Dirty Fairytale [#21]

18.9K 213 36
                                    

TWENTY ONE

Tenkyu, Kuya Skype.”kinuha ni Loki yung robot pati lollipop na binigay ko. Andito ako sa bahay nila Ace ngayon para tapusin yung sculpture na ginagawa ko. Kasama kasi yun sa binabalak ko para kay Vivi sa birthday ko sa Sabado e.

“Welcome. Congrats ulit. Teka. Andyan na ba si Kuya Ace mo?” parang nabadtrip siya sa sagot ko. Sht. Kamuka na naman niya si Ace o. Wahaha.

“Oi, bakit? Ano na namang ginawa ni Kuya Ace mo?” di siya sumagot tapos umupo siya sa sofa.

“Alam mo, Loki.” Tumabi ako tapos inakbayan siya

“Ayaw ni Kylie nang di sumasagot sa tanong ni Kuya Skype.” napatingin siya sakin ng nakasalubong yung dalawang kilay.

“Weh. Pauso mo lang yun e.” natawa ako sa sinabi niya. Iba na talaga pag matalino kang bata e no? Yung magiging anak kaya namin ni Vivi ganto din? Ay, nevermind. Malamang ganto din sila. May halong pagmahahal kasi yung magiging paggawa namin sa kanila e. xD

“Ah, sige. Hanapin ko na kuya mo.” tumayo na ko nang siryoso pero hinawakan niya ko sa uniform. Kakagaling ko lang kasi ng school kaya nakauniform pa ko e. Di parin kasi ako makapaniwala na inaya akong mag-ALAM NA ni Vivi kanina kaya di pa ko umuuwe. Wahaha. Joke lang a? Baka sumbong niyo ko kay Vivi tapos putulan niya pa ko ng ANO.

Ng tweetybird. Wahaha. Pero teka. Di ako nangbabastos dito a? Nagjojoke lang ako. Sanay naman na kayo sa pagiging ganyan ko diba? Wahaha.

“Teka, Kuya Skype. Sasabihin ko na.” napa-smile ako tapos umupo na ulit sa tabi niya.

“E kasi ni-iinggit ako ni Kuya Ace sa gerpren niya e.” natawa ako kaya tinignan ako ulit ng masama ni Loki.

Di ko kasi maimagine si Ace nang nang-iingit e. Wahaha.

“Sus. Wag ka maiingit dun. Magiging kayo din ni Kylie paglaki niyo.” Sumimangot siya sa sinabi ko.

“E gusto ko ngayon na e. Paturo nga ako manligaw, Kuya Skype.” Lol. Iba na talaga pag may sibling rivalry yung magkapatid e no? Yung mga magiging anak kaya namin nila Vivi magiging ganto din? Sht. Sana hindi. Magiging riot kasi yun sa sobra nilang dami e. xD

“Oi, wag ganon. Wag kang manliligaw ng babae dahil lang naiinggit ka. Dapat pag nanligaw ka, dahil yun sa mahal mo talaga siya at di dahil sa kung ano pa.” Naks. Ang talino ko na naman pakinggan o. Ba’t ba di naririnig ni Vivi yung mga gantong alam ko? Dahil na naman sa mahal na niya ko? xD

Pero tama naman ako diba? Sabi nga ni Tito Jecko, “Ang tunay na lalake, di naglalaro ng puso ng babae. Ibang body part lang.” Wahaha. Hulaan niyo nalang kung anong parte ng katawan yun . Kamay lang kasi naiisip kong pwedeng paglaruan tulad ng ginagawa sa sawsaw suka e. Wahaha.

Alam niyo yung laro yun diba? O yung di pang-kamay na version nilalaro niyo? xD

“E pano ba nalalaman pag mahal mo na siya, Kuya Skype?” naisip ko agad si Vivi sa taong niya. Err. Pano nga ba? :|

“Basta, mararamdaman mo nalang yun pag malaki ka na.” Ginulo ko yung buhok niya tapos nagpaalam na kong magpupunta sa Art Room ni Ace.

Pagkapunta ko dun, naka-locked yung pinto kaya nagpunta muna ako sa kwarto ni Ace para kunin yung susi.

“Ouch. Wait lang, hun. It hurts e.” narinig kong sabi ni Zee sa tapat ng kwarto ni Ace. Sht. Kaya pala assignment yung tawag ni Ace sa ginagawa niya sa laptop nung isang linggo dahil dito. Lol.

“Relax lang, hun. Mawawala rin yung sakit maya-maya.” Sht ulit. Di ako makapaniwalang ganto si Ace. Nakakapanibago e. Minsan talaga kung sino pa yung inaakala mong wholesome, sila yung excited na mag-ALAM NA e. Wahaha.

“OMG. It’s so freakin' huge pala.” Umalis na ko sa tapat ng kwarto ni Ace pagkasabi ni Zee nun. Syempre, ayoko namang istorbohin sila dahil matagal-tagal din nilang pinagnanasaan yung isa’t-isa. Saka, paniguradong sandali lang din yan dahil wholesome na tao si Ace. xD

Habang naglalakad ako palayo, nadaanan ako ni Loki kaya tinignan ko siya. Hinawakan niya yung doorknob ng kwarto ni Ace tapos binukas niya. Sht.

Tumakbo ako papunta kay Loki tapos tinakpan yung mata niya. Yung magsyota naman, nakatingin lang samin nang nagtataka habang nakaluhod si Ace at nakaupo si Zee sa kama.

“Problema mo, pre?” tanong ni Ace habang hawak yung paa ni Zee. Sht. May sugat lang pala si Zee na malaki na ginagamot niya . Lol. Utak ko talaga o. Pero nakakaano naman kasi talaga yung pag-uusap nila diba?

“Wala. Sige. Tuloy niyo lang yan.” tinanggal ko yung pagkakatakip ko sa mata ni Loki tapos lumapit siya kay Zee.

“Ate Zee o. Sayo nalang.” May binigay si Loki na lollipop kay Zee. Nag-aww naman si Zee saka nagthank you na may kasamang yakap. Natawa nga ako dahil ang sama ng tingin ni Ace sa kapatid niya e.

“Teka pre. Peram susi ng Artroom mo.” Sabi ko bago pa magselos ng todo si kupal sa kapatid niya. Tumayo naman siya tapos binato sakin.

Pagkasalo ko, nagpunta na ko ng Art Room para tapusin yung ginagawa ko.

Kinabit ko lang yung parang balahibo tapos pinunturahan ko na. Nung natuyo na, tinesting ko kung na-popose. Ayos. Mas mamahalin na ko ni Vivi neto. xD

“Hey.” Napatingin ako kay Zee sa pinto. Nakabenda yung isang paa niya na medyo tinitingkayad niya.

“Oi, okay na paa mo?” nagsmile ako habang lumalapit siya sakin.

“Hinde, hinde. Baldadow na ako.” natawa ako nun sa kanya. Mga epekto talaga ni Jez sa tropa niya o. Wahaha.

“Just kidding. Anyway, para kay Vi to, right?” kinuha niya yung ginawa kong sculpture na na-popose. Tumango lang naman ako dahil di talaga kami masyadong close neto.

“Aww. Ang sweet mo talagang bf.” Binago niya yung position ng sculpture na parang tuwatuwa.

“Sus. Mas sweet nga si Ace e.” napasmile siya sinabi ko.

“I know, right? Pero honestly, I really didn’t expect you to do this para kay Vi. I mean, no offense a? Bastos lang kasi talaga pagkakakakilala ko sayo e.”tumawa siya. Awts. Ba’t ba lagi nalang ganun tingin sakin ng mga tao? Wholesome naman ako diba? xD

“Yun naman tingin niyo lahat sakin e.” umacting akong malungkot kaya natawa siya.

“Ano ka ba. I’m just kidding lang no. And besides, I really do believe na mahal mo talaga si Vi. I mean, it’s obvious naman e.” Yun o. Kung si Zee palang na di ko masyadong nakakausap, naniniwala na, pano pa kaya si Vivi nyan? xD

“Kung nangtritrip ka lang nga, sasabihin kita ng ‘Well played, bro.’ e. Pero I doubt it din naman. So.. yeah. Basta, Skype. Don’t break her heart huh?” nag-smile siya sakin.

“Sure. Basta din Zee, don’t break Ace’s heart huh?” natawa kami sa panggagaya ko sa kanya dahil mukha lang akong tanga.

Tapos nun, umalis na siya at nag-ayos narin ako para umuwe.

Sumakay ako ng bus tapos bumaba na.

Pagbaba ko dun sa harap ng ospital na malapit samin, may tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako.

Andun si Nica na naka-wig at may kasamang babae na may kausap sa phone.

“Oi, bata. May wig ka na din?” sabi ko dahil wala akong suot na cap ngayon at baka malaman niyang may buhok talaga ako.

“Opo, kuya Skype. Si Ate Mimi ko nga pala.” Nagsmile lang sakin si Mimi dahil may kausap siya sa phone. Kaya pala andito sa village si Kier nung nagpanggap siyang rapist kay Vivi dati. Dito sa ospital malapit samin nagpapagamot yung isang syota niya.

“Sige na, Mandz. Andito na sundo namin e. Gimik tayo tom a?” nag-bye na si Mimi sa kausap niya sa phone tapos nagbye din sila sakin.

Pagtapos nun, sumakay na sila sa kotse nila kaya umuwe na ako.

Pag-uwe ko, nahiga agad ako sa kama dahil napagod ako. Matutulog na dapat ako nun pero biglang tumunog yung phone ko.

1 MSG from Vivi Villanueva xD.

“Hoy Sky Peter. Wag ka munang uuwe bukas ha. Kundi, wala. Your loss.” Yun o.Sabi ko na nga ba e.

Sexcited din siyang maka-date ako e. xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon