Tiktak sa Sekondarya

14 2 0
                                    

Tiktak sa Sekondarya
Sa panulat ni: Jc Magtalas

Sinalpak,
Mula sa mataas na lugar lumagapak.
Tanging iyak ang dinig sa bagsak.
Panibagong landas ang sa kaniya'y  binigay pakpak.

Taktak,
Tanging galaw sa bulsang batak.
Halos mapangiwi sa masakit na indak.
Napasakan ng isang sugat na animo'y nagnanaknak.

Batak,
Mula sa ginto tungo sa tansong pakpak.
Isinantabi ang naunang yapak.
Kababa'ay nilapita't sa puso'y tinatak.

Halakhak
Huling pinalatak,
Isang mahabang biyahe ang tinahak.
Tagaktak ng pawis, uhaw sa simoy ng alak.

Itak,
Muling inihanda sa isang timpalak.
Naghahanda sa salubong sa inaasam na palakpak.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now