The Bitchy Teacher

6.9K 77 2
                                    

A/N:

Hi! This is my another story. Pinost ko dito yung simula para do'n sa mga interesado at para na rin magkaroon kayo ng idea about sa next story ko. Sana basahin niyo. Thank you. Punta lang kayong profile ko then click niyo yung 'The Bitchy Teacher'. I love you all. ❤️

Ps: Sinimulan ko sa Chapter 3 mga bess. Basahin niyo na lang yung simula pag na-add niyo na sa mga library niyo o reading list niyo ang The Bitchy Teacher. Thank you.

---

CHAPTER 3: KID

"Ilang taon ka na dito?"

"Po?" gulat na tanong ni Evelyn nang tuluyan na niyang iniangat ang tingin sa akin.

"Ilang taon ka ng nagta-trabaho dito?" ulit ko habang pinagkrus ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib. Wala na ang pagkunot ng aking noo. Tanging seryosong ekspresyon na lamang ang iginawad ko kay Evelyn.

"A-anim na taon na po miss"

Napatango naman ako sa sagot nito at muling nagtanong.

"Matagal ka na pala rito. So ibig sabihin, hindi ka na rin siguro bago pagdating sa ikinikilos ng mga taong masyadong matataas ang lipad, right?"

"Hah? A-ano pong ibig niyong sabihin miss?"

"Anong karapatan nila para magpakitang gilas sa school na'to. Tsk. The higher they fly, the harder they fall" I mumbled.  Pero agad ko ring binalik ang atensyon kay Evelyn. "Soon, you'll know" sagot ko sabay ngisi.

Nauna na akong naglakad kay Evelyn patungo sa isa sa mga abandunadong gusali habang siya ay nagtataka pa ring nakatunganga mula sa kanyang pwesto.

Ngunit ilang sandali lang ay nagmamadali na itong sumunod sa akin.

Tanging tunog ng aming takong ang maririnig sa pasilyo ng isa sa mga abandunadong gusali. Masyadong malamig sa pakiramdam ang paglalakad lamang dito dahil sa sobrang katahimikan ng lugar. Ngunit agad rin akong napahinto nang may marinig akong mga ungol mula sa isa mga kwarto ng abandonadong gusali.

Agad kong tinignan ang nakabukas at medyo nakauwang na pinto ng kwartong iyon bago tumingin kay Evelyn at kinunotan ito ng noo.

"M-miss, t-totoo po talagang walang nakakatrespass dito. Tanging ang mga matataas lamang po ang posisyon dito sa Imperial ang nakaka-access ng mga susi sa mga a-abandoned buildings" sagot ni Evelyn sa mahinang boses habang namumutla ito sa ginawa kong pagtitig ng matalim sa kanya.

Nang marinig ko iyon, muli kong ibinalik ang tingin sa nakauwang na pinto at sinenyasan si Evelyn na tumahimik.

Dahan-dahan akong nagpunta roon at tinignan kung sino ang naroroon sa loob.

Lalong lumakas ang mga ungol na tila nangagaling sa babae kaya lalong nangunot ang aking noo. Pagtingin ko sa maliit na uwang ng pinto, tumambad sa akin ang dalawang taong nagsisiping sa ibabaw ng mesa.

Nakarinig ako ng mahinang singhap sa aking gilid kaya agad kong tinignan si Evelyn na ngayon ay nakatakip na ang kanyang bibig habang nanglalaking matang nakatingin sa dalawang taong 'yon.

Muli akong tumingin sa dalawa bago muling ibinalik ang tingin kay Evelyn.

"Do you know them?" I asked.

Sunod-sunod itong tumango at ibinaling na sa akin ang tingin.

"M-miss, yung babae po ay teacher dito sa Imperial. Isa po siya sa mga professor sa performing arts school. Habang 'yung l-lalaki naman po ay ang treasurer d-dito" sagot ni Evelyn sa mahinang boses.

Agad akong napatingin sa dalawang patuloy pa rin ang pagsisiping habang palakas ng palakas ang kanilang mga ungol. Napangisi ako.

Tignan mo nga naman, hindi pa ko nag-uumpisa, mayroon na agad akong pagkakaabalahan. Interesting.

"Hand me your phone"

"P-po?"

"I said hand me your phone" ulit ko sa matigas na tono.

She hesitantly handed the phone to me.

As soon as I got hold of the phone, I opened the camera app then I clicked the video mode.

Hindi na ko nag-abala pang magpaliwanag kay Evelyn at basta na lamang itinapat ang camera sa dalawang patuloy pa rin sa pagsisiping.

Nang matapos sila, agad ko ring in-stop ang video bago ko ibigay muli ang phone ni Evelyn sa kanya.

"Keep it for now. When the time is right, I will use it" I said before I left.

---

Agad kong pinatay ang makina ng aking kotse pagkatapos kong pumarada sa parking lot ng mall.

Kailangan kong bumili ng iilang gamit para sa magiging opisina ko sa Imperial. Kahit na sabihing kumpleto naman na ang mga kailangan ko doon, may mga ilang gamit pa rin akong kailangan bilin tulad na lang ng coffee maker. 

Madalas akong magkape habang nagta-trabaho kaya kailangan ko talaga 'yon.

Pagkababa ko ng kotse, agad kong isinarado at ni-lock ang pinto nito.

Nakakailang hakbang palang ako palayo sa aking sasakyan, nang makarinig ako ng malakas at sunod-sunod na singhot.

Napahinto ako at napatingin sa katabi kong kotse.

Ngunit ng walang akong makitang tao do'n, napailing na lamang ako at tinanggal ang suot na salamin.

Maglalakad na muli sana ako ng makarinig akong muli ng mga singhot at maramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa likod ng kotseng katabi ko.

Agad akong tumingin roon ngunit agad ring nagtago ang taong 'yon sa likod ng kotse.

Kumibit agad ang labi ko ng makita ang ginawa ng taong 'yon. Kaya agad akong naglakad papunta roon at tumambad sa akin ang isang maliit na batang lalaki na sa tantya ko ay nasa edad apat o lima.

Nakatingin ito sa akin na parang natatakot habang mayroon pa ring luha ang mga mata nito.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang batang paslit lamang ang tumitingin sa'kin kanina. Kaya agad akong pumantay sa tangkad nito at guguluhin ko na sana ang kanyang buhok nang bigla itong lumayo sa akin bago ko pa tuluyang mailapat ang aking kamay sa kanyang ulo.

Halatang-halata ang takot sa kanyang mukha kaya, hindi ko naiwasan ang matawa ng bahagya. Agad ko ng ibinaba ang aking kamay na dapat guguluhin ang buhok nito.

"Hey kid, where are your parents?" I asked.

Hindi ito sumagot at patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin.

"I said kid, where are your parents?" ulit ko ngunit hindi pa rin sumagot ang bata.

Napahinga ako ng malalim dahil roon.

Tumayo na ako dahil ramdam ko ang pangangalay ng aking binti. Pero dahil sa simpleng ginawa ko, nakita ko agad ang pagpanic ng bata kaya agad itong humawak sa kanan kong kamay.

Tinignan ko ito at nakita ko ang pag-iling nito habang lumuluha na naman ang kanyang magagandang mga mata.

"Why?" tanong ko habang nakatingin sa maliliit na kamay nitong nakahawak sa akin.

Akala ko ay magsasalita na ang batang lalaki ngunit bahagya akong nagulat ng makita itong nagsign language.

'Don't leave me here. I'm scared'-ani ng bata sa sign language.

My Babies (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang