Chapter 2 - Part 3

41 2 1
                                    

Tumakbo si Orange sa school building habang sumunod ako.

Nakatago muka niya sa loob ng hoodie kaya walang nakakakita na umiiyak siya.

"Hindi ko maintindihan..."

"Bakit pa rin siya malungkot?"

"Tinago niya yung totoong nararamdaman niya..."

"Pero... Bakit?"

Maraming tanong pumasok sa loob ko habang tumatakbo ako.

Tumagal na ng unti at hinihingal na ako. Hindi ko siya nahabol dahil mas athletic siya sa akin. Nawalan na ako ng hangin kaya na pa dapa ako hingal na hingal. Habang nagpahinga ako narinig ko ang usapan ng dalawang estudyante. Hindi ako mahilig mag eavesdrop kaya hindi ko dapat papansinin sila pero nung narinig ko ang panglan ni Orange sa usapan hindi ko matiis kundi pakingan.

 "Sabi niya daw na bullied siya last time, pero masaya na siya ngayon kaya wala na problema, haha." Sabi ng isa.

"Hmm... oo nga, binigyan ko siya ng advice para doon, pero parang walang nang yari." Sagot ng isa.

Sandali... 

Hindi niya lang sa akin sinabi na na bully siya, sinabi niya rin sa iba...

Ibig sabihin mali ako...

Hindi ko siya natulungan.

Pero... bakit malungkot pa rin siya?

Hindi nasagot tanong ko.

Tapos noon may naalala ako na sinabi sa akin ng kakilala ko dati. Hindi ko alam kung bakit ko naalala sa ganitong oras pero bigla na lang lumabas sa ulo ko. Nakalimutan ko na rin panglan ng nagsabi sa akin pero ang sinabi niya ay "Minsan kilangan mo lang tignan sarili mo para maintindihan ang iba." Hindi ko naintindihan noon pero parang meron na ako idea.

Teka...

Ganoon nga ba? Kung ganoon nga edi...

Alam ko na kung bakit hindi pa siya masaya.

Tumakbo ako at tumakbo, hindi ko na maramdaman katawan ko sa sobrang pagod. Pero ang pag iisip na mapapasaya ko na ulit si Orange ay ang rason na hindi ako tumitigil. 

Malapit na ako sa dulo ng hallway kung saan nakalagay ang storage room. Parehas na storage room kung saan ginaganap ang Jail Booth. Pero wala ngayon dahil school hours at bumubukas lang kapag tapos na ang school day, kagaya ng fair.

Nakita ko nakabukas ng unti ang pintuan sa storage room kaya hinula ko na pumasok si Orange doon.

Dead KidWhere stories live. Discover now