Chapter 18

2.8K 54 0
                                    

Kali's POV

Thursday

Maraming nangyari sa araw nato at  kasalukuyan kaming nakasilong sa watershed sa labas ng campus.

Papauwi na kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi rin ako masusundo ng driver namin dahil maputik daw ang dadaanan at hindi rin nadala ni Jon ang kotse nito. Kaya wala kaming ibang choice kung hindi ang maghintay kung kailan titila ang ulan.

"Kali mukhang hindi ata titila ang ulan! Matatagalan pa tayo bago makaalis dito"-sambit nito.

Pinagmasdan ko ang mas lalo pang lumalakas na ulan. Mukhang di na nga ito titigil sapagkat habang lumilipas ang oras ay mas lalo pang lumalakas ang ulan at hangin.

"Mukhang ganon na nga."-nawawalang pag-asa kong sabi. "Kung babalakin mo mang sulungin ang ulan tiyak na nababasa tayo pareho!"-dagdag ko pa sapagkat alam ko kung paano mag-isip si Jon.

"Malapit lang naman ang bus station dito mas mabuti pang takbuhin nalang muna natin bago pa lalong lumakas ang ulan!"-sambit niya. Naisip ko naman ang nais niyang sabihin kaya tumango nalang ako. Imbis na maghintay lamang dito ay mas mabuti ngang humanap kami ng paraan para makauwi.

"Sige!"-bumilang siya at sabay naming sinalubong ang ulan. Maingat ako sa nagtatakbo dahil baka madulas ako.

Namataan na namin ang bus station ngunit habang tumatagal ay mas lumalakas ang ulan. Kaya naman binilisan na namin ang pagtakbo. Ngunit sadyang napakamapaglaro ng pagkakataon.

Bigla akong napapikit ng maramdaman ko ang pagslide ng sapatos ko.

Shit.

Hinihintay ko na ang pagbagsak ko ng biglang maramdaman ko ang mai it niyang kamay na pumulupot sa bewang ko. Automatiko kong binuksan ang mata ko.

Nabungaran ko ang mukha niya. Seryosong seryosong nakatingin sa mga mata ko pababa sa labi ko.

" Kali?"-sambit nito. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya dahil sa sobrang lapit namin. Hindi ako sumagot sa halip ay tinitigan ko lang siya sa mata. "Sorry sa gagawin ko!"-sambit nito at unti unti niya pang nilapit sa akin ang mukha niya. Doon ko lang napagtanto ang nais niyang gawin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta namalayan ko nalang na napapikit ako at ganon rin siya.

Maglalapat na sana ang mga labi namin nang biglang.

" Gago ka talaga Jon Carlos!"

Agad akong napamulat at umayos ng tayo nang marinig ko ito. Nabungaran ko naman si Jon na nakaupo sa daan habang sapo sapo ang sugat nito sa labi. Lalapitan ko sana siya nang bigla akong hilahin ni Clyde. Tama nandito si Clyde I don't know kung anong ginagawa niya at ano na naman ito. All I know is hindi tama itong ginagawa niya.

"Tara na Kali ihahatid na kita!"-sambit nito at pinipilit parin akong hilahin ngunit nanatili akong matigas.

" Ano ba Clyde! Let go of me! Ano bang ginagawa mo dito huh?"-sigaw ko.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita bagkos tinulungan ko munang tumayo si Jon.

"Okay kalang?"-tanong ko dito. Sinisigurado ang kalagayan niya.

" Yeah I'm fine!"-sagot nito at ngumiti sa akin. Ngunit kitang kita ko kung paano siya napapangiwi tuwing kikirot ang tinamong sugat.

Humahangos na naglakad sa gawi namin si Clyde."Kali let's go baka ano pang masamang mangyari sayo!"- nag-aalala nitong turan ngunit hindi ko batid kung bakit ganito nalang siya mag-alala. Muli niyang hinawakan ang kamay ko ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagmatigas na naman ako. Hindi na namin alintana ang ulan na lalo pang lumalakas.

" Ano ba Clyde wag ka ngang makialam dito. Kung gusto mong umalis, umalis kana!"-sigaw ko dito.

Nagmamakaawa niya kong tinignan. "Ano ba Kali please kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin. Tratraydurin kalang ng lalaking iyan. Please Kali makinig ka sakin ayaw lang kitang masaktan."-hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya sa mga sinabi niya o ano. Dahil ang pagkakaalam ko siya ang unang nagtraydor sa akin.

Sarkastika akong napatawa sa sinabi niya. "Ayaw mo akong masaktan?Bakit noong iniwan mo ako naisip mo ba iyan huh? Naisip mo bang sobra mo akong nasaktan!"-sigaw ko dito. Nagulat naman siya sa sinambit ko. "Nagulat kaba dahil inamin ko ngayon na nasaktan ako dati sa ginawa mo? Oo puta nasaktan ako pero dati iyon at hindi na ngayon. Kaya sana wag mo na akong pakialaman dahil hinding hindi na kita pinapakialaman! Hinding hindi na rin ako maghahabol sayo na katulad nang ginawa ko noon!"-sigaw ko tuluyan na namang nawala sa kontrol ang bibig ko.

Bigla namang napalitan ng lungkot ang galit na ekspresiyon sa mukha nito.

" Kali sorry sa lahat ng nagawa ko pero please lang makinig ka naman sa akin!"- hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinapakita niya ngayon sapagkat kitang kita ko ang pagtakas ng mga luha mula sa sulok ng kaniyang mga mata.

"Clyde wala nang magagawa yang sorry mo. Nangyari na ang laha. Kung gusto mo talagang mapatawad kita please lang umalis kana! Wag mo na akong guluhin!"-sinubukan kong maging mahinahon.

Matagal muna niya akong tinignan bago tumango. " Sige kung yan ang gusto mo."-sambit nito at tumalikod na.

Hindi na ako nag-abala pang sundan siya ng tingin.

"Jon okay ka lang?"-alala kong tanong dito at hinawakan ang labi niyang may sugat. Sa ilang minutong pag-uusap namin ni Clyde ay muntik ko nang makalimutan ang kalagayan ni Jon.

"Kung ikaw ba naman ang mag-aalala walang dudang okay lang ako!"-nakangisi niyang sambit.

Nasuntok na nga't lahat may lakas pa talaga siyang ngumisi. Agad kong inalis ang kamay ko sa labi niya, baka mas lalo pa kasing lumaki ang ulo.

" Tignan mo nanlg dahil sa plano mo nabasa tayo!"-nagmamaktol ako habang sinisipat ang sarili, mukhang hindi na kayang patuyuin ito.

"Huh? Bakit ako na naman ang sinisisi mo huh? Sino ba kasi yung muntikan nang madulas? Kung hindi lang dahil sakin baka tuluyan na siyang nadulas at nahulog!"-sambit nito at parang proud na proud pa sa ginawa niya. Iba talaga itong lalaking to.

" Aba ako pa talaga ang sinisisi mo huh? Sungalngalin kaya kita! Nakita mo!"-banta ko sakanya.

"Joke lang naman ito talaga masyadong seryoso sa buhay!"-sambit nito. " Pero kung saka sakali mang nadulas ka tapos nahulog wag kang mag-alala sasaluhin padin kita kahit ako pa ang masaktan. Dahil hinding hindi na kita hahayaan na masaktan pa!"-dagdag nito at kumindat pa. Lihim naman akong namula. Ngunit hindi ko ito ipinakita sakanya dahil mananatili itong lihim, alam niyo na baka lumaki na naman ang ulo. Mahangin pa naman itong lalaking ito walang duda.

"Waley!" -sambit ko nang may halong pang-iinis.

"Ayan ka na naman Kali eh. Sinisira mo talaga lahat ng mga banat ko!"-reklamo nito at nagpapapadyak pa.

" Heh! Tigilan mo ako! Tara na nga umuwi na tayo! Basang basa na talaga itong uniform ko, naku!"-sambit ko at nauna ng naglakad, sumunod naman siya sa akin. Patuloy lang kami sa pag-uusap na akala mo'y walang nagyaring away kanina.

------






A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon