Chapter 8

2.9K 66 7
                                    

Kali's POV

"Yancy bakit ganon? Masama ba akong tao para gawan nila ng ganito?"- patuloy parin ang pag-iyak ko kahit na kanina pako pinapatahan ni Yancy.

"Don't say that ate hindi ka masamang tao! Sobrang buti mo at dahil sa sobrang kabutihan mo tinitake advantage ito ng mga taong nakapaligid sayo!"

Wala akong ibang magawa upang mailabas ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa niyang pagtratraydor sakin. Hindi ko batid kung anong nagawa kong mali kay Ate Bea para gawin niya ang mga bagay na ito sakin.

" Yancy naniniwala ka naman dibang hindi ko kayang magnakaw?"-tanong ko sakanya, kahit siya lang ang maging kakampi ko okay lang sa akin.

"Oo ate naniniwala akong hindi mo magagawa yun kaya maski ako nagulat noong nakita ni Dad sa bag mo yung pera niya. Tell me Ate may kinalaman na naman ba dito si Ate Bea?"

Tumango tango ako bilang sagot.

"What? Dapat malaman to nila Mommy at Daddy!"-sambit niya at akmang tatayo ngunit madali ko siyang napigilan.

" Wag na Yancy alam mo naman siguro na kahit anong gawin ko ay hindi nila ako paniniwalaan tsaka baka gumawa pa ng kwento si Ate Bea mas madagdagan pa ang kasalanan ko. "-sambit ko

"I'm sorry Ate Kali kung may magagawa lang talaga ako para magising sila sa katotohanan!"- patuloy parin ang paghagod niya sa likuran ko.

Gustuhin ko mang sabihin kala Daddy yung totoo alam ko namang gagawa lang ng kwento si Ate Bea at ako na naman ang masisisi. Mas kamumuhian lang ako nila Mommy at Daddy mas madadagdagan lang ang kasalanan ko na alam kong hindi ko naman ginawa. Kahit anong sumbong ko sa ginawa ni Ate Bea hindi sila maniniwala dahil kahit anong gawin ko ako parin ang lalabas na masama. Masakit na hindi nila kayang paniwalaan yung mga sinasabi ko. Na kahit pakinggan lang nila hindi nila magawa.

Hindi ko namalayan na muli na naman pala akong humagolgol kaya mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Yancy.

" Sorry ate kung wala akong magawa para maibsan lahat ng sakit na dinadala mo. Simula pagkabata natin hindi kana naging masaya. Hindi ka sumaya sa piling ng pamilya nato!"

"Shhhh Yancy wag kang magsorry. Marami kang nagawa para pagaanin ang loob ko katulad ngayon ikaw ang nagiging sandalan ko pag may problema. Wag mong sabihin na hindi ako sumaya dahil makita ko kayo araw araw sobrang saya ko na. At masaya ako dahil palagi kang nandiyan para sakin! At kahit anong mangyari wag kang magagalit kay Ate Bea dahil tao lang siya nagkakamali!"-paliwanag ko sakanya, ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob dahil lang palagi niya akong naririnig na umiiyak dahil sakanila.

Iniharap naman niya ako sakanya " Alam mo ate Kali gusto ko talagang mainis sayo! Bakit ka ganyan? Bakit sobrang bait mo? Bakit hindi ka marunong magalit!"-sambit niya at nakita ko talaga ang pagpipigil niya ng inis kaya natawa nalang ako. Nginitian ko lang siya.

Lumabas nadin si Yancy ng kwarto ko noong sinabi kong okay na ako.

Wala akong planong lumabas ng kwarto pero pinatawag ako ni Daddy kaya napilitan akong lumabas. Agad akong nagtungo sa library dahil nandoon silang lahat.

Alam ko na kung bakit nila ako pinatawag. Maaaring nagsumbong na naman si Ate Bea tungkol sa nangyari kanina.

Pagpasok ko palang sa library bumungad na sakin ang matalim nilang tingin except kay Clyde at Ate Bea.

Tahimik lang si Clyde habang hindi makatingin sa akin. Si Ate Bea naman ay nakangising nakatingin sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong library at napagtanto ko na wala dito si Yancy. Napabuntong hininga nalang ako.

"Maupo ka Kali kailangan nating mag-usap!"-maawtoridad na sambit ni Daddy.

Agad naman akong sumunod at umupo sa isa sa mga bakanyeng silya.

" Alam mo na siguro ang pag-uusapan natin!"-galit na wika nito at pabagsak na binaba ang hawak na libro habang nanatili lamang akong tahimik na nakayuko "So tell me bakit mo ginawa sa Ate mo yun Kailan kaba talaga titino huh Kali!"- ito na naman paulit ulit nalang.

Sasabihin ko sanang wala akong kasalanan ngunit bigla na akong pinigilan ni Daddy.

" I don't want to hear those lies!"

Napayuko na naman ako. Hindi na naman nila ako pinakingan. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Kailan ba nila ako papakinggan?

"Magsorry ka sa Ate mo!"-sigaw ni Dad, ngunit nanatili parin akong nakaupo at hindi man lang gumalaw.

Pride nalang ang meron ako, ayaw kong magmukhang kaawa awa sa harapan nila.

" Naririnig mo ba ako Kali huh?"- sa pagkakataong ito ay mas tumindi pa ang galit ni Dad na nagpalundag sakin mula sa kinatatayuan.

Hindi pa sana ako susunod ngunit nakita ko ang nagbabagang tingin ni Dad at baka atakihin pa siya ng sakit pag hindi ako sumunod. Kaya wala akong ibang choice kung hindi tumayo at lumapit kay Ate Bea.

Nakangisi naman niya akong tinignan. Kitang kita kung paano siya nasisiyahan sa nangyayari ngayon.

"Sorry!"-walang emosyon kong usal tatalikod na sana ako para umalis nang hawakan niya ko sa kamay.

" Ganon ba ang tamang pagsosorry?!"-umakto pa siyang nadidisappoint sa nangyari pero alam ko deep inside tumatawa na siya.

Kaya hindi ako nagpatinag. "Anong gusto mo lumuhod ako at humingi ng sorry hanggang sa patawarin mo ako?"

"Kung kailangan bakit hindi!"

" Kahit kailan hindi ako luluhod sayo, pride nalang ang meron ako at isa pa alam kong wala akong ginawang mali at sinampal mo din ako diba? Doble pa sa ginawa ko? Bakit parang ako lang yung may mali dito?"-madiin kong usal habang nakaharap sakanila.

"Pride? Bakit napapakain kaba niyang pride mo Kali?"-galit na sigaw ni Dad.

Natigilan naman ako, bumuntong hininga muna ako bago gawin ang gusto niyang mangyari. Akmang luluhod nako ng biglang bumukas ang pintuan. Nahinto kaming lahat ng magsalita si Yancy.

" Dad hayaan niyo na si Ate Kali wala siyang kasalanan. Hindi siya dapat nagsosorry kundi yang isa diyan dapat ang magsorry!"-paliwanag niya.

Nilapitan ko naman siya at pinigilan sa maaari niyang sabihin.

"Ate Kali hayaan nating malaman nila ang totoo!"-naiinis niyang sambit at pilit kumakawala sa hawak ko.

" Yancy please!"-pigil ko sakanya dahil ayaw kong mas lumaki pa ang gulo.

"Fine! Papalampasin ko to pero sa susunod na may gagawin na naman siya hindi nako magdadalawang isip na isumbong siya!"-nakahinga naman ako ng maluwag.

" Excuse us!"-sambit ni Yancy at hinila ako palabas.

"Yancy bakit naman ganon ang sinabi mo kay Ate Bea! Diba palagi kong sinasabi sayo na dapat hindi ka magalit kay Ate Bea!"-pangaral ko sakanya.

Nakasimangot naman niya akong hinarap. " Galit ako sakanya, palagi ka nalang niyang sinasaktan!"-naiinis niyang sambit at nagpapadyak pa

"Yancy ayaw kong pati ikaw magalit kay Ate Bea, ganyan lang talaga siya. Tama na yung ako lang ang sumasagot sakanya. Wag ka ng dumagdag pa okay? Alam kong masakit din sa side ni Ate Bea na sinasagot ko siya. Kaya naiintindihan ko siya. Kaya ikaw bilang mas nakakatanda sayo makinig ka sakin. Wag na wag mong tutularan ang mga nakikita mong ginagawa ko okay?"-pangaral kong muli sakanya, wala naman siyang nagawa kundi tumango at sumunod sa mga sinabi ko.

Nakangiti naman akong pumasok sa kwarto. Mabuti nalang talaga nandiyan si Yancy para ipagtanggol ako.

--

Sinubukan ko lang gumawa ng sobrang bait na character masyado kasing maattitude yung gumawa.





A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon