Sana ako lang

120 6 2
                                    


Sana ako lang yung taong kasangga mo sa tuwing binubungangaan ka ng nanay mo.

Sana ako lang yung tatawa't halakhak sa mga korning banat mo.
Sana ako lang yung magpapangiti sayo,
yung iisipin mo sa paggising mo sa umaga,
papangakuan mong kukunin mo ang mga tala.
Sana ako lang,
yung masasandalan mo sa tuwing pagod ka sa trabaho,
nakaupo tayo sa jeep nakasandal sa balikat ko at tila tayo lamang dalawa ang tao.
Sana ako lang.
Paumanhin,
nagkamali ako.
Sana pala ako na lang.
Sana ako na lang yung tititigan mo ang litrato,
mamahalin mo kamo,
gumunaw man ang mundo.
Sana ako na lang yung dahilan ng ngiti mo.
Yung iisipin mo sa umaga,
hanggang hatinggabi,
kahit na hindi tayo magkatabi.
Sana ako yung yayakapin mo.
Pero mali na naman ako.
Paumanhin,
pero sana pala ako na lang talaga. Kung ako ang tinignan mo at hindi ka tuluyang umiwas,
lumayo.
Edi sana walang nangangarap sa gabi na sana magustuhan ka ng gusto mo. Edi sana masaya tayong dalawa at hindi nakatingin sa damo,
na tila inaantay ang grasya na mahalin ka ng mahal mo.
Edi sana wala sa atin ang nangungulila sa pagmamahal na kailanman ay hindi naman natin nakamit.
Sana ako na lang.
Edi sana wala ng Sana.
Sana masaya na lang.
Paumanhin.
Hanggang dito na lang,
parang pagibig mo saakin,
at pagibig niya sayo.
Hanggang doon lang talaga.

Pahayag ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon