Dirty Fairytale [#27]

18K 204 50
                                    

TWENTY SEVEN

Si Jez o si Alistaire? Sino ba sa kanila si J? Taena. Ayaw pa kasi mapagkilala. Sasali naman ako sa fvcking game niya e. Wahaha. Joke lang.

Pero tingin ko si Alistaire talaga yun e. Imposible naman kasi pagtripan ni Jez yung bestfriend niya diba? Saka, si Alistaire lang naman may favorite maglaro ng.. alam niyo na. Pero, di rin e. Kahit naman kasi mahilig sa ganun yun, di nangtri-trip ng tao yun.

Pinatay ko yung shower tapos lumabas ako nang nakatowel. Paglabas ko, nakaupo si Vivi sa kama. Sht o. Sinilipan ako ng mahal ko. xD

Pero teka. Ba’t andito siya? Mag-aaya na namang mag-alam na? xD

“Hoy, utak mo. Pinapatawag ka lang nila para mag-spin the bottle.” Halatang naiilang siya na lumabas agad. Aww. Ang tease talaga ng girlfriend ko kahit kelan o. Nakakatigas e.

Ng muscles tong malamig na panahon. Wahaha.

Nagbihis na agad ako ng pants at shirt paglabas ni Vivi dahil giniginaw nga ako. Kakatapos lang kasi namin mag-sisidan sa dagat e. Sht. Teka. Wholesome na pagsisid yun a? Magbabagong buhay na kasi ako para kay Vivi e. Simula kasi ngayon, lahat ng iisipin ko ay puro kawholesome-an lang.

Babaguhin ko na yung favorite kong number na 6 at 9. Yung favorite kong mall na S&M. At yung favorite kong bodypart na finger. Wahaha. Joke lang. Di ko favorite mga yan.

Pero basta, oo nalang kayo. Asa naman kasing magbabago ako e. Syempre, baka sabihin nila, naging totoong kami lang ni Vivi, lumaki na ulo ko. Saka, nageenjoy pa ko sa maduming pag-iisip na to e. Wahaha.

Wala naman kasing masama sa ganto diba? Nakakatawa nga lang e. Pero dapat hanggang joke lang at wag tutulad kay Kier na ina-apply sa totoong buhay. xD

Kung nagtataka pala kayo, sumayaw, nag-inuman, nagswimming lang kami kanina. Ang sarap nga mag-swimming pag gabi e. Nakakarelax kahit dogstyle na langoy lang gawin mo. xD

Pero walang halong kalokohan, eto na siguro yung pinakamasayang birthday ko. Kasi bukod sa kami nang totoo ni Vivi, balang araw, tatawagin pa siya ng mga anak namin na Mommy. xD

Paglabas ko ng kwarto, nakita kong may sinisilip si Vivi dun sa guest room. Sumilip din naman ako dahil di ko alam na hobby niya palang manood ng LIVE.

NA NAG-UUSAP. xD

“Love, I’m really sorry. Kung pwede lang talaga, ikaw naman papakasalan ko e.”kinumutan ni Eron si Amanda na natutulog tapos hinalikan niya sa pisngi. Err. Love? Sino nga ba yung tinawag niyang ganun dati?

Hinila ako bigla ni Vivi nung parang lalabas na si Eron tapos tinulak ako sa pader. Nagulat nalang ako ng dumagan siya sakin tapos hinalikan niya ko.

“Nice. Hanggang ngayon ba pinagseselos mo parin ako, hun?” napatingin kami kay Eron na tumatawa sa gilid namin.

“Whatever.” Hinila ako ni Vivi papuntang terrace tapos naupo kami sa lapag. Medyo natatawa nga ako dahil basag na naman si Eron sa kanya e. Saka, halatang nakamove on na siya sa kupal na yun kahit kakabreak lang nila.

“Tayo muna maglaro.” Kinuha ko yung plastic na bote tapos humarap ako sa kanya bago ko pinaikot. Wala pa kasi yung iba dahil ewan ko, may ginagawang wholesome? xD

“Truth or dare?” tanong ko dahil sa kanya tumapat. Parang nag-isip naman siya. Sht. Bakit ba habang tumatagal, mas gumaganda lalo tong mahal ko? Dahil ba totoong kami na? xD

“Dare. Ay de, truth nalang pala. Delikado mag-dare sayo e.” natawa siya. Aww. Sayang. May naisip na kong dare e. Didilaan niya ko.

Tulad ng ginagawa ng mga bata. Wahaha. Belat ba tawag sa ganun? Ah basta, yung wholesome na pagdila.xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon