Dirty Fairytale [#5]

28.7K 299 93
                                    

FIVE

“Ace, malayo pa ba tayo?” tanong ni Vivi habang naglalakad kami. Medyo malapit lang kasi yung bahay nila Ace kaya di na niya dinadala yung kotse niya e.

Teka pala. Kung nagtataka kayo kung ano yung makakapag-ano na sinasabi ko, makakapag-bonding yun. Di kasi kami talaga close ng mahal ko dahil ewan ko, pareho namin lihim na pinagnanasaan yung isa’t isa? xD

“Bakit, pagod ka na agad?” asar ko kay Vivi sa gilid ko. Saka ko lang nga napansin na parang kakaiba na siya maglakad. Sht.

“Teka. Nasaktan ka ba nung natalisod ka kanina?” tanong ko nang siryoso pero umirap lang siya tapos iniwan niya ko. Taena naman o. Ba’t di niya sinasabi? Ang ayoko sa lahat yung nasasaktan yung mahal ko sa kahit anong paraan e.

Sinundan ko agad nun si Vivi tapos hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya.

“Ano ba, bitiwan mo nga ako.” humarap siya tapos nung parang pipiglas siya, lumuhod ako para tignan yung ANO niya.

YUNG PAA. Wahaha. May iba pa ba? Lol.

“Ano ba, Skype. Umeepal ka na naman e.” di ko lang siya pinansin tapos tinanggal ko yung sapatos niya. Sht. Namamaga na yung taas ng paa niya. Err. Basta, yung parang buto na bilog. Lol. Di ko maalala tawag e.

“Ba’t di ka nagsasabi?” binalik ko yung sapatos niya tapos tumingin ako sa kanya.

“Pakielam mo?” Umirap ulit siya kaya binuhat ko siya nang pahiga. Err. Malabo ba? Basta, imagin niyo nalang ako yung prince niya at binuhat ko siya tulad nung mga nangyayari sa mga fairytale. Pero kung malabo parin, imaginin niyo na honeymoon na namin at binuhat ko siya para mag-ALAM NA. Wahaha.

“Hoy! Ibaba mo nga ako!” di ko lang siya pinansin nun tapos naglakad na ko hanggang sa makarating na kami sa bahay nila Ace.

Pagpasok namin, sinalubong kami ni Loki, batang kapatid ni Ace. 6 years old na ata to tulad ni Kylie.

“Hoy Kuya Skype! Anong ginawa mo kay Ate Vivi?” nilapag ko si Vivi dun sa sofa tapos ginulo ko yung buhok ni Loki. Parang matanda kasing nagsesermon e. Lol.

“Wala. Kinasal lang kami ni Ate Vivi.” Tumawa ako habang si Vivi naman, umupo nang maayos sa may sofa na parang badtrip na naman. Tsk. Pakituruan nga tong mahal ko tumawa sa mga joke. Ang seryoso lagi e. Lol.

“Eww. Wag ka maniwala diyan, Loki. Kinidnap niya si Ate Vivi.” sabi ni Vivi kaya tinignan ko siya nang natatawa. Taena. Kidnap? Asa. Kung rape siguro yan baka pwede pa. Wahaha. Joke lang. Di ako ganun. Naniniwala kasi ako na ang tunay na lalake, marunong magjak… stone habang naghihintay. Lol. Ang wholesome ko talaga, sht. xD

Inirapan lang ako ni Vivi nun kaya tumingin ako kay Loki. Sht. Kamukha niya si Ace habang magkasalubong yung kilay nang seryoso.

“Ano yung kipnad?” sabi ni Loki bigla kaya natawa kami ni Vivi. Ang bulol e. Kipnad amp. Wahaha.

Nagsalubong lang ulit kilay ni Loki nang sumimangot pa kaya nagpunta ako sa likod niya para sagutin siya.

“Eto yung kipnad.” binuhat ko siya habang nakatakip sa bibig niya yung isang kamay ko. Kinagat naman niya yung kamay ko tapos tumakbo siya kay Vivi. Taena. Ang saket a.

“Yan kasi, epal.” Tumawa si Vivi kaya medyo nabawasan yung sakit ng kamay ko. Ang ganda kasi talaga e. No match yung alaxan. Wahaha. WTF ba? Sisihin niyo ulit si Kier. Pauso niya din yan e. Lol.

Nakitawa lang ako nun sa kanila tapos kinuha ko yung Lollipop sa bag ko para ibigay kay Loki. Nagthankyou naman siya tapos pinabukas niya kay Vivi.

Dirty Fairytale [Completed]Where stories live. Discover now