Karylle: Wala akong assurance sa amin ni Vice dahil nga bakla siya. 

Yael: Mahal ka rin niya.

Napatingin lang si Karylle kay Yael.

Yael: I know.

Karylle: Wag mo sanang akuin ang kasalanan kung bakit tayo nagkaganito. Ako ang nagkamali. Ako ang hihingi ng tawad. You deserve to be happy.

Yael: Yeah... I deserve that. So I'm letting you go.

Karylle: Mapapatawad mo pa ba 'ko?

Yael: Oo naman. Hindi ka naman masamang tao dahil hanggang sa huli naman naging honest ka pa rin sa akin. I just need time.

Lalapitan dapat ni Karylle si Yael para yakapin man lang siya pero tumanggi na ito. Hindi maitatago sa mukha ni Yael ang sakit na nararamdaman niya mula sa tuluyang paghihiwalay nila ni Karylle. Pagkaalis nito sobrang naiyak na naman si Karylle dahil si Yael na talaga ang perfect guy para sa kanya. Kung hindi na sana niya hinayaan pang lalo siyang mahulog kay Vice, malamang sa masaya na dapat sila ni Yael nang mga oras na 'yon para sa honeymoon nila.

Hindi mapakali si Vice kakaisip ng magiging desisyon ni Karylle kung sakali mang magkita silang muli ni Yael. Maya't maya niya tinigtignan ang cellphone niya. "Isang araw lang, Vice. Isang araw lang." Sinasabi niya sa sarili para makalimutan niya ang takot. Umiisip na siya ng paraan para maiba ang atensyon niya pero sa tuwing tutunog ang cellphone niya, dali-dali niya itong tinitignan. Sumagi na sa isip niya kung walang text si K sa kanya kinabukasan.

Lumipas ang magdamag na mahimbing na nakatulog si Vice. Dahil siguro sa puyat nang samahan niya si Karylle.

Pag gising ni Vice kinabukasan wala pa ring text si Karylle. Sobrang kinakabahan na siya. Lumipas pa ang ilang oras... Bago pa siya pumasok papunta sa Showtime, inaabangan pa rin niya ang paramdam ni K pero wala pa rin. Kinakabahan na siya kasi sa totoo lang hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling walang maging text si K sa kanya hanggang matapos ang araw.

Habang nasa segment ng Gandang Babae sina Billy, Vhong at Vice...

Vhong: Brad, bakit parang iba ka na tumingin sa babae ngayon?

Vice: Maganda kasi siya...

Vhong: Iba na ba? *nakangiti*

Vice: Anong iba na ba?

Vhong: Iba na ang gusto mo?

Vice: *nagpipigil at nabigla sa biro ni Vhong* Parang baliw 'tong si Vhong.

Billy: Pero Vice, namimiss mo ba?

Vice: *inalis ang mic* nakakainis kayo!!!

Nagtatawanan sina Vhong at Billy.

Vhong: Teka, may bago ka na di ba?

Billy: May numero na naman ba?

Vice: Hoy! Ayoko na sa mga may numero.

Vhong: Eh ano ng gusto mo?

Vice: Wala!!! I'm happy to be single.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now