Dirty Fairytale [#9]

23.5K 310 92
                                    

NINE

“Oi Jez, nakalabas ka ng ospital?” tanong ko dun sa bakla naming classmate at bestfriend ni Vivi . Two weeks na kasing absent yan dahil nagka-dengue daw e. Ang hilig kasing tumambay sa madidilim na lugar e. Lol. Hulaan niyo nalang kung bakit. Di ko rin alam e. Wahaha.

“Hinde, hinde. Nasa ospital pa ko. Impersonator ko lang tong nakikita mo!” Taena. Iba talaga epekto ni Vice Ganda sa mga tao e no? Idol na idol kasi neto yun e. Siryoso. Buhok, pananalita, lahat na. Yun nga lang, sablay na sablay sa mukha. Si Vice kasi kabayo diba? Eto, bulldog e. Wahaha.

“Sht. Oo nga. Tanga ko talaga.” tumawa lang kami nun tapos pumasok bigla si Vivi na umiiyak. Taena. Sinong nagpaiyak sa mahal ko? >:[

“Vi! Okay ka lang?” tanong ni Xyra kaya napatingin kami. Tinignan ko naman si Jez dahil alam kong mambabasag na naman siya.

“Ay Put@ngena! Sobrang okay lang siya. Umiiyak nga diba?” medyo natawa si Vivi nun kay Jez kaya natuwa ako. Si Xyra naman, tumawa lang tapos binatukan niya si Jez.

“Aray. Araaay. Araaaayy.” Taena. Gayang gaya niya ayung Aray ni Vice pati yung kilos. Lol.

Binatukan ulit ni Xyra nun si Jez kaya tumigil na yung kupal tapos tumabi sila kay Vivi sa upuan.

“Girl. Anyare ba? Wag ka nang umiyak. Mas gumaganda ako sayo e.” Sabi ni Jez pagkaupo nila. Taena o. Bakit ba gumaling pa tong kupal na to? Di ba nakakamatay yung dengue? Wahaha. Joke lang. Mabaet naman yan si Jez e. Lagi nanlilibre e. Wahaha.

“Gaga. Mas maganda parin ako sayo no!” Tumawa si Vivi nang pilit tapos may binigay siyang picture kina Jez.

Dahil curious ako at mahal ko si Vivi, sumilip ako.

“OhmyGod! Ang severe ng kalibugan ni Eron huh! At ang puchu puchu ng settings. Sa student council office pa talaga!” natawa kami nun habang pinupunit ni Jez yung picture. Ako naman, tinignan yung bag ko dahil di ko tinuloy ilagay yung pic sa locker ni Vivi.

Oo, kahit na sobrang gusto ko silang magbreak, di ko nilagay yung pic. Ang gara kasi nung nakasulat sa likod e. Saka dumating din bigla si Amanda nun kaya di ko na nalagay.

Nung nakita ko na nasa bag ko pa yung pic, biglang dumating yung teacher namin kaya bumalik na sa upuan sila Xyra habang nilagay ko naman sa bulsa ng jacket ko yung pic. Si Vivi naman, patuloy parin sa pag-iyak sa harap ko kaya di ako makapagconcentrate. Taena kasi e. Sino ba yung J na yun at yung mahal ko pa talaga napili niyang pagtripan?

Buong klase namin, umiiyak lang si Vivi at di ako mapakali. Ang bigat kasi sa pakiramdam e. Ganon pala feeling nang nakikita na umiiyak yung mahal mo tapos wala kang magawa. Taena naman kasi. Ang gagu ni Eron e. Pwede naman niyang paglaruan yung Angrybirds niya diba? Ba’t puso pa ni Vivi napili niya? xD

Pagtapos ng history namin, lumabas agad si Vivi dala yung bag niya kaya sinundan ko. Pinasunod din kasi ako ni Jez dahil magpapapirma pa daw siya nung leave of absence niya.

Nagpunta si Vivi nun sa may parang bookstore ng school para bumili ng tissue. Nung parang wala siyang nabili, lumabas agad siya tapos pumunta sa may garden para maupo sa may bench.

“Panyo o.” tumingin siya sakin habang inaabot yung panyo ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Alam ko kasi badtrip parin siya sakin e. Saka ayoko talagang nakikita siyang umiiyak. Parang natatanggal kasi yung mga scotchtape sa puso ko e. Lol. Sht. Ang lala ko na. Pakyu kasi si Kier e. Wahaha.

Hinintay ko nun na kunin niya yung panyo ko pero di niya lang ako pinansin.

“Bilis na. Pakipot ka pa e.” asar ko kaya tinignan niya ko nang masama. Nagsmile naman ako nang nakakaasar tapos kinuha na niya. Lol. Sabe na ganon lang yun e.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon