Chapter 2 - Part 2

42 2 0
                                    

Natulungan ko ata siya...

Masaya na ulit si Orange, at yung classroom may ingay na ulit.

Mga kaklase ko rin ay masaya na bumalik na si Orange sa dati niyang karamdaman.

Hindi ko napasin pero nakangiti rin ako.

Atleast normal na ulit lahat.

Lunch break na nung lumapit si Orange sa akin

"Joneve next time okay?"

"Okay lang."  

"Okay lang, masaya na ako na bumalik ka sa sarili mo." Itinuloy ko sa ulo ko.

Dumiretso na ako sa likod ng school building, pwesto kung saan lagi ako kumakain. Maganda dito dahil walang masyadong tao at mahangin yung lugar. Yung hangin lang ang naririnig ko kaya-

Sandali...

May nakaupo sa likod ko. Nasa bench ako naka upo, umupo siya sa sahig. Naka hoodie siya at nakababa ulo niya sa tuhod niya. Hindi niya ata napansin na nandito ako kasi sobrang lapit niya.

Nagpapalamig ba siya?

Sobrang uncomfortable yung katahimikan, lalo na kung alam ko nandyan siya.

Hindi ko na kinaya kaya nagsalita ako.

"He-Hello?"

Sumilip siya sa akin at tumakbo.

Nakita ko kung sino siya. 

Si Orange

Umiiyak...

Dead KidWhere stories live. Discover now