan ulit tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin naman niya ito kaya sumagot siya. "wala lang, gusto ko lang."

"Tsk"-ako

"Anong tsk ka diyan?" tanong niya sabay pamewang.

"Ayoko" maikli kong sagot

"Bahala ka" tapos padabog na siyang pumasok sa girl's building. Ako naman ay bumalik na rin sa boy's building.

Pagdating ko sa kwarto namin ay bumungad sakin ang parang ewan na ngiti ng dalawang ugok habang nakatingin sakin. Inakbayan ako ni Genrus bago siya magsalita.

"Anong ginawa niyo ni Faith?"

"Wala."

"WEH?" Sabay nilang sabi ni Eren.

"Tsk."

"Ang kulit nyo!" sabi ni L

"Dun na kayo sa kwarto nyo!" medyo pasigaw na sabi ko sa kina Genrus at Eren

"Sabi mo eh. Sige L, bukas na lang." pagkatapos sabihin iyon ni Genrus ay umalis na rin sila ni Eren sa kwarto namin ni L.

"Buti naman at dumating ka na rin. Kanina pa ako nababanas sa kaingayan ng dalawang 'yun eh." sabi ni L pagkalabas nung dalawa.

"Ba't 'di mo pinaalis?" tanong ko

"Pinapaalis ko sila, kaso ayaw nila." napailing nalang ako sa sinabi niya.

Naligo na ako at nagbihis tapos humiga sa kama ko at natulog na.

*********************

Nang magising ako ay agad na akong bumangon sa kama. Nakita ko si L na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa upuan ng study table niya. Tinignan ko ang librong binabasa niya.

Cursed Academy

Di ko nalang pinansin kasi hindi naman ako mahilig sa libro

"Gising ka na pala" sabi niya sabay sara ng hawak niyang libro

"L *tok tok tok*" sabay kaming napatingin ni L sa pinto dahil may kumakatok. tumayo si L at nagtungo sa pintuan bago ito buksan.

"Anong kailangan mo?" agad na tanong ni L, si Genrus pala yung kumakatok. ang aga niya naman mang-istorbo.

"Tara, sabay na tayong mag-almusal sa cafeteria" yaya ni Genrus. Pumayag si L kaya suamam na rin ako.

Pagdating namin doon ay kumuha na kami ng makakain at umupo sa isang table.

"May uniform ba dito?" tanong ni Eren

"Meron at hindi basta basta ang uniform na'yon. Tamang tama ang uniform na iyon para sa mga katulad natin na may special abilities. Hindi 'yon nasusunog at hindi 'yon napupunit." pagmamalaki niya. "Syempre, kapag apoy ang kapangyarihan mo tapos pinaliyab mo ang buong katawan mo, kung hindi ganon ang suot mo malamang masusunog ang damit mo at mahuhubaran ka." napa 'ah' nalang si Eren sa sinabi ni Genrus at tumuloy na rin siya sa pagkain

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa park dito sa school. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na may sariling parke ang school na'to.

"Ang sarap ng hangin dito" sabi ni Eren habang nakabuka ang kamay ( A/N: yung parang lilipad). Sobrang lakas kasi talaga ng hangin sa lugar na'to. Kami ni L ay nakaupo lang sa damuhan dito at nagmumuni muni.

"Mr. Hanclre" napalingon kaming lahat sa pinaggalingan ng boses at nakita ko si Angel. Hinintay ko na lang siyang magsalita uli. "Halika dito" sabi niya habang sumesenyas na lumapit ako sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Agad na tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Gusto ko lang alamin kung kaya mo bang labanan si Kevin"

"Aba! Ikaw ang nagsabi na pumayag ako eh"

"Oo, nga pero kung kaya mo ba?"

"Syempre hindi. Minsan ko lang magamit ang kapangyarihan ko at ngayon lang rin ako lalaban"

"If you want, ite-train kita" tumango nalang ako sa sinabi niya. "Kung gusto mo pwede na tayong mag umpisa ngayong araw." tunango nalang uli ako. "Anong oras mo gusto?"

"Bahala ka" sagot ko

"Then can we start now?"-Angel

"Ngayon agad?"-Ako

"Sabi mo akong bahala?"-Angel

"Oo nalang" yun nalang ang sinabi ko, pinapanood lang kami ng mga kasama ko.

Bigla nalang akong hinatak ni Angel sa lugar kung saan kami tumambay kahapon.

"Now, concentrate" agad na sabi niya pagkabitaw niya sakin.

"Ha?"

"Seek for the power inside you. Wag mong tignan kung anong kapangyarihan ang meron ka na, tignan mo kung may iba pa. Now, close your eyes, relaxed then concentrate."

Ginawa ko naman kung ano ang sinabi niya umupo ako at nagsimulang magconcentrate.

"Inhale, exhale"-Angel

Angel/Faith's *POV*

"Inhale, exhale" I keep saying that at ilang saglit pa ay nararamdaman kong lumalamig ang paligid. Hindi mahangin ngayon pero... Malamig

Ice siguro ang kapangyarihan niya. I look at him and nakikita ko naman na nagcoconcentrate siya.

"Okay that's enough" biglang nawala ang lamig sa paligid. Wait, biglaan? Dapat unti unti, may hindi tama dito. Hayaan nyo na nga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo nya at humarap sakin.

"Ano na?" Walang gana niyang sagot.

"Show me what you can do" I said

"Ha?"

"Show me what you can do. Like ice shield, ice sword, or ice something"

"Paano?"

"Just focus on what you want to create then try to do it in your ice power. Maybe your power is an ice creation magic." tumango lang siya at nagsimula na.

Pumikiot siya at huminga siya ng malalim then ibinuka ang kamay nya na parang may kinukuha o hahawakan sa gilid niya. Tapos unti unting may nabubuong espada sa may kamay niya. Wow.

Pagkatapos mabuo nung espada ay dumilat na siya at tinignan ang espadang hawak niya.

"Tama ako, you're special power is ice creation. But let's see if you can do other things on it like something that can be move"

"Tapos?" Tanong niya na naka pocker face.

"Tuturuan muna kita kung paano gamitin ang espadang yan" dabi ko sabay turo sa espada niya.

Naglabas din ako ng espada ko para mai-demonstrate ko sa kanya. Nga pala, I can get things that I needed in just one snap. But that's limited.

I demonstrate to him how to hold it and tell him na pwede niyang gawin ang position kung saan siya komportable at mabilis na makaka galaw.

Then we spent our day on his training. And he's a fast learner. Mabilis niyang natutunan ang paggamit ng espada, and I think he's good at it. But there's one thing, kailangan nyang palaguin ang bilis niya, nagkaroon kasi siya ng konting daplis ng espada ko kasi di siya nakaiwas agad. Well, sa friday pa naman 'yon, and he's a fast learner. Marami pa kaming oras.

**********To Be Continued**********


Pasensya na po kung panget yung update ngayon at kung wrong grammar *peace sign*

Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon