Piptisheyds

47 4 0
                                    

Ilang beses bang dinama ang bawat tarak?
Ilang beses bang tiniis ang bawat hinagpis ng damdamin kong patuloy ang produksiyon ng luha?
Bawat patak
Bawat halakhak.

Isa, Dalawa, Dalawampu
Hindi na ako makapagisip,
Hirap na magbilang
Hirap na huminga
Pagkat di ko nais ang sa aki'y pilit na pinaiinda.

Isa, dalawa, dalawampu?
Dalawampung segundo huminto ang lahat,
Matapos ipadanas ang bawat paglapat ng kanyang mga kamay na tila isang sandata na unti-unti ng kinukuha ang iniingatan kong alaga.

Isa, dalawa hindi ko na kaya,
Humingi ng saklolo ngunit hindi na kinaya,
Ako ay pilit na dinadaya,
Nang sariling tadhana na sa kamay ng iba ngayon nakaubaya.

Limampu sa tagalog.
Fifthy sa ingles,
Sa loob ng limampung minuto nakilala ko kanyang anyo,
Ang tinatagong anino sa gitna ng akala ko'y liwanag.
Limampung anino na kadiliman ang dagdag.
Ang siyang kumitil sa aking tinatagong patag.

Isa, dalawa,dalawampu.
Maawa ka ama,
Ako lamang ay sampu.

Note: Ang rape ay isang maselang usapin. Itong aking akda ay aking iniaalay sa mga rape victim. Nawa'y makamit ang hustisya.

Paalala na hindi ko po sinasabing ang mga ama ang nangrarape. Ito lamang po ay base sa napanood kong palabas na patungkol sa isang batang babaeng nakaranas ng sekswal na pangaabuso mula sa kanyang ama.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now