Chapter 5: School

101 2 0
                                    

(Angelica POV)

Wooh! Napagod ako don, ah! Tumakbo kasi ako papuntang classroom. Ayoko ngang ma-late! Tapos gagawa pa ako ng homework! Haay! Nang pumasok na ako ng room, nakita ko na...maunti pa lang yung tao.

Huh? Akala ko ba magbe-bell na? Nang tumingin ako sa relo ko....PUPU! 30 minutes pa kaya bago mag-bell!! Huhu!!! Bwisit talaga si Chris! Nagdadabog na umupo na lang ako sa desk ko sa last column, sa back row. Sa unahan ko nakaupo si Mika, sa unahan ni Mika si Lynn, at sa unahan ni Lynn si Carl. Para daw iyan hindi makatulog si Carl habang may klase. Hehe. Kaklase din namin yung apat na lalaki. Unfortunately.

Haay... sinimulan ko na lang gawin yung homework ko. Grabe, first time kong gumawa ng homework sa umaga, bago mag-start yung class. Usually kasi eh maaga kong tinatapos yung homework ko para wala na akong poproblemahin pa kinabukasan. Kaso wala, eh. Tinamad ako.

Madali lang naman yung homework. Trigonometry. Kahit na hate na hate ko ang trigonometry. Puro sine at cosine at tangent lang naman yon. With my handy-dandy calcu, within 10 minutes, TADAA~~~!! Tapos na! Yehey!!! Kinokopya ko na yung mga sagot ko sa notebook ni Chris nang pumasok na yung tatlong baliw maingay.

"Ange! Grabe ka naman! Bakit ka nang-iiwan?" tanong sakin ni Lynn sabay palaki ng mata na para bang naluluha.

"Magtigil ka nga, Lynn! Di bagay," sabi naman sa kanya ni Mika sabay batok.

"Arouch! It really hurts naman, Mika!" sabi naman ni Lynn sabay may pa-pout-pout pa.

"It really hurts! Ang magmahal ng ganito!" singit naman ni Carl na mukhang gising na gising na habang napakalaki ng ngiti sa labi. May pa-head bang-head bang pa yang nalalaman. Napatawa na lang ako sa kanila.

Umiling na lang ako at pinag-patuloy ang pag-kopya ng mga sagot ko sa notebook ni Chris. Mablisi lang naman yon, medyo matagal lang dahil sa solution. After 5 minutes ay tapos na ako at basta ko na lang iyon ibinato sa desk niya, which, unfortunately...is next to mine. Wala, eh. Minalas, eh.

Napalingon naman sa akin yung mga babae na nasa harapan ng desk ni Chris. Hinihintay siguro siya at mga kabarkada niya. Sinamaan nila ako ng tingin. Inirapan ko na lang sila, at nakipag-chikahan sa mga kaibigan ko.

Pagka-ring na pagka-ring naman nung bell ay nagsipuntahan na yung tatlo sa kani-kanilang desk. Tsaka rin nagsipasukan yung apat na lalaki na kinababaliwan ng mga babae. Kasabay nila yung principal kaya hindi na naka-tili yung mga babae sa classroom kahit na kitang-kita na gusto nilang magsitalon sa kilig. Psh. Ang mga babae talaga sa school na ito, makakita lang ng gwapo, kulang nalang eh ilaglag talaga nila ang panty nila.

Umupo na sila sa mga tabi namin. Katabi ni Carl si Gab, katabi ni Lynn si Renz, katabi ni Mika si Jeff, at katabi ko si Chris. Magaling kasi ata talaga ang teacher namin, ang pinag-tabi-tabi pa ay yung maingay pag pinagtabi. Haay. Buti na lang hindi sila makaingay ngayon. Nandito nga kasi yung principal. Well, isa sa mga principal. Si Papa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past that MaskWhere stories live. Discover now