The Kissing Monster

12.9K 219 71
                                    

I was on a company party when all of a sudden my boss kissed me... watdahell was that!!! At ang walang hiyang ito bumagsak na sa akin pagkatapos nun.

He kissed me but he doesn't remember it!!

Ang kapal ng mukha niya after what he did kakalimutan niya lang iyong nangyari. Hindi pwede at ideniny pa na hindi niya daw ako hinalikan.

He’s my boss pero I can't stand it.

Gusto kong gumanti pero paano hindi naman pwede na halikan ko din siya. Mamaya sabihan niya akong pinagsasamantalahan siya.

ARRGGGHHHHH I WANT TO STRANGLE HIS NECK!!!

Ok sa ok naman ang mga physical attributes niya. Pasadong pasado pa nga siya kung tutuusin eh, ito ang listahan.

Matangkad, check na check. Ang height… *ehem* six-footer ang lolo niyo.

May muscles at abs, check na check. Nahawakan ko na ang abs niya nung siksiksikan sa elevator one time. *evil grin*

Mayaman, check na check. Siya nga ang may-ari di ba at boss ko siya.

Maputi, check na check din. Mukha ngang naggluglutta at nagpapabelo eh.

Gwapo, super mega duper check na check. As in pamatay ang face grabe mga Kim Soo Hyun lang ang peg batang-bata at fresh na fresh. Yung mukha niya napakakinis ni walang bahid ng pimples oh di kaya naman ay black heads.

Oh di ba ang ganda ng mga physical attributes niya heaven na heaven but don’t get carried away by his looks now let’s go to his attitude.

Masungit, check na check. Kapag nagkamali ka sobrang sermon ang maabot mo sa kanya kulang nalang ay maging pari siya sa kakasermon niya dinaig pa nga niya ang mga pari. Lalo na sa akin kapag nagkakamali ako todo sermon siya ang sarap magpasak ng cotton buds sa tenga para hindi ko siya marinig.

Moody, check na check. Kasi minsan mabait siya take note ‘minsan lang’ maya-maya iba na agad magagalit siya lalo na kapag ang saya-saya namin. Yung tipong break time mo pero ayaw ka niya pagsalitain at ayaw ka niyang nakangiti.

Mayabang, ayan mas malaking check ng blue na ballpen. Napakayabang niya na akala mo siya na talaga ang pinakagwapo sa buong world… hindi planet pala… mali parin pala universe isama mo na din ang galaxy at milkyway. Ganyan siya kayabang nakakaasar lang.

I can’t believe na sa kanya pa napunta ang pinakamamahal kong first kiss. Bakit siya pa LORD sa dinami-rami ng gwapo at mabait na tao dito bakit sa kanya pa? BAKIT?? BAKIT??

Bakit ba kasi ayaw niya umamin na hinalikan niya ako!! Pero wala akong magagawa kasi he’s my boss mamaya tanggalin niya pa ako sa trabaho.

Isa siyang monster, isang KISSING MONSTER.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now