Chapter 7

3K 63 0
                                    

Kali's POV

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap niya. At kasabay ng pagbagsak ng luha ko ang pagbagsak ng ulan. Hindi man lang siya bumitaw mula sa pagkakayakap ko kahit umuulan. Kaya ang ending pareho naming basa.

Nang tuluyan nako kumalma ay bumutaw nako mula sa oagkakayakap sakaniya. "Salamat!"-sambit ko ng huminto na ang ulan.

" Wala yun ano kaba diba sabi ko sayo friends na tayo!"-nakangiti na naman niyang sambit. Nawala na yung seryoso niyang awra na nakita ko kanina lamang.

"Sinabi ko bang friends na tayo?"- kunyaring pagmamaldita ko.

"Kahit na hindi mo sabihin friends na tayo! Baka naman ayaw mong maging friends  tayo dahil gusto mo maging more than friends tayo!"- bumalik na naman siya sa pagiging maloko. Ayan na naman yung malokong ngisi niya.

" Alam mo masyado kang assuming!"- pang aasar ko sakaniya. Ngunit natawa ako nang tinaasan niya ko ng kilay.

"Ihhhhh anong assuming?Hindi ako assuming sadyang nagbibigay kalang ng motibo!"- palihim naman akong napatawa.

Iiling iling ko nalang siyang tinignan saka naunang naglakad. Sumunod naman siya sakin habang patuloy parin akong kinukulit.

Dumaan muna ako sa cr at nag-bihis ganon din ang ginawa niya bago pumunta ng classroom.

" Okay kana? Tapos kana maglabas ng sama ng loob"-seryosong tanong niya habang binabaybay namin ang daan pabalik ng classroom.

Napangiti naman ako. "Oo tapos na pero grabe hindi naman yun sama ng loob!"- tukoy ko sa pagdradrama ko kanina.

" Ewww kadiri doon ka pa talaga sa comfort room ng school! Pwede ka namang umuwi! Nagbuhos kaba ng maayos?"- umakto itong during diri sakin medyo lumayo din ito ng kaunti.

Naguguluhan naman akong napatingin sakanya hanggang sa maintindihan ko yung sinabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Eww ang baboy mo! Hindi yun yung tinutukoy ko!"- nakangiwi kong wika at nandidiring tumingin sakanya.

"Eh ano pala yung sinasabi mong tapos na?"-naguguluhan niya ding tanong. Oh diba pareho naming di gets ang isa't isa.

" Bwesit ka yung pagdradrama ko kanina ang tinutukoy ko!"-sambit ko at nauna ng maglakad.

Pakamot kamot naman siya sa batok niya habang nakasunod sakin.

"Sorry na akala ko kasi talagang tu--"-pinutol ko na ang sasabihin niya baka kasi may makarinig pa.

" Bwesit ka ang baboy mo!"-sambit ko at hindi na siya pinansin pa.

Pagod akong naglakad patungong kwarto ko. Kauuwi ko lang galing sa school at sobrang nakakapagod. Nag push up ba naman kami! Imagine 200 push up sinong hindi mapapagod non.

Actually kami lang talaga ni Jon Carlos ang nakapush up ng 200. Paano ba naman kasi may ginawa na namang kalukuhan kaya ayon nalate kami sa PE!

Wala talagang ginawang matino yung lalaking yun!

Naglalakad ako ng mapadaan ako sa kwarto ni Ate Bea. Medyo nakabukas ito kaya dinig na dinig kong may kausap siya sa phone.

Lalagpasan ko na sana ito ngunit bigla kong narinig ang pangalan ni Samantha. Kaya kahit bawal makinig sa usapan ng iba, nakinig parin ako.

"Like duh nakakaawa siya, binugbog ba naman siya ni Daddy at Mommy!"

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon