Chapter One: Introduction

13.9K 348 40
                                    

Regret's *POV*

Ang kwento sakin ng tatay ko, namatay daw ang nanay ko noong ipinanganak ako. Ako ang sinisi nila, siya at ng nakatatanda kong kapatid na babae.

Kasalanan ba na ipinanganak ako?

Kasalanan ba na nabuhay ako?

Bakit hindi ko maramdaman na may halaga ako sa lugar na 'to?

May pakealam pa ba sila?

Bakit parang wala lang sa kanila kahit mamatay ako? Kapag nalalagay ako sa kung anong gulo, kadalasan, wala lang sa kanila. Lagi na lang mali ko ang nakikita ng pamilya ko.

Wala na akong narinig na magandang salita mula sa kanila. Wala na akong ginawang tama sa mata nila.

Kailangan, lagi akong top one sa school, kahit na wala silang pakealam kung nahihirapan ako. At ano namang kaso ng pagiging top ranker at hindi? Wala naman 'yong kinalaman sa buhay ko eh.

Kailangan ko laging sundin ang utos nilang dalawa kahit marami naman kaming katulong. Hindi ko alam kung inaalila ba nila ako o ayaw lang nila na naka-upo lang ako.

Kung buhay kaya si Mama, ano kaya ang sitwasyon ngayon? Kung buhay ba siya, masaya sila ngayon?

Sana naramdaman ko man lang ang mga yakap niya o kahit marinig man lang ang boses niya.

Alam mahal ako ng nanay ko kahit wala siya. Well, sana nga.

Walang nakikipag kaibigan sakin dahil ang wierd ko daw. Sabi nila "There is something wierd about you." Palaging yan ang sinasabi nila sa unang beses na makikita o makikilala nila ako.

Sinusubukan ko namang makisama sa kanila pero sila na mismo ang lumalayo. Palagi nalang akong nabu-bully. They keep saying that I'm creepy, again and again until the classes ends.

Hanggang sa pinili ko na ako na mismo ang lumayo. Nagkaroon ako ng kaisa-isang kaibigan, Lawrence ang pangalan niya. Dalawang taon lang kaming nagkasama pero ang laki na ng naitulong niya sakin.

Six years old kami ng makilala ko siya. Siya ang nagturo saakin kung paano magsaya kahit nasa loob lang kaming dalawa ng bahay. Pero isang araw may ipinakita sya sakin. Isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng karamihan.

He can manipulate water.

He has powers and some extraordinary ability.

Namangha ako sa kakayahang mayroon siya. Isinikreto namin iyon ng dalawang taon, nang malaman ito ng magulang niya ay lumipat sila ng bahay. At ang sabi n'ya papasok daw siya sa isang school kung saan itinuturo kung paano gamitin ng tama ang kapangyarihan niya.

Bago siya umalis binigyan niya ako ng isang kwintas. Ingatan ko daw ito at itabi hanggang sa magkita kaming muli. Ang kwitas ay hugis krus at may asul at makinang na bato sa gitna. May kumikinang din na kulay pula sa paligid nito. Simula ng umalis siya, balik sa dati ang buhay ko. Mas gusto ko na ngayong mag isa kaysa may kasama.

Simula ng umalis sya, lagi na lang akong nakakulong sa kwarto. Palagi akong tulog. Kung hindi ako natutulog ay inuutusan ako ng ate ko na gumawa ng kung ano anong bagay na hindi naman talaga kailangang gawin dahil may katulong naman kami. Tulad ng pagdidilig ng halaman, pagluluto, paglilinis ng sasakyan at linisin ang kwarto niya.

Sa tuwing sinusubukan kong lumayas palagi na lang hindi natutuloy. Parang may pumipigil sakin. Lagi na lang sa tuwing susubukan ko, parang may yumayakap sakin at pinipigilan akong ituloy. Iniisip ko si mama yon. At iniisip ko ring kalokohan lang yon.

Mas masaya pa ako kapag umaalis sila ng bahay eh. At least walang makiki-alam sa 'kin.

Noong fourteenth birthday ko, natuklasan ko na may kapangyarihan din ako. Hindi ko maintindihan, sanay naman na akong nagce-celebrate mag isa ng birthday ko pero palagi pa rin akong malungkot. Palagi kong naaalala si Lawrence. Gusto kong pumasok sa school na pinapasukan ni Lawrence. Kung nandoon pa siya.

I'm Regret Dimon Hanclre, at kinuwento ko lang naman ang walang kwenta kong buhay. Pasensya na kung sinayang ang ilang minuto ng oras niyo. Anong masasabi niyo? Corny? Madrama? Hindi ko kontrolado ang isip niyo kaya bahala na kayo.

Naisipan kong maglakad lakad muna sa labas baka mas masaya doon kesa dito sa loob ng kwarto. Bubuksan ko pa lang ang pinto ng bahay, narinig ko na agad ang nakakarinding boses ng nakatatanda kong kapatid.

"Saan ka pupunta?"masungit nyang tanong. Hindi ako humarap sa kanya.

"Sa labas." Maikli kong sagot

"Anong gagawin mo don?" Masungit pa ring tanong niya.

"Maglalakad?" Sabi ko.

"Hindi ka pwedeng lumabas!" Sigaw niya

"Hindi ikaw ang batas sa bahay na 'to at wala rin si papa kaya, diyan ka na. Alis na ako." Sabi ko.

"Kinakalaban mo na ako ngayon?." Sarkastiko niyang sabi.

"Naging mabait ka ba sakin noon?" Hindi siya nagsalita sa tanong ko. "Alis na 'ko."

"No. Dito ka lang." Mariin niyang sabi.

"Ayoko." Sabi ko sabay harap sa kanya na may seryosong ekspresyon. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay humarap ulit ako sa kanya sabay ngisi para mang-asar.

"Guard i-lock nyo ang gate!" malakas na sigaw niya. Nakakarindi.

Nakakabagot kaya sa loob ng bahay. Tumakbo ako ng mabilis mula sa pinto bilang buwelo tapos inapakan ko ang handle ng gate at hinawakan ang bakal malapit sa toktok nito at umakyat pagkatapos ay tumalon palabas. May kataasan ang gate namin pero wala naman akong problema sa pagbagsak.

Pagkalabas ko, hindi ko na sila nilingon. Basta tumakbo ako hanggang makarating sa gate ng subdivision namin. Nagtataka lang ako, bakit hindi man lang ako hiningal sa pagtakbo ko? Samantalang, ang layo ng bahay namin sa gate? Hindi naman ako ganito noon.

Sa tapat mismo ng subdivision namin ay may nakita akong isa pang subdivision. Nagtaka ako sa itsura nito kaya pinasok ko na, parang wala kasing tao na nakatira. At ang pinagtaka ko pa, hindi man lang ako inawat ng mga guard o tinanong man lang kung anong gagawin ko dito. Mukha pa namang mga mayayaman lang ang tumitira dito.

Sobrang tahimik naman dito. May batas ba sila dito na bawala gumawa ng kahit anong ingay? Ang wierd.

Mag-ingay kaya ako? Nakakapagtaka naman kasi, kanina pa ako naglalakad dito pero wala pa rin akong nakikitang tao o nakakarinig ng ingay.

**********To Be Continued**********

Pasensya na po kung corny, first story ko po kasi 'to :)

Academy Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon