10

12.9K 189 23
                                    

"Fuck, I love you."

The first thing popped on my mind when I woke up. My eyes are heavy that I can't even open it. I feel those hands brushing my hair and I felt the urge of opening my eyes but I couldn't.

"Hindi na kita mahal. – James." The letter that the wedding planner gave me on the church is not true! Doon ako napabalikwas ng bangon. Hindi. Hindi totoong hindi ako mahal ni James.

"Trina, anak." Lumingon ako kay papa. "Do you want anything?"

"P-papa. . ." I wailed on my father's chest. 

Bumuhos ang mga luhang kanina pa ata naglalaglagan. Naaalala ko pa din ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang hindi ako sinipot ni James sa kasal namin. Totoo ang mga sinabi ni Kevin kanina. Totoong hindi ako sisiputin ni James. Bakit niya alam 'yon? Pinlano ba ni James ito at sinabi kay Kevin? Kaya ba niya ako inaayang tumakbo kasama siya paalis sa simbahan kanina?

"S-si Kevin po, pa?" Tanong ko. 

I don't know why I am finding him. Siya iyong hindi umalis sa tabi ko kanina habang kinakabahan ako sa hindi pag-dating ni James sa tamang oras. Oo, nararamdaman ko ng hindi sisipot si James pero mas nanalig ako sa pagmamahalan namin kaya hindi ako sumuko sa pag-hintay sa kanya. Kahit paulit-ulit pa akong pinagsasabihan ni Kevin na umalis kasama siya. Hindi ko kayang bitawan na lang ang pinagsamahan namin ni James. Hindi ko kaya.Hindi ko kayang tanggapin.

"Umalis siya matapos ka niyang idala dito." Mahinahong tugon ni papa. "Mas gusto ko pa ang lalaking iyon, 'nak. Nakakatiyak akong hindi ka niya sasaktan. Mas aalagaan ka niya. Nakikita ko iyon kahit na kanina ko lang siya nakita."

Napatingin ako kay papa sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang nasabi ni papa iyon. He's a hard person to please and I know that he meant what he said.

"Hindi siya umalis sa tabi mo kanina kahit paulit-ulit mo siyang pinagtutulakan." Dagdag n'ya. "Kung gaano ka nasaktan sa hindi pagsipot ng tanginang dela Fuente na iyon, mas doble ang nakikita kong sakit sa mga mata niya sa bawat pag-tulak mo sa kanya palayo."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa sinabi ni papa. I remember that and now I feel bad. James occupied my thoughts that I did not mind Kevin being there for me. He held me like no one did before.

"Anak," Si mama. "Okay ka na ba?"

Kinagat ko ang labi ko at umiling. Hindi ako okay. Hindi ako kailanman magiging okay kung naiisip ko ang hindi pag-sipot ni James sa akin. It was tormenting. What he did was so cruel.

"Ang s-sakit po, ma." Daing ko sabay hawak sa puso kong bumabagal ang tibok. 

Para itong dinurog ni James ng paulit-ulit. Nilapitan ako ni mama at niyakap ng mahigpit. Muling bumuhos ang luha ko. Kinagat ko ng mariin ang labi ko para hindi mapahikbi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Sakit na gumuguhit mula sa kaibuturan ng pagkatao ko. Paanong nagawa ni James ito? Kaya ba nakakaramdam ako ng kakaiba simula nang ipunta niya ako sa resthouse niya? Tama ba ang mga hinala ko no'n na iiwan niya ako? Pero bakit? Anong rason? Sabi niya mahal niya ako kahit anong mangyari?

"Tama na, 'nak. Narito pa kami. Hindi ka namin iiwan." I felt peace on the words. I felt loved. Humiwalay ako sa yakap kay mama at nginitian siya. Nakita ko ang luhang umagos sa mga mata ni mama. Pinunasan ko iyon.

"Ma, wa'g kang umiyak. Ako po ang hindi sinipot, hindi kayo." Naiiyak kong sabi. 

Si mama ang gusto kong huling tao na maka-alam na nasasaktan ako dahil kung nasasaktan ako ay siya ang unang iiyak sa aming dalawa. Sabi niya ay mas mabuting siya na lang daw ang masaktan wa'g lang ako. Hindi ko matanggap na umiiyak siya dahil lang nasasaktan ako. Dapat labas siya sa sakit na nararamdaman ko dahil ayaw ko din nakikitang umiiyak si mama.

His Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon