Chapter 54 : Forced - Mad

Start from the beginning
                                    

"Wala ka kasing alam." mahina kong sabi.

Kinabig naman ako ni Jomar kaya pinigilan ko ang sarili kong ibulgar sa iba kung ano talaga kami ni Allen.

"Malay, pero kasi pag ganung nagso-solo sila, seryoso ang pag-uusapan nila o kaya ay lalandiin ni Jake si Allen." biglang sabi ni RR.

Napa-'eww' si Jason habang busy sa nilalaro niya. Si Jomar naman ay patango-tango, tinanong niya siguro kay RR. Ako naman, ginapangan ng kaba.

Paano kung bumigay si Allen sa panlalandi ng kaibigan niya? Eh hindi ba nga't mas matagal na silang magkakilala kesa sa amin? Paano na lang kung gamitin yun ni Jake kay Allen para makuha siya sa akin? Grrrr! Nakakatorete ang ganito!

"Uy,sige! Alis na muna ako. Magsisimula na next subject namin eh." paalam ni RR.

Sabay na sumagot ang dalawa pero ako , nanatilihing nakatahimik.

"Ang tahimik mo, Par. Anong meron?" tanong ni Jason.

"Wala." walang kabuhay-buhay ko namang sagot.

"Ah okay." sabi niya lang tapos ay nabalutan uli ng katahimikan ang pwesto namin.

Gusto kong tumayo at hanapin na si Allen pero pinipigilan ako ni Jomar. Malamang para hindi mahalata ni Jason ang itinatago namin.

"Kumalma ka nga! Mag-uusap lang sila. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?" pabulong na tanong ni Jomar.

Hindi ako makasagot dahil hindi ako mapakali na malamang magkasama sila nung kaibigan niya. Hindi talaga. Promise.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko mula sa bulsa ko tapos ay tinext ko si Allen. I keep on sending him messages pero hindi siya sumasagot. I decided to dial his number pero pinigilan ni Jomar ang pagdikit ng phone sa tenga ko.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nanlalaki ang mata niya sa pagitan ng phone ko at sa akin mismo.

"Calm. Down. Ipahalata mo pa nga kay Jason na apektado ka sa pag-uusap ng magkaibigan. Gusto mo bang malaman niya na magsyota kayo ni Allen?" pabulong na pagpupunto niya sa akin.

I knew he was right pero hindi ko kaya yung pinapagawa niya. Wala akong tiwala sa Jake na yun eh. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin ng lalaking yun sa mahal ko.

"Just... Last call, okay? Isang tawag lang. Kukumustahin ko lang si Allen. I want to know what that guy is up to." pakiusap ko sa kanya.

Mukhang nag-isip muna siya pero pumayag naman.

Binitawan niya ako at hinayaan akong i-dial uli ang number ni Allen. Nung idikit ko na ang phone sa tenga ko ay asang-asa ako na sasagutin niya ang tawag ko. Pero, to my dismay, unattended ang phone niya. Pinatay niya ang cellphone niya habang nakikipag-usap siya sa kaibigan niya.

Fuck, Allen! Ano bang ginagawa niyo ng Jake na yan? Should I really trust you on this one? Should I...?

ALLEN'S POV

"JAKE! Bakit mo tinanggal ang battery ng phone ko!? Akin na nga yan! Ibalik mo sa akin yang cellphone ko!"

"HINDI! Ayokong ibigay 'to! Kapag ibinalik ko sa'yo 'to, alam kong tatawagan mo yung lalaking yun! Just like you, kapag binitawan kita alam kong sa kanya ka na lang talaga mapupunta. Parang sinabi mo na ring wala lang ako sa buhay mo. Ako, na nagmahal sa'yo ng mahabang panahon. Ako, na karamay mo sa lahat ng nangyayari sa'yo. Ako, na nagtitiis ding mapansin mo."

"Sorry, Jake. Hindi lang talaga sumagi sa isip ko na hihigit pa sa pagiging magkaibigan ang relasyon natin."

"It's because, hindi ka nag-effort na isipin! All the hints were there. Diane knew how I feel about you. Heck, buong school nga alam na ikaw lang ang gusto ko eh. Bakit!? Bakit hindi mo pinasagi dyan sa utak mo na ikaw lang ang gusto ko? Na patay na patay ako sa'yo? Na mahal na mahal kita? MAHAL KITA, ALLEN!"

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now