Dirty Fairytale [#23]

18.2K 209 41
                                    

TWENTY THREE

  ________________________________________________________________________

                                “Now Playing: Grenade-Bruno Mars

                                         You should have known

                                    she was trouble from the first kiss

                                         had her legs wide open,

                                           why were they open?

                             P.S. I know you know what I mean, J. :>”

__________________________________________________________________________

Binasa ko ulit yung nakasulat sa likod ng picture. Taena, sigurado ako. Pinotoshop lang to nung kupal na J na yun. Asa naman kasing si Vivi to e. Kasi, kilala niyo naman yun diba? Mahawakan mo lang ng di sadya, katapusan na ng adam’s apple mo.

Kaya tama, di siya to. Ba’t naman siya kakandong sa isang lalake nang di tama? Tapos hinahalikan niya pa? Asa. Kung ako siguro yung lalake, baka pwede pa. Wahaha.

Kaso, di ako e. Tapos mukha lang ni Vivi yung malinaw sa picture. Pero parang pamilyar nga tong pic na to e. Di ko lang matandaan kung saan ko nakita.

Papasok na dapat ako ulit ng TLE room pero may narinig akong pamilyar na boses kaya sumilip ako.

“Sorry na, love. Twice lang naman talaga namin ginawa ni Alistaire yun e.Tapos dati pa yun nung break pa tayo.” Tinignan ko kung sino yung kausap ni Eron. Sht. Sila pala talaga?

“Whatever. Puro ka naman ganyan e. Sinasabi mong mahal mo ko pero di mo mapatunayan.” Iniwan ni Amanda si Eron pagkasabi nun. Parang nabadtrip naman si kupal na sinuntok yung pader. Wahaha. Tama yan, kups. Saktan mo sarili mo para wala ka nang kamay pang-ano.

Pangloko ng babae. Wahaha.

Habang pinagtatawanan ko si kupal nun, napansin kong palakad sakin si Amanda kaya nagmadali akong pumasok ng TLE room.

“Skype.” Sht. Lumingon ako nang naka-smile para di siya maghinala.

“Oi,di ka pa umuuwe?” nag-shake lang siya ng ulo nang pahindi tapos nagbye na. Ako naman, tumalikod na para pumasok ulit.

“Teka, Skype.” Napalingon ulit ako kay Amanda. Sht. Taena. Kala ko lusot na.

“Please don’t tell Vivi. Sasabihin ko rin naman sa kanya eventually e. Humahanap lang ako ng tamang time. ” Nag-smile ako dahil parang totoo naman yung sinasabi niya.

“Wag kang mag-alala. Ayoko rin masakan yun e. Pero ingat kay Eron a? Alam mo namang gago yun e.” parang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko.

“Oo nga e. Pero wala e. Mahal ko talaga.Ge na, Skype. Thank you.” Umalis na siya pagkasabi nun tapos saktong nakabalik na si Vivi.

“Ano yang hawak mo?” tanong ni Vi kaya napatingin ako sa picture sa kamay ko. Sht.

“Ha? Ano. Picture.” Umirap lang siya sa sagot ko tapos pumasok na ulit. Sumunod naman agad ako tapos nilagay ko yung picture sa bag ko.

Nung tapos nang ma-bake yung cake, pinaalis ako ni Vivi dahil secret daw yung isusulat niya sa cake. Hinayaan ko lang naman siya dahil alam kong “I love you, Skype.” yung isusulat niya dun. xD

Nagpunta ako ng CR pagkalabas ko para palambutin yung nanigas sa pantalon ko. Oo. May mga icing na natuyo sa pantalon ko kaya mali iniisip ng utak niyo. xD.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon