Chapter 21

3K 67 1
                                    

Kali's POV

"Kali?"-gulat na sambit ni Jon.

" Nakakatawa no? Dahil ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko para patuloy kayong pagkatiwalaan."-sigaw ko. Gusto kong umiyak ngunit ayaw ko, ayaw kong makita nila ako sa ganong kaawa awang posisyon.

"Kali! Please makinig ka muna sa akin. Let me explain please!"-pagmamakaawa ni Jon at sinubukang hawakan ang braso ko ngunit marahas ko itong tinapik.

" Ang ganda naman ng eksena dito. Sana pala bumili ako ng popcorn. "-nakangising wika ni Bea, halatang nasisiyahan sa nakikita. Yes Bea because from now on I don't considered her as my sister. Walang kapatid ang kayang tratuhin ng ganito ang kaniyang kapatid.

Dahan dahan akong lumapit sakanya." Nageenjoy kabang nakikitang nahihirapan ako?"-sarkastikang tanong ko.

"Ako? Syempre! Sobra sobra akong nageenjoy na nakikita kitang nahihirapan."-hindi parin nawawala ang ngisi sakanyang mga labi na mas naging dahilan ng pagkairita ko.

" Talaga?"

"Oo bakit may magagawa ka?"-tinaasan pa niya ako ng kilay.

Lumapit ako sakanya sabay ngisi.        "Eto oh!"- walang pag-aalinlangan kong pinalipad ang palad ko sa pisngi niya.

Wala na akong pakialam kung sino ang masaktan. Wala na akong pakialam kung kapatid ko siya dahil kahit kailan hindi niya ako tinuring na kapatid. Galit na galit ako ngayon at umabot na sa puntong wala na akong pakialam sa lahat.

"How dare y----"-hindi pa siya tapos sa pagsasalita nang sinampal ko na naman siya. Sabing galit ako ngayon eh!

" Makakarating kay Daddy ang pananampal mo!"-mangiyak ngiyak niyang sambit.

Hindi pa ako nakuntento at pinagsasampal ko pa siya. "Magsumbong ka total ganyan naman palagi ang ginagawa mo diba? Ayus nga yun eh dahil ngayon totoo ang ginawa ko sayo!"-hindi parin ako tumitigil sa pagsampal sakanya. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay inilabas ko na.

" T-tama n-na K-kali!"-sambit niya habang humahagolgol. "Maawa ka sakin"

Napahalakhak ako sa huli nitong binanggit. "Maawa? Naawa kaba sa lahat ng ginawa mo sakin huh?"-naabot na talaga niya ang limitasyon ko. Tumigil muna ako sa pagsampal sakanya dahil medyo nananakit na ang kamay ko. Ikaw ba naman ang sumampal ng makapal ang mukha , try niyo kung hindi ba mananakit ang kamay niyo.

Magsasalita sana siya ngunit inunahan ko na siya.

" PARA ITO SA LAHAT NG PANLOLOKO MO SAKIN!"-sambit ko at binigyan siya ng isang malakas na sampal.

"PARA ITO SA PAGKUHA NG LAHAT NG MGA TAONG PINAGKAKATIWALAAN KO!"-dumapo na naman ang palad ko sa pisngi niya.

"PARA ITO SA PAGIGGING KAPATID NATIN NA NGAYON AY BINABAON KO NA! DAHIL SIMULA NGAYON WALA NA AKONG KAPATID NA KATULAD MO!"-galit na sigaw ko at binigay ko ang lahat ng lakas ko sa pagsampal sakanya.

Sasampalin ko pa sana siya ng bigla akong pigilan ni Jon. " Tama na Kali baka mapatay mo na siya!"-nangangati pa ang kamay ko kaya naman siya ang napagbuntungan ko. Isang malakas na sampal din ang pinadapo ko sakanya.

"PARA YAN SA PANLOLOKO MO SA AKIN!"-sigaw ko at tinabig ang braso niya.

Binalingan ko ng tingin si Bea. Halos mawalan na siya ng malay at nagsisimula nang mamula ang kaniyang pisngi ngunit kahit katiting na awa para sakanya ay hindi ko maramdaman.

" TANDAAN NIYO ITO SIMULA NGAYON AALISIN KO NA KAYO SA BUHAY KO, MULA NGAYON ITUTURING KO KAYONG PARANG HINDI KAYO NAGING PARTE NG BUHAY KO."-huli kong sinabi bago umalis, mas binilisan ko ang pagtakbo dahil ramdam ko ang pagsunod ni Jon.

Agad akong pumara ng taxi. At doon na ako umiyak, doon na lumabas lahat ng luha ko.

Pinahinto ko ang taxi sa gitna ng tulay. Agad akong bumaba dito. Tanaw na tanaw ko ang napakalalim na dagat mula dito. Tanaw na tanaw ko ang mga naglalakihang mga alon.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng luha ko.

Masakit, sobrang sakit ng ginawa nila sakin. Niloko nila ako, all this time ginagawa nila akong tanga at ako naman si gaga naniwala naman.

Yung taong kaisa isa kong pinagkakatiwalaan ay niloko ako at ngayon hindi ko alam kung paano pa ako babangon. Ano bang nagawa ko bakit ako pinaparusahan ng ganito, tell me masama ba akong tao?

Hindi ko alintana ang ulan ngayon, wala na akong pakialam sa paligid ko. Para na akong patay. Hanggang sa tumigil ang ulan at kasabay noon ang pagkamanhid ng buo kong sistema.

Sinubukan kong tumakbo at takasan na maramdaman ito ngunit kahit anong gawin ko hindi ko ito matakasan. Sobrang galit na galit ako ngunit mas nangingibabaw ang awa sa sarili ko.

Awang awa ako sa sarili ko at umabot na ito sa puntong gusto ko ng mawala sa mundong ito.

Ayaw na ayaw ko ito. Hindi ko makita ang sarili ko na ginagawa ang bagay na ito kahit ang hirap, hirap na ng pinagdadaanan ko ngunit kahit anong gawin ko sila ang nag-uudyok sakin na gawin ito at heto na nga nakamit na nila ang gusto nilang mangyari, panalo na sila.

Hindi ko na alam kung paano pa ako babangon, dahil wala na yung mga taong kinakapitan ko. Lahat sila nawala at niloko ako.

Dahan dahan akong naglakad at umapak sa harang ng tulay. Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Darating ang araw na kukunin ko mismo ang buhay ko.

Biglang nagbalik ang lahat ng mga alaala ko simula noong namulat ako sa mapait na mundong ito hanggang sa magkaisip na ako. Nanumbalik lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko. Lahat iyon biglang pumasok sa isip ko. Lahat ng mga alaalang pilit kong kinakalimutan ay bigla kong naalala sa isang iglap. At mas lalo lang nitong pinapatibay ang hangarin kong gawin ito.

Buo na talaga ang loob ko. Walang pagdadalawang isip kong inihakbang ang paa ko. Damang dama ko ang malamig na ihip ng hangin.

Palagi kong tinatanong ang sarili ko at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito masagot , hindi ko masagot ang katanungang bumabagabag at pumapasok sa isipan ko pag nahihirapan ako.

Every fucking day I'm asking myself why am I still here?

------










A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon