Chapter 2 - Part 5

29 3 0
                                    

Hindi ko na kailangan sabihin na nag skip kami ng classes. Wala kaming ibang plano kung hindi sabihin na lang yung totoo sa teachers. Napansin nga nila na parang malungkot si Orange pero binaliwala nila yun nung bumalik na sa normal si Orange sa sumunod na araw. Ngunit totoong malungkot pa rin siya noon.

Pinapunta nila si Orange sa Guidance counselor at pinahintay ako sa labas. Tapos na ang klase at kanina pa nag dismissal. Habang naghihintay ako pinagisipan ko ang lahat na ng yari.

Una malungkot si Orange dahil meron nag pa Jail Booth sa kanya na hindi niya kilala. Pero takot lang talaga siya na asarin ulit dahil inasar siya sa dati niyang school.

Sandali....

Sino nga ba nag pa Jail Booth sa kanya?

Nung tinanong ko ito sa ulo ko bigla bumukas yung pintuan ng Guidance Counselor. Nakita ko si Orange lumabas sa pintuan habang nag strech ng kamay niya pataas. Tapos nito nag yawn siya ng malakas.

"Tapos naaaa" Sinabi niya na may kasamang pagod.

"Ang tagal mo naman" 

Habang nakikipagusap ako sa kanya, naglalakad kami papunta sa gate ng school.

"Okay ka na ba?" Napatanong ako.

Nag nod siya at sinabi 

"Pero okay na ako kanina pa eh" 

"Sa storage room?"

"Mhm mhm" Sinabi niya ito habang nag nod.

Nakakataka nga, parang sa akin rin yung mga sinabi ko sa kanya.

"Ano pinagusapan niyo sa loob?"

"Walang bago, parehas lang ang mga sinabi ko sa kanya."

"Ahh.."

"Natawa siya sa isang sinabi ko. Sinabi ko kasi dati maraming sumasabi na nasusunog daw buhok ko dahil kulay orange."

"Ehh, maganda kaya."

Automatic response ko na kahit ako nagulat sa sinabi ko. Bigla niya na lang pinalitan ang pinaguusapan namin.

"Oo nga pala! Ma dedetain tayo bukas. Nag skip classes daw kasi tayo. Hoh hoh hoh." 

Pagkatapos niya sabihin ito pinakita niya ang papel na nagsasabi kung gaano katagal kami ma dedetain. Nakalagay rin sa papel ang signature ng teacher.

 "*sigh* 1 hour pa detention" Sinabi ko tapos ko tignan ang papel.

Hindi ko alam kung ano ginagawa sa detention pero narinig ko maglilinis ka daw ng classroom at mag aayos ng upuan, yung mga simpleng gawain ng maintenance.

"Buti nga 1 hour lang! Nag skip tayo ng 3 hours of class eh." Sabi ni Orange.

Hindi nga makapaniwala pero nag skip classes kami ng ganoon katagal. Hindi dahil sa tumagal kami sa storage room, pero dahil nag isip pa kami kung sasabihin sa teachers o mag tago na lang hangang uwian. Kilangan rin ng excuse slip sa parents sa susunod na araw kung tumakas kami kaya sinabi na lang namin. Pero papalitpalit yung desisyon namin dalawa kaya nagtagal bago namin nasabi, at umabot na ng Dismissal.

Malapit na kami sa gates ng school at papunta na sa labas.

"Oo nga pala!"

Bigla ko na lang naalala.

"Orange, Kilala mo ba kung sino nagpa Jail booth sayo? O may pakiramdam kung sino yun?"

"Hindi ko kilala pero pag nalaman ko kung sino siya kakasuhan ko!"

"Mabigat na mabigat na kaso!" Itinuloy niya ito habang binuksan yung arms niya na parang ipinapakita kung gaano kalaki ang sinasabi niya o kung gaano kabigat in this case.

Atleast bumalik na si Orange.

Tapos niya sabihin ito bigla na lang siya tumigil. Napatigil rin ako dahil hindi ko alam bakit niya ginawa yun. Tumingin ako kay Orange at napansin ko malaki ang mga mata niya na parang gulat.

Nakatingin siya sa labas ng Gate. Meron Tatlong tao nakatayo doon. Isa babae at dalawang lalake. Naka school uniform sila ng ibang eskwelahan at mukang papasok sa loob ng gates. Pero tumigil nung nakita kami

Bigla na lang may sinabi si Orange.

"Mga kaklase ko... Na umasar sa akin dati."

Dead KidWhere stories live. Discover now