Dirty Fairytale [#34]

16.7K 196 35
                                    

THIRTY FOUR

“Babe, wake up na.”Napadilat ako sa magandang boses na narinig ko. Sht. Kay Vivi pala. Kaya pala sobrang ganda e. Boses ng papakasalan ko. xD

Pero teka. Ba’t andito to sa kwarto ko? May nangyari ba sam-. Err. Wala. Joke lang. Naglasing nga pala ako kagabi pagkatapos kong mapagod sumayaw. Di kasi sumasagot si Vivi sa text at tawag ko e. Tapos pagpunta ko kina Amanda, tapos na yung party nila at umuwe na sila. Kaya, ayun, nagpunta nalang ako sa bar ng kaibigan ng Tito ko at sinayaw yung problema ko. Kaso may mga problema talagang mahirap kalimutan e. Di kasi ako makatulog kagabi sa sobrang bigat nang nararamdaman ko. Kaya para makatulog, uminom ako ng alak. Buti nga mabilis akong nilabasan e.

Ng tama. xD

“Di ka galit sakin?” bumangon ako ng kama habang parang may kinuha siyang tray dun sa mesa. Sht. Vivi in bed o. Wahaha. Jokelang. Breakfast talaga. Pero parang mas masarap talaga kung siya nalang e. Tapos wala kaming gagawin na hindi dapat. xD

“Bakit naman? I’m proud of you nga e. Kasi pinili mong gawin yung tama kahit na magagalit si Kier sayo.” tumawa siya pagkalagay nung tray sa ibabaw ko. Taena nga e. Mas gusto ko kasi talaga siya kesa dun sa breakfast. Ang sarap kasi talaga ni Vivi e.

Maging karamay sa problema. xD

“Di ka kasi sumasagot sa text saka tawag ko e. Kaya akala ko galit ka nung nasaktan ko si Aria.” Kinuha ko yung tinidor tapos kumain ako nung lasagna na dala niya. Medyo nalungkot nga ulit ako dahil ayoko talagang nakakasakit ng tao lalo na ng mga babae. Kasi sabi ng Mom ko dati, “Girls might forgive the sht that you did but they will never forget the pain that you made them feel.” Kaya nga kahit anong mangyari, hinding hindi ko sasaktan si Vivi. Kasi, ano nalang sasabihin ng 69 na magiging anak namin diba? Na malaki yung ANOng daddy nila pero sinasaktan yung Mommy nila? Panget yung ganun diba?

Wala naman kasi sa LAKI NG KINIKITA nasusukat yung pagiging ama e. Nasa pagiging responsable niya at pagiging loyal sa pamilya. At oo, yun yung malaking ANO na tinutukoy ko kanina. xD

“Adik. Wala nga signal sa bahay diba? Ano nga pala ginawa mo kagabi at late ka daw umuwe?” umupo siya sa harap ko na nakataas yung isang kilay.

“Syempre, nang-chix.” Tumawa ako nung nagalit itsura niya. Wahaha. Ang ganda niya magselos o.

Tumayo siya bigla na parang aalis na kaya tinabi ko yung tray tapos niyakap ko siya galing likod. Nakalagay yung kamay ko sa may banding bewang niya. Gusto ko nga sanang medyo taasan kaso baka sabihin niya minamanyak ko na naman siya. xD

“Joke lang, Babe. Ang ganda ganda mo na, mangchichix pa ko?” parang pumiglas siya nun kaya bumitiw ako. Taena totoo naman e. Bakla lang naman nanchchix diba? Kasi may chick naman na sila tapos naghahanap pa sila ng iba. At oo, sisiw at babae ibig sabihin ng chick dyan. Natutunan ko yan kay Tito Jecko e. Wahaha.

“Ah, sige. Magalit ka narin sakin. Wala naman atang nagmamahal sakin e.” sumimangot ako kunwari pagka-upo sa kama kaya natawa siya.

“Ang drama mo. Gusto mo lang maka-kiss e.” Tinignan ko siya na kunwaring nandidiri pagkaharap niya sakin.

“Yak. Ano ba yang iniisip mga iniisip mo, Babe. Magbago ka na nga. Kababae mong tao, ganyan ka.” Natawa lang kami nun sa kalokohan ko. May yakyak pa kasi akong nalalaman, e gusto ko naman nun talaga. xD

“Wow ha? Paumanhin naman, Babe. I’m sorry. My apologies. Di ko sinadsadyang dungisan yang mura mong isipan.” Natawa lang kami nun tapos kainain ko na yung lasagna na niluto niya. Nagcutting pala siya nung nalaman niyang absent ako. Ang swerte ko no? Maganda na girlfriend ko, gagawin pa lahat makasama lang ako. xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon