Manhid

19 2 0
                                    

Sandamukal na pagmamahal
Hindi alam, hangang kailan magtatagal.
Nais itago maski sa salawal.
Sapagkat siya'y magigimbal, sa oras na sa iba magluwal ang taong kaniyang mahal.

Hindi alam kung paanong itatali.
Ayaw ng kahati sa kaniyang tinatangi.
Maubos na ang salapi, huwag lamang mawala ang dampi ng inangkin niyang mga labi.
Tila may sapi, sa pagpilit na pagpatag ng mga tupi, hindi magpapatinag hangga't hindi pa nahahandusay sariling labi.

Marami mang iba,
Malayong ikunsidera ng kaniyang mga mata na ang tinutukoy kong iba ay maaaring magsalba sa kilos niyang pagpapakatanga.
Animo'y lalong lumala, ang iniirog niya'y nakitang tila buwan sa kaniyang tala.
Isang pagkakasala, na dapat ay may multa kung hindi ititigil at ipinipikit lamang ang mata.

Pag-ibig na hindi alam kung hanggang saan aabot.
Sinabi niyang nais niyang ito'y itago't talukbungan pa ng kumot.
Ngunit siya'y nalabanan ng pagtanggal ng saplot.
Ang hinigpitan niya'y tumiklop at unti-unting nakutkot.

Siguro ay kulang pa ang aking mga salita.
Upang maipakita ang kaniyang mga mukha.
May itsura ng katapangan pero simbolismo ng bulag-bulagan.
Ngayon siya mauntog at salita ko'y hindi mailagan.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now