Fake na totoong hindi na kita mahal

32 4 0
                                    


Fake na  totoong hindi na kita mahal
By: Jc Magtalas

Umpisa pa lamang ng pangangalkal ng mga litrato mo.
Umpisa pa lamang ng pagpapalike ng mga litrato ko.
Minsan pa ay nanaising magkunwari na ito ay pang project ko.
Ninanais ko na mapansin mo.
Na kahit minsan man lang ay lumamang na ako.
Sa bawat isa sa libo-libong humahanga
at nagpapakandarapa sa bawat kindat ng iyong mata,
at sa ngiti mong naiiba.
Sa mga nagnanais na malaman ang amoy ng iyong hininga.

Pero ako,
Pinasok ko ng mas malalim ang bawat taludturan ng iyong pagkatao. Ninais kong maging parte ng paghinga mo,
maging kasama ako sa takbo ng buhay ng isang peymus petmalung lodi na katulad mo.

Umpisa pa lamang ng kinausap kita. Kuya paadd sumagot ka pa.
Sige done na, piniem na kita.
Sumagot ka ng hi hanggang sa humaba na ang usapan natin na kahit wala ng kwenta ang topic at tila hindi na mabaybay ay walang agam agam akong sumusubaybay,
sa bawat typing,
sa bawat like,
comments
at uploaded mong litrato.
Pero may mali ako.

Ngayon ako ay nasasaktan kahit alam kong hindi mo naman ako pinagpalit sa bago.
Isang araw may isang tao,
Umalma sa iyong litrato.
Babe, babybabe dodong ko.
Kamukha mo siya bakit ganun? Posible bang may dalawang tao? Pinaglaban ko pa sa iba na pedro ang iyong ngalan.
Ngunit nagulat ako ng umalma ang isang kasabihan.
Si Juan ay si Juan,
si Pedro ay si Pedro.
Ay teka, mali yata ang kasabihan,
lumabas na ang katotohanan,
mula sa likod ng kumikinang na larawan.
Ewan!
Bakit si Pedro ay hindi pwedeng maging si Juan?

Nasasaktan ako na hindi pala ang itsura mo ang aking iniisip-isip sa gabi.
Hindi ang larawan mo ang niyayakap yakap,
hinahalikan at madalas na katabi. Ibang imahe pala ang lagi kong pinagmamayabang sa bawat taong makakatabi,
sa klase,
opisina kulang na lang maski sa jeep, Mrt at Lrt.

Ngayon nagiinit ang aking mga mata,
gusto kong mapag-isa
ng malaman kong hindi ikaw siya, hindi pala kita kilala,
Ibang tao ka pala,
pero mas nasasaktan ako,
at nagtataka.
Bakit hindi ko kayang ika'y lumayo?
Gustong tulungan kitang tumayo
mula sa pagkakadapa.
Sapagkat di ko alam at tila ako ang mangangapa
Sa oras na lumisan ka at mawala,
sa buhay kong puno ng pundasyong tayong dalawa ang bumuo at mahirap nang magiba.

Marahil nga ay kilala ka sa tawag na poser.
Pero pagmamahal ko ay hindi drawing lang na kayang burahin ng eraser.
Kaya ikaw na poser,
Don't leave me co'z my love is much stronger and better, when you enter.
Again to my bebelove na poser,
Start to step again with me to that so mailap na forever.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now