Dirty Fairytale [#38]

Magsimula sa umpisa
                                    

“Anyway, I’m really sorry for everything. Alam ko naging unfair ako sayo. But I really can’t afford another hearbreak right now. Alam mo naman kasi yung ginawa ni Eron dati diba?” Parang nagsisisi talaga siya nun kaya napasmile ako e. Eto kasi pinakamaganda niyang expression e. O dahil nasa kama lang siya? Wahaha. Joke lang.

“Akala ko ba di mo minahal yun?” tanong ko dahil naalala ko yung sabi niya nung birthday ko.

“I lied. Gusto ko kasing i-plant sa utak mo na playgirl talaga ako. Kaya nga hinalikan din kita nung lumabas si Eron nun sa kwarto ni Amanda e. Alam ko kasing ganun yung sasabihin ng maangas na kupal na yun.” Natawa ako nun sa maangas na kupal. Wahaha. Mga natutunan talaga ng girlfriend ko sakin o. Pero fail e. Alam ko naman kasing di siya ganun e. Saka, kahit ano pang gawin niya, halatang ako lang talaga yung mahal niya. xD

“Pero totoong gusto kita dati pa. Kaya nga sinusungitan kita dahil alam kong pag naging close tayo, maiinlove ako sayo at masasaktan ko si Eron.” Sht. Sabi na pinagnanasaan din ako neto dati pa e. Wahaha. Pero akala ko din dati, ayaw niya lang talaga sakin. Kaya kayo, wag kayong tutulad dito a? Pag mahal niyo yung isang tao, ipakita niyo yung ANO niyo. Yung wala, hulaan niyo nalang. Depende kasi sa sitwasyon e. Wahaha.

“Kaasar nga, Babe e. Kasi, kung alam ko lang na matagal na nila akong niloloko ni Amanda, edi sana mas maaga kitang pinagpanggap na boyfriend ko.” Naks. Ang baet talaga ng girlfriend ko o. Kasi, kahit na alam niyang niloko rin siya ni Amanda, di niya tinrato ng iba yung pinsan niya. Siguro nga totoo yung blood is thicker than TAM-. TAMANG dami ng tubig. xD

Naalala ko nun yung nagpunta sila ni Jez sa bahay namin. Eto pala yung narinig kong pinag-uusapan nila sa CR. Naaala niyo pa yun diba? Yung tinatanong ni Jez kung ‘papasa ba siya’? O si Vivi nagtanong nun? Ah, basta, eto yun.

“Oo nga, Babe. Kaasar. Pero mas nakakaasar si J. ” tumawa kami sa joke ko tapos napatingin kami kay Alistaire na lumabas ng CR. Nakadamit na siya ng casual tapos lumapit siya tabi ko.

“Are you guys, sure you don’t wanna fvck around? I mean, it’s been awhile since I had a threesome, you know.” Humawak siya sa balikat ko nang kumakagat pa sa labi niya.

“Heck, I can even teach Vivi some fvcking techniques, if she wants.” Nag-smirk pa siya pagkasabi nun pero tinawan lang siya ni Vivi. Ako naman, pinigilan ko yung imagination ko. xD

“No thanks, slut.” Tumawa lang si Alistaire sa sinabi ni Vivi. Naks. Tropa na sila. Dati kasi pinagseselosan lang ni Vivi si Alistaire kay Eron diba?

“Fine, you selfish virgin.” Tumawa lang sila tapos nagpaalam na si Alistaire. Magbabayad pa daw kasi siya dun sa bumibili ng drinks namin kanina.

“Okay na kayo?” tanong ko paglabas ni Alistaire.

“Yep. Nakamove on na ko sa kanila ni Eron e. Saka, kinailangan ko din tulong niya para sa dun sa “J project’’ namin.”Kinwento na niya yung tungkol kay J pagkasabi nun.

Sila pala nila Jez, Ace, at Kaizen si J. Nakuha daw nila yun dun sa pinapanood nila dati. Di pa nga daw ako yung una nilang pinagtripan ng ganun e. Yung una daw kasi, nakipaghiwalay agad dun sa dating tropa nila. Buti nga mahal ko talaga si Vivi kundi, baka ganun din ginawa ko.

Si Ace Jasper pala yung nagphotoshop ng mga picture nila Kaizen at Vivi. Naaalala niyo pa yung binigay niyang pics kay Vivi sa classroom diba? Yun daw pala yung mga yun. Saka ko lang nga narealized na kapareho nun yung tinitignan niyang di dapat nung nagpaturo ako ng origami sa kanya.Kaya pala assignment tawag niya nun. Ang kupal lang no? Inaactingan pa kong nagbreak sila ni Zee kanina. Tapos, taena, di pa nakuntento. Binago pa yung wallpaper ng phone ko at binukas yung GPS ko para sa plano nila. Pasalamat nga siya, ayoko nang mawalan ng kaibigan kundi puro mura lang matatanggap niya sakin bukas e. Saka, kapalit daw kasi nun yung pagtulong ni Vivi dati sa kanila ni Zee.

Si Jez naman daw yung nanggagu ng mga kanta na nilalagay nila sa likod ng picture. Sabi ko na nga ba siya yun e. Tapos yung vehveh naman daw niyang si Jin Kaizen yung nagtext sakin. Gara nga dahil parang di talaga siya e.

Pero kaya pala di sila nagalit sa ginawa ko kay Kier. Pakana din nila yun para kay Aria.

“Sht. Ba’t ang lakas niyong mangtrip Vivianne Jade Villanueva?” Natawa siya sa pagbago ko ng apelyido niya sa apelyido ko. Ako naman, siryoso lang kunwari.

“Sorry, talaga Skype. Pumasa ka naman e. Saka, I love you so much.” nag-smile siya ng todo kaya di na ko nakapalag. Ang ganda niya kasi talaga e. Saka, mas gusto ko nang trip lang lahat kesa siryosohin niya pa.

“Oo na. Pasalamat ka, I love you too.” tinignan ko siya sa mata nang siryoso.

“So much.” Tumawa kami sa dinagdag ko tapos naisip kong parang ang babaw ng dahilan ng trip nila.

“Pero Babe, bakit? Bukod sa, you can’t afford another heartbreak right now?’” Tumawa siya sa panggagaya ko sa kanya tapos huminga siya nang malalim.

“Kasi Skype...” siya naman tumingin sa mata ko nang siryoso.

“Ikakasal na ko.”

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon