Dirty Fairytale [#26]

17.9K 217 52
                                    

TWENTY SIX

Pinasok ko si Vivi sa loob ng semen.....teryo. xD

Dadalawin ko kasi yung Mom ko dahil dito siya nakalibing e. Kaso natatakot si Vivi kaya pinilit ko siyang ipasok dito.

“Ano ba kasing gagawin natin dito?” tinignan ko yung girlfriend ko. Taena. Ang sarap sabihin na girlfriend ko siyang totoo o.Iba na talaga pag wholesome kang tao e. Nagkaka-girlfriend ka na ng sobrang ganda, sobrang mahal ka pa. xD

“Wag ka mag-alala Babe, wala tayong gagawing di dapat dito.” Binatukan niya ko sa joke ko. Tsk. Pinapatawa ko lang siya e. Sabi kasi ni Ace effective daw yun pag natatakot ka e. Pero dahil palpak yung sabi niya, yung sabi naman ni Kier i-ttry ko.

“Nood muna tayo, gusto mo?“ nilabas ko yung phone ko habang hawak yung roses para sa Mom ko sa kabilang kamay.

“Ng horror dito? Tara, break na tayo.” natawa ako nun sa pag-irap niya tapos tinago ko yung phone ko para pigilan siya. Sasabihin ko na sanang wholesome na porn yung papanoorin namin kaso may tumawag bigla kay Vivi.

“Tito Pete? Ano pong ginagawa niyo dito?”tinignan ko yung pamilyar na kausap ni Vivi. Err. San ko nga ba nakita to?

"Wala, iha. May dinalaw lang akong kaibigan. Pakisabi nga pala kay Eron, ihatid ka ng maayos a?” Ah, oo. Eto yung daddy ni Eron. Wala kasing salamin kaya parang iba itsura e. Pero teka. Anong hatid yun? Matagal na silang break ng kupal na yun a? >:[

“Sige po. Ingat.” Umalis na yung daddy ni Eron na parang malungkot. Ako naman, naglalakad na para puntahan yung libingan ng Mom ko.Nabadtrip kasi ako sa pagpayag ni Vivi na ihatid siya ni Eron e.

“Skype, teka.” Humabol siya sakin pero di ko lang pinansin. Gara e. Ako boyfriend niya tapos si Eron maghahatid sa kanya? Taena. Akin lang dapat siya diba? >:[

“Babe, teka.”napahinto ako sa sinigaw niya. Ang sarap kasing pakinggan ng ‘Babe’ galing sa kanya e. xD

“Nagseselos ka ba?’ tinignan ko siya nung kumapit siya sa braso ko. Taena. Pinagtawanan pa ko.

“Ayos lang.” Sagot ko nang siryoso para i-kiss niya ko.xD

“Ah. Okay. Wait lang.? Papahatid lang ako kay Eron.” Pinigil niya yung tawa niya. Taena. Asan na yung kiss ko? Tsk. Teka. Alam ko na.

“Diyan ka na nga!” umalis ako ng badtrip kunwari. Di naman siya sumunod na parang iiyak pa. Aww. Wala namang ganyanan. Ang ayoko sa lahat yung iiyak siya dahil sakin e.

“Oo na, Babe.” napatingin siya sinabi ko.

“Nagseselos na ko.” nilapitan ko siya pero malungkot parin itsura niya.

“Nagseselos ako dahil gusto ko ako maghahatid sayo.” Umiwas ako ng tingin pagkasabi nun dahil parang nag-init yung mukha. Taena. Ba’t ba ang babaw ko magselos?

“OM, Babe. Ang gwapo mo, mamula!” tumawa siya. Tsk. Gumaganti lang pala ng acting. Pero teka. Sinabi niya bang gwapo ko? Sht. First time yun a. Iba na talaga pag kayo na ng mahal mo no? Daming nangyayaring first time e.

Na wholesome. xD

“Ha’?” tanong ko nang siryoso para ulitin niya. Parang namula naman siya bigla.

“OM, Babe. Ang ganda mo, mamula!” Natawa kami sa panggagaya ko sa kanya. Mukha lang kasi akong tanga e. Wahaha.

“Baliw. Pero wait lang. Wag ka na magselos kay Eron. Palusot ko lang naman yun para makasama dito e. Di kasi papayag si Dad pag di yun alam niyang kasama ko.” Ah. Kaya pala. Sabi na sakin lang siya magpapa-ANO sa gabi e.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon