Chapter Thirty-Eight: Mission (11)

1.2K 63 3
                                    

Regret's *POV*

"Guys..." Tumingin kami sa direksyon na itinuro ni Genrus. Nakita namin ang isang isla. Nagmadali na kaagad kami upang makarating don. Nakakakilabot ang itsura nito. Hindi namin ito nakita mula sa malayo at para bang bigla na lang itong lumitaw.

Palapit pa lamang kami rito ay mararamdaman na ang nakakatakot na presensiya ng lugar. Kahit wala pang gabi ay madilim na rito pati ang mga puno ay nakakatakot din. Parang patay na lahat dahil tuyot na ang mga dahon.

"Bilisan na natin." Halos pabulong na sabi ni Angel.

Ibinaba ko na si Eren at nagsimuang ilibot ang paningin ko sa lugar. Nakakatakot talaga ang lugar na 'to. Walang kahit na sino ang gumagalaw sa amin at naglilibot lang ng tingin.

"Dito na tayo magpalipas ng gabi. Delikadong pumasok diyan ng madilim." Wika ni Angel. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa paligid.

"L, Genrus..." Naagaw ni Angel ang atensyon namin nang bigla siyang magsalita. "Akala niyo ba papalampasin ko 'yung kalokohan niyo kanina?" Seryoso niyang sabi.

"Alam niyo naman na seryoso 'tong misyon natin tapos gumagawa kayo ng kalokohan. Sino din ba mahihirapan 'pag nagkataon? 'Di ba tayo rin? Buti walang napahamak sa pinaggagagawa niyo." Para siyang nanay kung manermon! Nakakairita! Si L at Genrus naman walang imik na akala mo'y sinesermonan talaga ng nanay nila.

"Tignan niyo si Eren! Hirap na tuloy makakita ngayon. Tapos 'di man lang kayo nag-sorry dun sa tao." Wala ba talagangang mangangahas na patigilin ang babaeng 'to? "Buti hindi nagalit 'yang si Eren."

Hindi naman sa gusto kong mapansin pero kung makapagsalita siya, parang kay Eren lang sila may kasalanan ah. Masakit kaya 'yung batok ni Genrus tsaka yung pagtilapon namin sa ere na kagagawan ni L.

"Ah... Faith. Baka may makarinig sa 'yo na kalaban at sugurin tayo..." Parang takot na sabi Ni Genrus. Nagcross-arms lang si Angel at tumingin ng masama kay Genrus.

"'Di pa ako tapos sa 'yo, Genrus." Sabi niya at nagpunta kung saan.

"Hala ka, Genrus!" Sabi ni L.

"Ano bang ginawa ko?" Takang tanong ni Genrus.

"Nainis yata." Sagot ni L at nagkibit balikat. Napailing na lang ako. Bakit ba ang bilis mapikon ng mga babae?

"Wala naman akong ginawa ah!"

Napatigil sila sa pagkukulitan nang umihip ang malakas at malamig na hangin.

"Parang tumayo balahibo ko ro'n ah." Sabi ni Genrus at niyakap ang sarili.

Nakakatakot. Makapanindig balahibo. But I like it. Gusto ko ang nakakatakot na presensiya nito...

"Weird." Bulong ko sa sarili ko.

Ghee Ann's *POV*

Tahimik lang kaming naglalakad at mula rito ay matatanaw ang mga nagtataasan at malalaking bato na nakaharang sa daan.

"Paano tayo makakalampas diyan?" Tanong ni Andrelina.

"Basta ako hindi ako magpapakahirap na lumusot sa mga maliliit na espasyo sa pagitan ng mga bato na 'yan." Sabi ni Air at lumipad paitaas. Nakatungtong na ngayon siya sa bato at sa tingin ko, nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Ganoon na rin ang ginawa ni Kevin. Si Andrelina naman ay ini-angat ng mga kung ano mang mga halaman 'yon. Kumapit ako sa halamang ginawa ni Andrelina. Malapit na akong maka-akyat nang di ko inaasahang manipis ang naapakan kong stem ng halaman at napatid ito, mabuti na lang ay naka-kapit ako kaagad.

Si Air at si Kevin ay lumilipad habang kami naman ni Andrelina ay tumatalon-talon lang sa ibabaw ng mga bato. At dahil kakatapos lang ng ulan, medyo madulas ang mga bato.

Mukhang nagkamali ng apak si Andrelina at nadulas siya kaya muntik siyang malaglag. Nahawakan ni Kevin ang kamay niya kaya hindi siya tuluyang nalaglag.

"Watch your step, Ms. Jackson." Sabi ni Kevin at saka hinatak paangat si Andrelina.

"Salamat." Mahinang sabi ni Andrelina.

"Mag-ingat ka sa susunod." Sabi ni Kevin at nauna na.

Tinignan ko si Andrelina na parang medyo kinilig. May gusto ba siya kay Kevin? Akala ko ba kay Eren na siya? Gwapo naman kasi talaga si Kevin tapos matalino pa't malakas. Si Eren naman ay masiyahin at hindi mo rin maipagkakaila na kung minsan ay may sarili silang mundo ni Andrelina kapag nagtabi.

"Tara, Ghee." Sabi niya at sumesenyas na lumapit ako. Tinignan ko lang siya at nag-intay na sabihin king ano mang gusto niyang sabihin.

"Wala lang. Sabay na tayo hehe." At sabay na nga kaming nagpalipat lipat sa mga bato hanggang sa makarating sa dulo.

"Sandali..." Sabi ni Kevin at lumapag sa bato. Napatigil kami dahil sa sinabi niya.

"Bakit?" Tanong ni Air. Sumenyas lang si Kevin na huwag maingay. Humarap si Kevin sa likod namin at lumipad sa pinakadulong bato kung saan kami nanggaling.

"Huwag kayong magtago! Nakikita ko kayo!" Sigaw niya at unti-unti, may nakikita kaming mga tao- teka sandali- centaur?!

Hinawakan ni Andrelina ang kamay ko at halatang natakot. Nakakatakot naman talaga ang mga itsura nila at masasabi kong mukha silang malalakas dahil ang laki ng mga ito.

Hinawakan ni Kevin ang hawakan ng kanyang espada na nakasabit sa likod niya. Nang hugutin niya ito ng kaunti, may nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid at napatakip kami ng aming mga mata. Nang mawala ang liwanag, wala pang limang segundo, una kong nakita si Kevin na nakahawak pa rin sa epada niya at nakaharap ng kaunti ang ulo niya sa gilid at nakatingin ang mga mata sa hawakan ng espada.

Ang ikinagulat namin ay nang makita namin na ang lahat ng centaur ay nakahiga na't walang malay na sa tingin ko ay wala na ring buhay.

Papaanong? Ganyan siya kalakas?! Paano siya natalo ni Regret noon? Teka sandali nga lang, 'yung espada na 'yon...

"Magpatuloy na tayo." Seryoso niyang sabi. Naninibago ako sa kanya...

Nagpatuloy na kami, si Andrelina din ang tumulong sa 'kin sa pagbaba sa mga bato.

Narating namin ang dalampasigan at mababakas sa mga kasama ko na pagod na sila. Gabi na rin at sobrang dilim.

"Magpalipas muna tayo ng gabi dito. Gabi na rin, delikadong dumaan diyan. Isa lang rin ang tent, bahala na kayong tatlo d'yan." Sabi ni Kevin at nagpunta kung saan.

"Tulungan niyo akong itayo 'tong tent." Tinulungan namin si Air na itayo 'yung tent na tutulugan namin.

Habang tinatayo namin ito, napaisip ako kung saan pupunta 'yong si Kevin. Isa lang ang tent namin kaya iniisip ko kung saan siya matutulog.

"Saan kaya pumunta 'yon?" Tanong ni Andrelina habang nakatingin sa direksyon na pinuntahan ni Kevin.

"Hayaan niyo na siya." Sabi ni Air at pumasok na sa loob ng tent na naitayo namin. Sumunod na rin kami ni Andrelina para makapag-pahinga na.

***********To Be Continued **********

Pagpasensyahan na po itong chapter na 'to hehe. Ito lang po talaga 'yung kinaya ng utak ko...

Academy Of MagicWhere stories live. Discover now