Chapter 17

2.8K 58 0
                                    

Kali's POV

Nababagot akong naglalakad sa soccer field habang dinadama and dalisay na hangin. Nag-iisa lang ako dahil nowhere to be found na naman ang bwisit na lalaking yun. Kapagod pa naman, hindi pa ako tapos maglinis sa classroom tapos wala pa siya hays.

Kainis niya talaga napapansin ko na kahapon pa siya paalis alis. At kung nandito naman siya palagi naman wala sa reality. At dumagdag pa ang katotohang naiinis ako na palagi siyang wala. Dahil pakiramdam ko nagpapapansin na siya sa iba.

Nang mapagod ako sa kakalakad ay umupo muna ako sa damuhan.

Pinanood ko lang ang mga naglalaro ng soccer para libangin ang sarili ko.

Ngunit imbis na ang mga players ang tutukan ko ay nahagip ng mata ko ang mga taong nag-uusap di kalayuan.

Kunot noo ko lang pinagmasdan silang lima.

Si Clyde, Ate Bea, Charity, Samantha at Jon Carlos. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. At kailan pa sila nagsimulang mag-usap-usap.

Sa pagkakaalam ko kasi hindi nakikipag-usap si Jon Carlos kay Ate Bea.

Hmmmm may hindi kaya ako nalalaman? Bigla akong kinabahan sa isiping yun.

Nakita ko naman na nagkagulo sila. Tatayo na sana ako upang lapitan sila. Ngunit hindi ito natuloy dahil nakita kong humakbang na papaalis si Jon.

Anong nangyayari?

Pasimple ko naman siyang sinundan at hindi nga ako nagkamali sa garden nga siya pupunta. Nakita ko siyang umupo sa damuhan kaya tinabihan ko naman siya.

Gulat naman itong napatingin sa akin ngunit nginitian ko lamang ito.

"Kanina ka paba?"-kalamadong tanong nito. Ngunit alam ko na pinipilit lang niyang maging kalmado. Kilalang kilala ko na siya at alam ko kung paano siya umakto.

"Hindi kababago ko lang dito!"-sagot ko naman.

" Ganon ba? Bakit mo pala nalamang nandito ako?"-tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Wala napadaan lang ako at nakita kita kanina pa kasi kita hinahanap. Nga pala saan ka galing?"-tanong ko. Sinusubukan ko siyang hulihin kung may tinatago ba siya sa akin o wala.

Nakita ko namang napalunok siya ng paulit ulit saka ngmiti sa akin. " Ahh a-ano kasi sinamahan ko yung kaibigan ko dahil may kailangan lang asikasuhin sa labas ng campus!"-sagot nito.

Liar

"Talaga ba?"-tanong ko upang makasigurado. Baka biglang umamin.

" Oo!"-sagot nito hindi man lang nagdalawang isip na magsinungaling. Bigla akong nadissapoint sa sagot nito. Mukhang walang tyansang umamin.

"Jon nasabi ko na ba sayo yung isa sa mga pinakaayaw ko sa tao?"-tanong ko sakanya.

" Hindi pa bakit?"-sagot naman nito, nakita ko ang paggalaw ng lalamunan niya. Halatang kinakabahan.

"Alam mo bang isa sa ayaw ko sa isang tao ay sinungaling? Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat?"- sambit ko habang nakatingin sa mga ulap.

" Ano?"

"Yung mismong kaibigan mo ang magsinungaling sayo! Yun yung ayaw kong mangyari dahil masakit yun, sobrang sakit! Dahil mas pipiliin ko nalang mabugbog kaysa traydurin ng kaibigan mo!"-sambit ko at agad na tumingin sakanya.

Umiwas naman siya ng tingin sa akin, ngunit nakikita ko parin ang paulit-ulit nitong paglunok. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

Galit ba ako? Am I overreacting? Pero kaibigan ko naman siya at may karapatan ako na tanungin siya ng ganito!

" Wala ka naman sigurong tinatago sa akin diba?"- nanatili akong nakatingin sakaniya at doon ko nakumpirmang meron nga, meron siyang hindi sinasabi sa akin.

"Wala!"-ngunit katulad ng ginawa niya kanina ay tinanggi na naman niya. Bakit mas masakit na siya mismo yung nagsinungaling sa akin.

Andami na namang pumapasok sa utak ko. Ito na naman nag ooverthink na naman ako." Jon please! I'm begging you tell me the truth! Please don't lie to me!"-sigaw ko ,hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Hinintay ko siyang sumagot ngunit nanatili siyang tahimik.

"Kung magsisinungaling kalang pala, mas mabuti pang hindi nalang tayo naging magkaibigan. Dahil ang pagkakaalam ko sa magkaibigan hindi nagtratrayduran kundi nagdadamayan!"-sambit ko at tumalikod na sakanya.

Ngunit hindi paman ako nakakalayo ng maramdaman kong niyakap niya ako.

" Kali Sorry! I'm sorry! Please wag kang magalit sa akin."-sambit nito.

"Jon please bitawan mo ako! Don't do this please!"

"Sorry Kali! Please look at me! I'm sorry kung nagsinungaling ako! Oo hindi totoong sinamahan ko yung kaibigan ko."-sambit nito.

Hinarap ko siya at tinignan ng seryoso. " Saan ka galing?"-mahinahon kong tanong dito.

"Kanina umalis ako dahil kinausap ako ni Bea! Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo dahil natatakot ako! Sinabi niya kasing layuan na kita! At pagsinabi ko yun sayo baka layuan mo lang ako!"-sambit nito agad namang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagdududa sakaniya.

" Sa tingin mo kaya ko yung gawin? Ikaw nalang ang meron ako! Ikaw lang yung kaisa isang taong nakakaintindi sa akin. Kaya paano kita lalayuan huh? Tell me!"- seryoso kong sambit.

"Sorry Kali! Sorry  kung hindi ko man sinabi sayo! Promise no more secrets just please wag ka ng magalit!"-pagmamakaawa nito.

Ilang sandali pako nag-isip bago humarap dito.

" Okay hindi na ako magagalit! Pero please lang wag mo na ulit yun gagawin! Dahil sobrang sakit matraydor ng isang kaibigan!"-sambit ko

"Oo promise!"-sincere nitong sabi.     " Pero teka lang, KAIBIGAN lang talaga?"-hayss bumalik na naman ang pagiging baliw nito.

"Oo bakit anong gusto mo? Kaaway huh?"-kunwaring mataray kong sambit dito.

" Hindi."

"Yun naman pala eh!"-sambit ko.

" Pero pwedeng more than friends! "-sambit nito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Nagmamadali kaba?"-mataray kong sabi sakanya.

"Hehehe sabi ko nga dadating din tayo diyan!"-sambit nito sabay kamot sa batok.

"Yan ganyan dapat marunong kang maghintay!"-nakangisi kong wika. " Pero diba manliligaw kita at sinabi mong gagawin mo ang lahat sagutin lang kita?"-sambit ko habang nakangisi may naisip na naman akong pang-inis sakanya.

"Huh? Sinabi ko yun?"-maang maangan niyang tanong.

" Ahhh wala kang matandaan sige madali along kausap!"-sambit ko at akmang tatalikod ng bigla siyang magsalita.

"Heheh di ka naman mabiro Kali syempre gagawin ko ang lahat para sayo!"- nakangisi pa ito at nagpapaawa.

" Okay sige total manliligaw kita at gagawin mo lahat para sa akin. Ikaw nalang maglinis sa classroom. Ako kasi ang naka assigned na maglinis ngayon pero syempre ayaw mo naman akong mapagod kaya ikaw ang gagawa noon. Wag kang mag-alala titignan lang kita para naman mainspired ka alam ko naman na tumingin kalang sakin maiinspired kana!"-sambit ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa naging reaksiyon niya. Nakanganga lang naman siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What? Arghhh Kali naman!"-reklamo nito.

" May reklamo ka?"-sambit habang nakataas ang isang kilay ko.

Walang naman siyang nagawa kundi umiling nalang.

Palihim naman akong natawa sa reaksyon niya.

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon