Orange's POV

26 2 0
                                    

Orange's POV

Marunong ako magtago kapag may crush ako. Kung sa kalungkutan hindi pero pag crush natatago ko.

"May crush ka na ba?" Sinabi ng kaklase ko na katabi ko kumakain.

Sinagot ko siya ng tanong.

"Bakit mo naman natanong yan?" 

Napansin ata nila na mahiyain ako sa mga gantong tanong dahil napatawa sila nung lumiit boses ko sa pag reply.

"Ano ka ba! Kilangan mo pa ba tanong yan!" Tapos sabihin ito ng kausap ko may isa pa nagsalita sa table na kinakainan namin.

"Ang ganda mo kaya," At may nagdagdag pa ng iba.

"Sobrang saya mo rin kasama."

Hindi ako naniwala sa kanila dahil mga kaibigan ko ito. Minsan sa sobrang bait hindi totoo yung nasasabi. Pero kahit hindi ako naniwala sa sinabi nila nahiya pa rin ako.

"Marami may crush sayo kaya kilangan namin malaman sino crush mo!"

Bigla na lang tumahimik yung buong table at tumingin lahat sa akin na parang naghihintay ng sagot.

Matagal na nangyari ito pero parang dinadalaw ulit ako ng tanong. Sinabi ko sa kanila na hindi ako interesado kahit kanino. 

Nangyari ito dati bago pa nagka fair sa school. Bago pa ako pinakulong sa Jail Booth ng hindi ko kakilala. Bago pa ako tinulungan ni Jon Eve.

Si Jon Eve...

Tumulong siya sa akin nung malungkot ako. Siya lang nakatulong kasi siya lang nakaintindi ng dinaanan ko.

Tapos ngayon pinoprotektahan niya ako sa dalawang dating nag bully sa akin. Kahit sa tingin pa lang malakas yung dalawa tumakbo pa rin siya sa harapan nila para tigilan.

Bakit niya ginawa lahat ito?

"Jon Eve? Ikaw ba yan?" Bigla na lang nag salita yung isang babae na kasama rin ng dalawang nag bully sa akin.

Hindi ko siya kilala pero mukang kilala niya si Jon Eve.

Tapos nito bigla na lang niyakap ng babae si Jon Eve.

Uulitin ko sinabi ko. Marunong ako magtago kapag may crush ako. Kung sa kalungkutan hindi pero pag crush natatago ko.

Pero hindi ko alam kung kaya ko itago kapag nag seselos.

Dead KidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora