Dirty Fairytale [#6]

25.6K 275 76
                                    

SIX

“Zee, fishball ka no?” sabi ko kay Kier na kunwari si Zee. Andito kami kila Ace ngayon dahil nagpapatulong yung kupal sa pagtanong niya ng panliligaw. Nasabi na kasi ni Vivi yung tungkol kay Kaizen at may sinet-up kaming date para sa kanila.

“Huh? Why naman?” natawa ako nun kay Kier kasi gayang gaya niya si Zee. Taglish kasi minsan magsalita si Zee dahil transferee galing US e.

“Kasi matagal na kitang gustong tusukin ng stick ko e.” binatukan kami nun ni Ace kaya tumawa kami ni Kier.

“Ayaw mo nun? Sige, yung kay Kier nalang.” Tumingin ako kay Kier nun na nag-siryoso na kunwari. Si Ace naman, umupo sa sofa sa harap namin.

“Zee, porn ka no?” sabi ni Kier na pinipigil yung tawa niya.

“Huh? Why naman?” natawa ako nun sa sarili ko dahil mukha akong tanga. Lol. Oo na.Wala na kong talent sa ganyan. Kasalanan ko ba kung iba talent ko?

Sumayaw a? Baka kung ano na naman iniisip niyo e. Lol.

“Kasi tuwing nakikita kita tumatayo yung-“ binato ni Ace si Kier ng unan kaya natawa kami. Censored kasi yung sasabihin ni Kier e. Wahaha.

“Pucha. Ang gagu niyo talaga.” Tumayo si Ace na halatang badtrip na kaya pinigilan ko. Wahaha. Pikon talaga neto.

“Joke lang. Eto siryoso na.” Sinenyasahan ko si Kier nun para dun sa isa pang kalokohan namin.

“Zee, papicture nga ng planking.” May inabot akong kunwaring camera kay Kier.

“Sure. Where do you want ba?” natatawa ako kay Kier pero pinigil ko.

“Sa ibabaw mo.” Pagkasabi ko nun, tumawa kaming dalawa. Nakitawa lang naman si Ace samin tapos dumating na si Vivi kaya natahimik kami.

“Anong kalokohan yung planking?” sabi ni Vivi tapos naupo siya sa tabi ni Ace. Magaling na nga yung pilay niya kaya natuwa ako e.

“Ha? Anong planking?” sagot ko na kunwaring walang alam.

“Whatever. So, ready ka na, Ace?” nagsmile siya kay Ace. Taena. May favoritism talaga tong si Vivi no? Di nagssmile sakin e. Lol.

Tumango lang si Ace nun na halatang kinakabahan tapos lumabas na kami para sumakay ng kotse niya.

Nung sasakay na kami, tumunog yung phone ni Kier kaya tinignan namin siya.

“Sht. Di na ko makakasama.” Sabi niya na parang nalungkot. Yun. Wala ng istorbo sa date namin ni Vivi. Wahaha.Teka. Wag na kayong pumalag a? Date din naman talaga namin ni Vivi to e. Yun nga lang, ako lang may alam. Wahaha.

“Bakit?” tanong ni Vivi pero di lang sumagot si Kier tapos umalis na. Taena. Humanda sakin to mamaya. Binastos yung mahal ko e. >:[

Pag-alis ni Kier, sumakay na kami ng kotse para magpunta dun sa mall. Ang alam kasi ni Zee, gimik yun ng tropa e. Pero set up lang talaga ng date nila ni Ace at date namin ni Vivi. xD

Habang nasa kotse kami, tahimik lang yung dalawa kaya naisip ko bigla si Kier. Teka. Di ko namimiss yung kupal a? Parang may problema kasi yun netong mga nakaraang araw e. Palagi kasing nagccuting tapos biglang nageemo pag nasa classroom. Pero oh well. Ang mahalaga, wala nang istorbo sa date namin ng mahal ko. xD

Pagdating namin sa may mall, pinapunta na namin si Ace dun sa may restaurant habang nag-CR naman kami ni Vivi. Teka.Utak niyo. Magkahiwalay kaming nag-cr. Di pa kasi kami e. Wahaha. Joke lang.

Pagtapos namin mag-cr, pinuntahan namin sila Ace na kumakaen na. Natawa nga ako dahil di sila nag-uusap e.

“Lapit tayo.” Sabi ni Vivi tapos nagsuot siya ng shades at umupo dun sa may mesa malapit sa dalawa. Sumunod naman agad ako dahil date nga namin to. xD

“So, wala na talaga sila?” tanong ni Zee kay Ace. Ang siryoso nga e. Parang kanina pa silang di nag-uusap.

“Wala.” Reply ni Ace na parang wala lang. Taena. Ang boring sumagot ng kupal no? Pustahan, mabubusted to o? Wahaha.

“Tara, let’s head home na.” tumayo na si Zee sa upuan niya. Taena. Pigilan mo, Ace! Sayang yung date namin ni Vivi e. Wahaha.

Tumayo lang din si Ace tapos dumaan sila sa table namin kaya yumuko kami ni Vivi.

“Shet. Ang fail ni Ace.” Sabi ni Vivi pag-alis nila tapos tumayo siya para sundan yung dalawa. Sumunod din naman ako dahil biten ako sa date naming dalawa. xD

Paglabas namin, biglang humarap samin si Zee kaya hinila ko si Vivi papunta sakin.

“Hoy. Anong ginagawa mo?”di ko siya sinagot tapos sinandal ko siya sa may pader. Medyo pumiglas naman siya kaya diganan ko siya ng onti para takpan.

“Teka lang. Andyan pa si Zee. “ bulong ko sa tenga niya para magmukha kaming magsyotang nagp-PDL. Lol. Mas ayos na yun kesa makita ni Zee diba? Saka, wala namang halong pangmamanyak yun e. Tawag ng pangangailangan lang talaga. Wahaha.

Nakaganon lang kami ni Vivi hanggang sa mawala yung dalawa. Nung nakalagpas sila, nagkatinginan kami sa mata ni Vivi tapos unti unting lumapit yung mukha namin sa isat isa.

“Nice.” Napatingin kami dun sa nagsalita tapos tinulak ako ni Vivi palayo. Taena. Panira o. First kiss na namin ni Vivi yun e. >:(

“Teka, hun.” Hinabol ni Vivi si Eron kaya sumunod ako hanggang sa sumakay yung kupal sa elevator.

“F. Kasalanan mo to Skype e!” sabi ni Vivi sakin nang galit tapos nagdial siya dun sa phone niya .

Taena. Ba’t ba masyado niyang mahal yun? Kaya di ko masabi yung nalaman ko kay Eron nung isang araw e. Ayoko kasing makita siyang nasasaktan.

Nanahimik lang ako nun hanggang sa tinago na ni Vivi yung phone niya dahil parang di sinagot ni Eron. Tapos nun, naglakad siya papuntang hagdan kaya sinundan ko agad para pigilan yung braso niya.

“Wag mo nang sundan yun.” Nagalit lang yung itsura niya sa sinabi ko tapos pumiglas siya pagkahawak ko.

“Taena, Vivi. Hanggang kailan ka magpapaloko dun?”sabi ko pagtalikod niya.

“Anong sinasabi mo?” humarap siya sakin na parang iiyak na. Aww. Sasabihin ko ba? Taena. Bahala na nga.

“Naalala mo yung pang-hack ni Ace? Ginamit namin kay Eron yun tapos-” Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil umiyak na siya nang tuluyan.

“Liar.” sabi niya tapos bumaba na siya ng hagdan at iniwan ako.

Taena. Sino may scotchtape diyan?

Wasak na naman tong puso ko e. :(

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon