Prologue

36 1 0
                                    

Tumunog ang school bell habang ang mga kaklase ko ay dumiretso sa kanilang sections.

Dahil umaga pa, parang nasa routine utak nila.

May nabasa ako tungkol dito, Autopilot ata yung tawag dun. Kala ko kalokohan lang pero tatoo pala.

Kinuha ko libro ko sa locker at pumunta ako sa aking upuan. Maganda pwesto ko, sa pinakahuli at gilid ng bintana. Dumadaloy kasi minsan utak ko kaya ayos na bintana katabi ko.

"Morning..."

Pumasok teacher namin at yung kwarto ay napuno ng katahimikan. Teacher namin ay yung teacher na madalas makipaglokohan, kaya walang napatanong sa pagbigkas ng greeting niyang parang galing sa tropa.

"Handa niyo na ballpen niyo, Magsisimula na ako."

Kinuha ko na ballpen ko, nang may napansin ako papunta sa direksyon ko.

Nakita ko kaklase ko palapit sa akin at nakatingin sa bulsa ng polo ko, kung saan nakalagay ang extra ballpen ko.

"Uhhh..." Sabi ng kaklase ko na parang huhula ng sagot.

Halatang nakatingin ka sa namepatch ko.

"Jon.... Eve...?" Sinabi niya ito na parang kinukumperma kung ito nga ba ang pangalan ko.

*sigh*

Binigay ko ballpen ko na walang sinabi. Wala naman masama sa situasyon na to. Normal lang kung may hindi kilala sayo. Pero... 3rd quarter na at wala pa rin may alam ng pangalan ko.

Hindi ko nakita na problema ang pagiging loner. *sigh* Hindi ko nga maalala kung bakit ako loner eh.

Nahulaan niyo na ata, pero..

Nagbago lahat ito...

Dead KidWhere stories live. Discover now