#2

20.7K 405 15
                                    

#2

MARICAR POV

"Hey bekle, sama ka samin?" tanong ni Jopet, yung kaibigan kong beki.

"Saan na naman yan huh?" tanong ko sa kanila. Kasi last time na sumama ako sa kanila eh napunta kami sa bar. Nako! Sobra silang nalasing nun tapos ako lang ata ang hindi lasing sa kanila nun dahil hindi naman ako uminom.Tapos nahirapan pa kong iuwi sila sa kani-kanilang bahay kaya ayun! Anong oras na kong umuwi sa bahay. Napagalitan pa ko ng tatay at nanay ko. =___=

"Hay nako bekle, wag kang mag-alala hindi na tayo sa bar pupunta dahil baka mapagalitan pa ulit  ako ni mudrakelz. Kalerki!" sambit ni Jopet.

"Oh san nga yun?" tanong ko ulit.

"Dyan lang sa labas ng school. Mag-fu-food trip lang tayo" this time si Ella na yung sumagot. Isa ko pang kaibigan.

By the way, Ako nga pala si Maricar Farrell, 19 years old at 4th year college na dito sa J. Academy. Yung kinuha kong course ay Mass Communication. Wala lang, gusto ko lang maging susunod na Pia Guanio, idol ko iyon eh. =D

And bago ko makalimutan, scholar rin ako dito dahil this a private school kaya masyadong mahal ang tuition fee.

At kaya ako nakakuha ng scholarship dahil naperfect ko yung entrance exam para sa college. Tapos ayun, may nag-alok sakin na magkaroon ng scholarship kaya pumayag naman na ako. Ang totoo niyan, kaya naman namin bayaran yung tuition fee ng school na ito dahil may kaya naman ang pamilya namin pero naisip ko rin na malaki ang maitutulong ng scholarship na yun sa magulang ko kung tatanggapin ko diba?

Kaya hindi na ko nag-dalawang isip na kunin yung scholarship. Bale 4 years na rin akong nag-aaral dito sa J. Academy at 4 years ko na ring kasama tong tatlo kong kaibigan na sila Jopet, Ella, at Aika.

Masaya naman silang kasama at minsan rin kapag may problema ako lagi lang silang nandyan para sakin. Kaya kahit loko-loko yang tatlo yan, mabait at maaasahan mo pa rin sila pero hindi nga lang halata. XD

"Oh sige-sige. Lika na!" sabi ko sa kanila matapos kong ayusin yung gamit ko. Uwian na kasi kaya pwede na kaming mag-lakwatsa pero dafuq? May pinagawang project yung professor namin sa Math. Hayyy ka-stress! Nasisira ang beauty ko.

Hindi pa naman ako pwedeng hindi gumawa dahil isa kasi ako sa humahabol sa rank 1 kaya hindi talaga pwede na hindi ako gagawa. Ouch, ang saklap. >___<

Lumabas na kami ng academy at pumunta dun sa mga side vendors na nagtitinda ng dirty ice cream, mani, fishball, barbeque, at marami pang iba. Lumapit kami dun sa nagtitinda ng buko shake at bumili nun. Habang iniinom ko yung buko shake ko, biglang kinilig si Jopet kaya kamuntik ko ng maibuga yung buko shake kayla Aika. Fuck. Ano ba yun?

"OhMyGee! Oh. My. Gee! Ang gwapo!" hindi mapakaling sambit ni Jopet. Hay nako, mga bakla nga naman oh. Makakita lang ng gwapo, hindi na mapakali. -___-

"Shutanginerns, oo nga. Ang yummy" sang-ayon ni Aika.

"Trulalu! At ang hot pa!" sang-ayon rin ni Ella. Sino ba yun?

Napatingin ako sa tinutukoy nilang lalake, at ganon na lamang ang panglalaki ng aking mga mata nang makita ko ito. Shems! Ang gwapo nga. (^///^)

Kahit sino naman siguro ang makakakita sa kanya, mapapatingin ang mga ito at ma-iinlab kaagad sa taglay nitong ka-gwapuhan , diba?

"Shet. Papalapit siya dito mga bekle. Tignern niyo nga kung maganda akez" malanding sambit ni Jopet. Napaikot na lamang ang mga mata ko ng sabihin niya iyon at di sinasadyang nagtama ang mga mata namin nung gwapong lalaki. Lalong nag-init ang aking mga pisngi kaya kaagad kong iniwas ang tingin sa kanya.

My Babies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon