CHAPTER 7 - ADVENTURE

Start from the beginning
                                    

"We must do something." Biglaang wika niya habang nakatingin sa malaking screen na nasa harap namin.

"Ano namang magagawa ng dalawang college students, sa mga ganyang problema? Even their company cannot prevent this kinds of things." Medyo may pagka-pessimistic kong pahayag ngunit nakita ko sa mukha ni Steph na hindi nabahiran ng alinlangan ang mukha niya.

"I remember reading something.. about Astral Projection." Turan niya na hindi ko tinugon at nanatiling tahimik para marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hindi lang paglipad at pagiging invisible ang kakayahan ng isang tao sa tuwing nasa astral state siya. Because apart from those, a spiritual being.. like us, can actually tap into the celestial energy of our universe and use it to our own advantage." Paliwanag niya.

"We can use this ability, Angel. We can use this para protektahan sila. I know it sounds like, nagpapaka-superhero tayo sa mga litanya ko ngayon pero, we cannot deny the fact na nagawa natin ang isang bagay na akala ng iba ay kathang-isip lang." Dagdag pa nito na nagsimulang bumuhay sa kaloob-looban ko.

"It is such a waste kung hindi natin magagamit ang kakayahang ito sa isang makabuluhang bagay. Do I still need to quote the most famous word of Spiderman, in order to convince you?" Panghihikayat pa niya.

"Are you in?" Tanong pa niyang muli sabay lahad ng kamay niya sa harapan  ko.

Napabuntong-hininga ako nang mga pagkakataong iyon bago ko inabot ang kamay niya tanda ng pagsang-ayon.

Ngunit akma na sana kaming aalis nang dumating naman ang isang di inaasahang sandali, na kung saan..ay may narinig kaming umiiyak sa kung saan. I think boses iyon ng isang batang babae. Nang una ay hindi namin iyon binigyang pansin pero kalaunan ay mas lumakas pa ang mga pag-iyak kaya naman tinunton na namin ang pinagmumulan nito.

"나를 도와줘!! 제발!! 나를 도와줘!(Help me! Please, Help me!)" Sigaw na tingin namin ay nagmumula sa isang iskinita.

Kaya naman sinundan namin kung nasaan nagmumula ang iyak at dinala kami noon sa isang bata na nakasalampak sa isang lansangan habang sinasaktan ng mga malalaking batang lalaki.

"H-Hoy! Anong ginagawa niyo sa batang yan? Umalis kayo dyan! ALIS! " Sigaw ko at agad na tumakbo ang mga batang lalaki.

"Tapang.." Puri naman ni Steph.

"Well.." Sambit ko sabay hawi ng buhok.

"Uy! Tama na yang hawi-buhok effect mo. Puntahan na na'tin yung bata." Sambit naman ni Steph.

At matapos nun ay tinulungan na nga namin na makatayo ang batang babae at pinagpagan ang maalikabok niyang damit.

"Okay ka lang ba?" Sambit ko pero hindi ito nagsalita.

"Girl, nasa korea tayo at mukhang koreana yang kausap mo." Sabi sakin ni Steph.

"U-Uhm.. 괜찮으세요? (Are you okay?)" Tanong ko sa linggwaheng koreano. Mukhang may purpose rin pala ang pagiging adik ko sa k-drama.

"U-Uh.. Y-Yae.." Matamlay na sagot ng bata.

"Where do you live?" Tanong ko muli ngunit tiningnan niya lang ako.

"Girl, mukhang di talaga siya nakakaintindi ng English." Usal sa akin ni steph.

Maya-maya ay tumayo ito at biglang hinawakan ang aking kamay, tumango-tango ito na tila niyayaya kami at isinasama kung saan siya pupunta.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now