#1

22K 408 3
                                    

EDWIN'S POV

"Fucking idiot!" kwelyo ko sa lalaking nasa harapan ko. "Paano ka naloko ng dalawang bata hah!?" pagpapatuloy ko sa galit na tono.

"I-I'm sorry sir. B-binantayan ko po silang maigi. Ngunit h-hindi ko akalaing iisahan ako ng dalawang anak ninyo upang makatakas" he replied.

"Fuck your excuses! Ang gusto ko lang ay ang mga anak ko. Kaya umpisahan mo na ang paghahanap sa kanila or else...I'll kill you" utas ko at binitawan siya.

"Y-yes sir" he answered.

"Pakisabi kay Ms. Perez na i-cancel ang lahat ng meeting ko ngayong araw. Hahanapin ko rin ang mga anak ko" utos ko saka umupo sa swivel chair at hinilot ang sintido.

"Y-yes sir" Kentaro said then left.

Napabuntong hininga ako at ipinagdikit ang dalawang kamay.

What should I do with my kids?

Lagi na lang silang nawawala sa ganitong pagkakataon. Papaano na lang kung makidnap sila ng ibang mafia at gawin pang pa-in laban sa akin. Hindi ko yata kaya iyon. Sila nalang ang natitirang alaala ni Cleo sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang police station na malapit sa kompanya. Baka kasi may report sila tungkol sa mga anak ko.

[Hello]

"Any report?"

[Oh ikaw pala Mr. jimenez! Bakit nawawala na naman ba ang mga anak mo?]

"I said any report?!"

[A-ah eh. W-wala po Mr. Jimenez. Wala pa po kaming nakukuhang report tungkol sa mga anak niyo.]

"Tawagan mo ko kung meron" Then I turn off my cellphone.

Tumayo na ko sa kinauupuan at lumabas na ng aking opisina.

Pagkalabas, sumakay kaagad ako ng elevator at hindi na pinansin ang tawag ng secretary ko.

Wala akong oras para sa mga sasabihin niya. I need to find my kids immediately. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila dahil sa walang kwenta nilang taga pagbantay.

Lumabas na ko ng elevator at mabilis akong nagpunta ng parking lot.

Mabilis na sumakay ako sa lamborghini at kaagad itong pinaharurot. Sa gitna ng pagmamaneho, tumunog ang cellphone kong binuksang muli at agad na sinagot ang tawag.

"What?!" salubong ko sa kabilang linya.

[Sir, meron na pong balita tungkol sa mga anak niyo. Nandito na po sila ngayon sa police station na malapit sa kompanya kasama ang nakakuha sa kanila] Kentaro answered.

"Sabihin mo papunta na ko dyan" I said. "Then give the reward" at saka ko mabilis na pinatay yung cellphone ko.

Matulin kong pinaharurot ang kotse papunta sa police station.

---

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wag kayong aalis sa tabi ni Kentaro?! Papano na lang kung napahamak kayo!?" naiinis kong utas sa dalawa kong anak.

"K-kasi daddy, we want to find lang naman po si mommy eh" sabi ni Ayesha habang umiiyak.

"What?! Ano ba kayo? Diba sinabi ko na sa inyo na wala na ang mommy niyo. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin iyon sa inyo?" naiinis ko paring sambit.

"No! Nakita namin siya daddy. Buhay si mommy, buhay po siya. Maniwala po kayo" Lucas said.

Napabuga ako ng hangin at pagod na tumingin sa dalawa kong anak.

"Lucas, Ayesha, listen. Ang mommy niyo ay wala na. Matagal ng wala. Hindi na siya babalik sa atin kahit kailan. Naiintindihan niyo ba? Baka nag-hahalucinate lang kayo. Hindi siya pwedeng mabuhay ulit dahil matagal na siyang patay. Okay?" I explained to them habang pinapantayan ang kanilang tangkad.

Right. Patay na ang asawa ko, Si Cleo Ferrer-Jimenez. Namatay siya nung araw na iniwan niya kami para pumunta sa America.

Namatay siya dahil sa car accident. Sumabog 'yong kotse na sinasakyan niya kasama na rin ang driver niya.

No'ng araw na'yon, kasabay ng pagkasabog ng sinasakyang sasakyan ni Cleo, ay ang pagkasabog rin ng mundo ko.

It hurts. Really fucking hurts.

But...that was four years ago. Matagal na 'yon at matagal ko na rin iyong binaon sa puso at isipan ko.

"No, daddy. Mommy is not dead. I saw her with my two eyes. Nakita namin siya daddy" kulit ni Lucas.

"I agree" dagdag ni Ayesha kaya napakunot-noo ako at inis na tumayong muli.

"Kids stop! Stop this nonsense! We're going home. Marami pa kong gagawin" inis kong utas at pwersahang hinawakan ang magkabilang kamay nila para isakay sa kotse.

"No daddy! We need to find mommy!" Lucas said.

"Daddy please? I want to see my mommy." Ayesha cried.

"No" matigas kong sabi at pinilit silang ipasok sa kotse.

"I-i hate...you...daddy!" utas ni Ayesha habang tumutulo ang mga luha nito sa pisngi na siyang agad kong pinunasan.

"Same here" sang-ayon ni Lucas at seryoso akong tinitigan.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi ng anak ko at sinumulan ng paandarin ang kotse.

Habang nagda-drive ako malapit sa eskwelahang pagmamay-ari ng pinsan ni daddy, biglang nagsalita si Lucas at Ayesha.

"Wait daddy, stop the car!" sabi ni Lucas.

"Yeah daddy, stop the car. We saw mommy, look!" sang-ayon naman ni Ayesha.

Muli akong napakunot-noo at ini-stop yung kotse sa gilid ng kalsada na katapat ng mga nagtitinda ng street foods.

Tumingin agad ako sa direksyon na itinuro ni Ayesha kung nasaan 'daw' yung sinasabi nilang mommy at ganoon na lamang akong nagulat sa nakita.

Impossible. She's dead. How come she's...alive?

Malamig ang mga kamay kong binuksan ang pintuan ng kotse at pinagbawalan ang mga anak ko na lumabas ng sasakyan, bago ako lumapit sa taong binaon ko na sa limot matagal na pahanon na.

My Babies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon