Kwento ng binata

61 4 0
                                    

Sa isang mataas na tore,
nakatayo ang isang lalaki.
Tinatanaw ang madaming babae. Tinatanong ang sarili ano ba ang mali?

Sa dinami-rami nila,
bakit hindi ako makapili?
Katulad ng isang balon,
lumipas na ang panahon,
hinihingi sa sarili ang pagkakataon na makapili ng tama para sa panghabang panahon.

Ngunit kasingbagal ng pagong ang kanyang pagiisip,
kasimbilis ng kuneho ang lundag ng dibdib,
kasing-gahaman ng tigre ang kanyang pagnanasa.
Sana minsan dalawa ang matamasa.

Lumapit ang isang babae sa isang lalaki.
Tila anghel ang wangis.
Wangis na kita ang pagtatangis.
Sa nakita niyang ginagawa ng binata ay kusa ng umalis,
ang kanyang ngiti na sa una'y matamis.

Siya sa sarili niya ay labis nababahala,
bakit ang pag-ibig niya ay singdagli lang ng oras at di na naalala.
Dahil sa nasilaw sa kinang ng iba,
ang mas importante pinakawalan niya pa.
Dahil sa ginawa niyang tumingin sa ibang direksyon,
ngayon nagiisa at ang buhay ay tila walang direksyon.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now