Ituturing kita bilang isang hininga. Isang hininga na kailangan ko ngayon.
Isang hininga na patuloy kong hahabulin,
kahit na hanggang sa matagal na panahon.
Isang hininga na dahilan kung bat ako nabubuhay.
Ikaw na hininga ko,
Ikaw na magsisintensya kung hanggang kailan ko dapat silayan ang buhay.
Kahit na sa pisikal ito'y aking makikita,
pero sa loob loob ko mahal mundo'y puno ng dilim kung wala ang maayos na simoy ng hangin na aking inaangkin.
Isang hininga na sa hinaba ng panahon,
naranasan na habulin,
pigilin,
babalik,
at minsan hirap na langhapin.
Pero sa dulo'y mawawala't magtatapos lang din.
Tinutukoy ko hindi ikaw,
kundi ang pagibig mo.
Pagibig na kagaya ng hininga ay kailangan ko,
pero patuloy na magbabago at sa huli mawawala na't ako lang din ang talo.
YOU ARE READING
Pahayag ng Damdamin
PoetryAng paglapat ng titik ang siyang pagbubukas. Nitong isang panibagong mundo, iba't- ibang tinatahak na landas. Isang obra maestrang araw ay nais liwanagan. Kapilas ng pag-iisip ang laman ng plumang may init na tila inapuyan. Naglalagablab ang libog...