Bente-Kwatro

30 2 0
                                    

Bente-Kwatro
Sa panulat ni: Jc Magtalas

Aligaga, panay ang kilos at gawa.
Alas kwatro ng hapon hudyat ng pagsisimula.
Isang paghahandang
Maingay na isinasagawa
Bawat rekadong pinapasadyang ipasok sa iisang hapag.
Bawat kurba sa bibig na binubuo ng iisang gabi.
Talaga namang sulit paghiling matapos ang ika-siyam na simbang gabi.

Salubong sa oras na pumatak ang alas-dose
Nakahanda na ang manok, ispageti't tsokolate.
Binubuo na ang ibat-ibang imahe.
Dampi ng hangin na talagang kakaiba
Malamig ngunit nakakatuwang talaga.
Nakahanda na ang mga regalo.
Mapadamit o gamit na espesyal sa pinag-aalayang tao.
Sadyang masaya simoy ng pasko.

Dinaig ng bumbilyang papundi ang makutitap na gabi.
Puno ng mga ilaw at bituin isinabit sa bawat sulok at tabi.
Kasabay ng masayang ganap na ito.
Isang maligayang pasko't bagong taon na rin sa inyo.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now