LARGE HADRON COLLIDER

Start from the beginning
                                    

Tumango lang si Miguel at sinundan niya ang mga yapak ni Felesia. Hindi na siya nakapagmasid sa labas ng laboratory dahil mabilis silang nakapasok sa loob ng lab. Puti ang kulay ng mga dingding nito na mayroong mga telebisyong nakakabit na may pinapakitang mga DNA structures at iba pang mga science symbols na hindi mawari ni Miguel dahil kakaiba ito sa mga karaniwan niyang napag-aaralan.

Makikita rin sa kinaroonan ni Miguel ang iba't ibang silid, na may glass panels, nasa loob nito ang mga scientist, na kaharap ang isang apparatus at computer.

Deretsong lumakad sina Miguel at Felesia sa isang blue carpeted hallway na mayroong naka-embroidered na logo ng CERN. Maya-maya'y isa-isa na nilang dinadaanan ang mga puting pinto na may mga numero na maihahalintulad sa isang hotel.

Huminto si Miguel at Felesia sa kwartong may naka sulat sa pintuan na 112.

Nang buksan ni Felesia ang pinto, ay tumambad kay Miguel ang isang puting silid, mayroon itong queen sized bed sa gilid. Makikita mo rin ang isang lababo na yari sa puting tiles, at nakapatong sa counter top ang isang electric gas stove at sa tabi nito ay mayroong isang cabinet na kulay puti.

"Ito ang magiging kwarto mo, during your stay here at CERN," saad ni Felesia, na ikinabigla ni Miguel.

"Nagtatagalog ka?" pagtatakang tanong ni Miguel.

Binigyan ni Felesia ng isang tipid na ngiti si Miguel. "Oo, konti lang naman. I'm half Filipino, half German. Okay ba yung tagalog ko?" saad ni Felisia.

Tumango naman si Miguel na nakapagpangiti kay Felesia.

***

Sa ika-29 na Setyembre taong 2004 ay naganap ang ika-apatnapung taong anibersaryo ng CERN. Hindi ito gaanong magarbo, may konting salo-salo lang sa isang malaking silid na tinatawag nilang meeting room; ang room ay yari sa isang tin-like metal surface at napapalibutan ito ng mga computers and laboratory equipments na itinabi upang magbigay daan sa mga cocktail tables na gagamitin sa salo-salo. Makikita mo rin sa kisame ang mga naglalakihang iba't ibang kulay na kable na nakakabit ang mga dulo sa ding-ding na tila wala itong katapusan.

"Those are all power transmitters if you're wondering," saad ng isang babaeng tinig.

Nabigla si Miguel nang may magsalita sa kaniyang tabi, kanina pa kasi siya nakatingin sa mga wires. Nang balingan niya ang nagsalita, ay nakita niya si Felesia na may hawak na wine glass na mayroong red wine sa loob. Nakasuot si Felesia ng pulang bistida na sleeveless na bumagay sa maputi nitong kompleksyon, nakapusod din ang buhok nito at walang suot na salamin.

Akma na sanang magsasalita si Miguel ngunit nakita nilang umakyat sa stage ang Director ng CERN, upang magbigay ng mensahe.

Nag mic-test, muna ang lalaking director bago simulan ang kaniyang speech, nakasuot ito ng itim na business suit, na binagayan ng kulay asul na necktie. Blonde ang buhok nito at kulay asul ang mga mata. Sa tantya ni Mike ay hindi pa ito gaanong matanda ngunit may katabaan ito na halatang-halata sa kaniyang kasuotan.

Natigil ang mga nag uusap-usap sa paligid. It was a complete silence.

"Good evening everyone," saad ng Director, sabay taas ng kaniyang bote ng wine. "Well, I hope everyone is having a good evening like me," may halong pagka sarcasticong sabi ng Director. "First of all, I would like to thank you for accepting our invitation. But I also again wanted to invite your cooperation of a certain big project that we've been planning for almost 10 years now," saad ni Director.

Everyone is listening to the director, like it's the most wonderful thing in world.

On the other hand, Miguel and Felesia are also listening attentively in the background.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now