Maligayang Pastko

26 2 0
                                    

Maligayang Pastko
Sa panulat ni Jc Magtalas.

Pasko na naman.
Magbubukas na naman ng regalo.
Mangangaroling sa kanto kahit may layo pang araw na dalawamput tatlo.
Mamimili ng damit na pamasko.
Habang dinadama ang preskong preskong hangin.

Pasko na naman.
Marami na namang mga magkakantahan.
Pwedeng christmas bonus ng Aegis o kaya naman ay sana ngayong pasko na dama ang bawat nota nito.
May mga masasarap na pagkain sa hapag,
May mga tropang simbang tabi at magandang dilag.
At higit sa lahat ay mga tulad kong bangag.

Ang hirap ng buhay sa pinas.
Tuwing sasapit ang disyembre
Hindi na ako mapakali
Kakaisip ng pangregalo sa mga chrismast party
At paghahanap ng kaporeber bago matapos ang bisperas na gabi.
Paano ko ba sisimulan?
Sa pakikidalo ba sa sayawang bayan?
O pagiging katulad ng iba na susunggab sa bataan?

Pasko na,
Isang taon na naman ang lumipas,
Pero hindi man lang kumupas,
Ang pagtingin ko sa tinatawag kong kras.
Kras sa pandinig, ngunit mahal ang pinipintig.
Kasabay ng pagsilang ng importanteng persona, ang siyang pagsilang ng panibagong pag-asa.
Pag-asa na puro Pag asa.
Pag asa na mananatiling asa.
Asa kay kras.

Kung pwede lang puksain ang give love on christmas,
ay gagamit ako ng dahas para subuking makuha ang isang
manuot-nuot na pagmamahal ni Kras. Ang pangarap ko, parang napakataas. Malayo ang dapat na tahaking landas.

Pasko na pero tila nangungulila ako.
Tatanggapin ko na ang regalo pero hindi ako makuntento.
Gusto kong mag imbento ng panibagong elemento.
Naisip ko ng maalala kita,
maliban sa pagbibigayan, at pagmamahalan
ay gusto ko na ng angkinan.
Pero wala talaga e,
nandito ako ngayon nakatayo't naghihintay sa kangkungan.

Pasko na, wala na namang jowa.
Pasko na mananatili na lamang bang ngumangata?
Busog sa foods, pero ang puso'y no goods.
Pasko na.
Sa pagsapit ng pasko  sa taong ito.
Isisilang ang isang panibagong ideya.
Ang magmove on sa kanya.
Ang kalimutan bawat ngiti sa wangis niya.
Ang pagkintal sa isipan na Past-ko na. Past-ko na siya.

Merry christmas, at maligayang bagong taon, at bagong panahon para tayo'y magmove on.




Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now