Chapter 3: Sh*t

152 4 3
                                    

A/N: Try ko po pagsabayin ito at ang HW. Wish me luck! ^__^

Dedicated to BaliwnaAuthor becuase I absolutely love SPO Agent 6!! ^_________^

PS. I changed the title and cover. What do you think? Comment! ^________________^

~~~~~~~~~~~

 

(Angelica POV)

 

Naglalakad ako sa loob ng isang maze. Puro brick wall lang ang nakikita ko saan man ako lumiko. Diretso lang ako sa paglalakad.

.

.

Dead end.

 

Balik.

 

Patuloy lang akong ganon, hinahanap ang gitna. Pero, parang ayoko. Parang....

.

.

Nakakatakot.

 

Pero...bakit?

 

"Ange!"

 

Napalingon ako sa likod ko. Sino yun?

 

"Ange!"

 

Tumakbo ako papalapit dun sa boses. Kada may crossroads, liko lang ako ng liko patungo sa kung saan pinakamalakas yung boses.

 

"Ange!"

 

Nasaan yung nagsasalita?

 

"Ange! Ange!"

 

Nasaan?

 

"AAAAAAAAAAAANGEEEEEEEEE!!!!!!"

 

.

.

.

 

Bigla akong napamulat ng mata. Sakto naman may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Parang alam ko na ang susunod kaya agad-agad akong pumikit ulit.

 

"AAAAAAAAANGEEEEE!!!! GISIIIIIIIIIIING!!!!!!!" sabi ng mga elepante na nagpapanggap na tao na bigla-biglang pumasok sa kwarto ko at muntikan nang matanggal ang hinges ng pinto dahil sa stampede na naganap.

 

Nakapikit parin ako at hindi minumulat ang mga mata ko. Maya-maya lang, may naramdaman akong yinuyugyog ako. Hindi pa rin ako nagmumulat ng mata. Tapos, bigla na lang...

 

*PAK!*

 

Napamulat na lang ako bigla at napahawak sa kanang pisngi ko nang may sumampal sakin.

 

"Araaaaaaay!!!! Mika naman, eh!" maluha-luha ko pang sabi dun sa sumampal sakin, sabay palaki ng mata pampaawa. Hehehehe....

 

"Heh, wag ka nga! Hindi naman ganon kalakas yung sampal ko, noh! Gising na at may pasok pa!" sigaw nito sakin.

Past that MaskWhere stories live. Discover now