Dirty Fairytale [#13]

21.2K 237 75
                                    

 THIRTEEN

Kinuha ko yung jacket ko tapos sinundan ko si Vivi paglabas niya ng bahay namin. Syempre, gabi na at ayokong mapapahamak yung girlfriend ko. Saka, delikado maglakad sa gabi yung magaganda e. Kaya kayo, alam niyo na a? Wag kayong maglalakad sa gabi nang walang kasama. Wahaha.

“Miss, sumama ka sakin kung ayaw mong masaktan!” May narinig akong sabi ng isang lalaki kaya hinanap ko agad. Taena e. Uunahan pa kong makatikim kay Vivi. Wahaha. Joke lang. Ililigtas ko lang siya.

“Teka, wag kuya. Meron ako.” sabi ni Vivi pagkakita ko dun sa lalaking hawak siya sa leeg galing likod. Err. Malabo ba? Basta yung ANO niya nakapulupot sa leeg ni Vivi. Lol. Sht. Teka. Yung BRASO yun a? Nakakakilabot kung yung.. wala, joke lang.Wahaha.

“Wala kong pake! Mas masarap nga pag meron e!” sabi naman nung manyak na di ko makita itsura. Taena. Kadiring kupal. Pustahan, sabog mukha neto o? Ako lang naman kasi ang gwapong rapist sa mundo e. Wahaha. Joke lang. Alam niyo namang di ako ganun diba? xD

Lumapit ako nun sa kanila  para iligtas yung mahal ko kaso narinig kong nag-‘aray’ yung rapist. Tapos nun, sinipa ni Vivi sa tiyan yung rapist na biglang napayuko. Nung sisipain na ulit siya ni Vivi tulad nung ginagawa niya sa Taekwando, lumuhod yung kupal tapos nagtakip ng ulo.

“Teka. Vivi. Sorry na. Joke lang yun!” sabi ni Kier tapos nakita niya ko. Taena. Lakas talaga mantrip ng kupal na to. Tinakot pa yung mahal ko e.

“Hi Skype!” sigaw ni Kier na kumaway pa sakin. Si Vivi naman, tinignan lang ako nang masama tapos naglakad na paalis.

“Teka, Vivi. Inutos lang sakin ni Skype yun.” Tinignan ako ni Vivi nang masama nun tapos sumugod siya papunta sakin. Sht.

“Walangya ka talaga! Ang sama sama mo!” sabi ni Vivi habang iniiwasan ko yung mga sipa niya. Nung parang susuntukin niya ko. Pinigilan ko yung kamay niya tapos niyakap ko siya.

“Yan na. Mag-anuhan na kayo. May pupuntahan pa ko e.” tumawa si Kier tapos umalis na habang si Vivi naman pumiglas sa yakap ko. Taena. Nu ba ginagawa ng kupal na to dito? Ang layo-layo ng bahay niya a?

“Teka, Vi. Makinig ka muna.” Sabi ko tapos hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

“Una, wala akong inutos dun kay Kier. Ba’t naman kita, tatakutin ng ganon?” Masyado kaya kitang mahal para pagtripan.

“Pangalawa, wala akong ginawang masama nung tulog ka. Malakas lang talaga mangago yung  Tito ko minsan.” Saka, sinabi ko lang naman kung gaano ko kasaya nun dahil mapaparamdam ko nang mahal  kita.

“Pangatlo, alam kong masakit parin yung ginawa ni Eron. Kaya sige lang, di naman bawal umiyak e.” Pagkasabi ko nun, naramdaman kong umiiyak na siya kaya hinayaan ko lang.

Nakaganon lang kami hanggang sa biglang umulan. Sht. Panirang ulan o. Kiss na kasunod nun e. xD

“Tara.” Hinila ko siya papunta dun sa may bahay na walang tao para sumilong.

“Ba’t ganon kayong mga lalake, Skype? Ang kapal ng mukha niyong manligaw tapos pag sinagot na kayo, maghahanap kayo ng iba?” naupo siya dun sa may bangko sa harap ng bahay habang tinanggal ko naman yung jacket ko.

“Di lahat. Marami pa rin yung kuntento na sa isa.” Nagpunta ako sa likod niya para ilagay yung jacket ko sa balikad niya. Sinuot naman niya agad kaya napasmile ako. Dinala ko kasi talaga yun para mag-pasweet sa kanya e. xD

“Sus. Alam mo bang yun lagi sinasabi ni Eron sakin?” umupo ako sa tabi niya. Medyo tumahan na nga siya nun kaya medyo natuwa ako e.

“Lagi niyang sinasabi na mahal niya ko at makasama lang ako kuntento na siya tapos ano? Di lang ako pumayag pagbigyan yung tawag ng kalamnan niya, maghahanap siya ng iba? F.U siya! Buti ka pa nga e. Atleast, ikaw, aminadong katawan lang yung habol. Di kagaya ni Eron na nangtritrip pa ng feelings ng iba maparaos lang yung ka-L-an niya.”sabi niya na parang naiiyak na naman.

Dirty Fairytale [Completed]Where stories live. Discover now