Chapter 3

3.7K 68 1
                                    

Kali's POV

"Gising! Gising ate Kali!"-napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Yancy.

Napakagandang ngiti ang ibinungad nito sakin. " Good morning ate!"-bati ni Yancy.

"Good morning din ang aga mo atang nagising?"-nagtataka kong tanong. Dahil minsan ay ako pa ang gumigising sakaniya.

" Ano kaba ate? Tanghali na oh!"-sambit niya at itinuro ang orasang katabi ko

Agad naman akong napabalikwas ng bangon, shit 7:30 am na pala, andami ko pang gagawin. Aligaga akong inayos ang buhok at isinuot Ang tsinelas

"Hindi pa ako nagluluto!"-lalabas na sana ako upang bumaba nang pigilan ako ni Yancy.

" Ate tapos napong magluto si Ate Bea!"-sambit niya na ikinagulat ko. Dahil unang una ay ngayon ko lang nalaman na magrunong pala siyang magluto at pangalawa anong nakain niya at bakit siya ang nagluluto.

"Sabi ni Daddy gisingin daw kita!"-sambit niya at sa puntong yun ay inihanda ko na ansarili ko dahil for sure ay may pangaral na naman akong madadatnan pagbaba ko.

" Sige Yancy susunod nalang ako sa baba mauna kana!"-sambit ko sakanya, agaran naman itong sumunod at lumabas ng kwarto.

Wala akong pinalampas na sandali at mabilis na kumilos at inayos ang sarili ko. Maya maya ay bumaba narin ako para naman mabawasan yung magiging sermon ko.

"Ano ng oras Kali?"-bungad na tanong ni Dad, tulad nga ng inaasahan ay yun ang bumungad sakin.

" 8 po Dad."-nakayuko kong sagot.

"Buti naman nagising kana para kang senyorita sa bahay na ito!"-sambit ni Mommy

Napabuntong hininga nalang ako, ayaw kong sagutin sila.

" At sa tingin mo ba Kali yan ang oras ng matinong estudyante para pumasok, well nakalimutan ko pala kailan kaba tumino?"-sarkastikong sambit ni Daddy.

Mas lalo akong nanliit sa sinabi ni Daddy.

"Daddy hayaan niyo na po si Kali."-kunyari ay bait baitang sabi ni Bea.

Napakagat labi nalang ako at piniligilan ang mga nagbabadyang luha na maaaring tumulo ano mang oras.

"Sige alis napo ako!"-nagmamadali kong sambit dahil hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito.

Hindi ko na kaya pang magtagal sa ganitong sitwasyon baka hindi ko mapigilang umiyak sa harap nila. Kaya minabuti ko nalang na talikuran silang lahat.

Bago ako umalis narinig ko pa ang sinabi ni Mommy. " Wala talagang modo!"

Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Sa pagkakataong ito ay tuluyan na silang kumawala at sunod sunod na tumulo. Pinigilan kong humagulgol sapagkat baka hindi ko na ito mapigilan at mamaga pa ang mata ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunansan ang mata ko bago tuluyang pumasok sa kotse.

"Sige lang anak iiyak mo lang yan makikinig ako!"

Nagulat ako ng marinig ko ang tinig nayun, hindi ko napigilang maiyak nang makita siya.

"Mang Eddie!"-mangiyak ngiyak kong sambit at agad na niyakap ito.

" Shhhh tahan na anak makikinig ako!"-sambit ni Mang Eddie, isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. Marahan niyang ginulo gulo ang buhok ko. "Dahil na naman ba ito sa mga magulang mo?" -tanong nito na tinugunan ko ng tango.

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon