Chapter 1 - Part 4

38 2 0
                                    

Nagsimula ang araw sa pagtunog ng school bell. Parehas pa rin paglakad nila. Parehas pa rin routine ko. Kinuha ko libro ko at pumasok sa classroom. Pumunta ako sa upuan at umupo.

*sigh*

15 min pa bago magsimula yung klase. Saglit lang para sa iba ito pero dahil wala ako lagi magawa sobrang tagal para sa akin.

"Teka... kaklase ko siya ah..." Bigla na lang pumasok ito sa isip ko.

Hinanap ko kung saan siya naka upo, pero-

"BAH!"

"Ahh!!" Tapos ko sumigaw natumba ako kasama yung upuan. "Aray.."

"Bakit mo ko ginulat!!" Sinabi ko kay Orange habang naka ngiti siya.

"Baka nakalimutan mo ulit ako eh"

"Nasan na yung drawing ko?" Tinanong niya sa akin.

"Bakit ko naman gagawin yun!?!, Hindi naman ako umoo sa sinabi mo!"

"Ehh!?! Nag drawing pa naman ako ng sayo!" Sabi niya."

"Bakit mo naman ginawa yun!?"

"Para hindi ka malungkot na wala kang drawing, syempre!"

Bakit naman ako malulungkot doon?

Tapos niya sabihin ito binigay niya yung drawing. Pero napatanong ako... Aso ba ito? Bakit may katawan ng tao? Parang nag drawing siya ng aso na may katawan at ginamit yung isang muka na iyon tapos nagdagdag ng katawan ng aso.

"Ano to?!?" Tinanong ko.

"Ano pa ba edi-" Tumigil siya kasi pumasok na yung teacher namin

"Mamayang lunch na lang" Itinuloy niya.

Lumipas ng dalawang subject bago mag lunch break. Tinignan ko ulit yung drawing niya pero hindi ko pa rin mamukhaan.

Napansin ko wala na siya sa upuan niya kaya dumiretso na lang ako sa dati kong pinagkakainan. 

Nung pag labas ko sa classroom nakita ko siya kinakausap mga kaibigan niya

Pero... Bakit parang malungkot siya...

Nung nakita niya ako, nag paalam siya sa kaibigan niya at lumapit sa akin.

Tatanong ko sana kung bakit siya malungkot pero naunahan niya ako magsalita.

"Joneve..." Sabi niya.

Kokorect ko sana siya sa pag sabi ng pangalan ko pero nagsalita pa siya.

"Hindi mga kaibigan yung nag bayad sa Jail Booth..."

Dead KidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon